Kanina pa kami naglalakad sa tabing-dagat at napagpasyahan namin na magpahinga muna.
lumuhod ako sa harap niya at may kinuha sa aking bulsa. "halika tumabi ka sa akin," sambit ko na ipinagtaka naman niya. Ang kinuha ko ay isang maliit na garapon, binili ko lang ito kanina.
"pagpasensyahan mo na, ito lang ang kinaya ng aking pera." natawa naman kaming dalawa, "but this little jar is important."
nagsimula na akong magpaliwanag sa kaniya, "Iris, listen. This jar represents my heart," panimula ko. nilagyan ko ng buhangin ang garapon at pinuno iyon.
"ang buhangin na ito ay ang pagmamahal ko. puno ang puso ko ng pagmamahal at ito'y pino ibig sabihin ay pino ako magmahal," itinaktak ko ang buhangin at kalahati na lamang ang natira.
"nakita mo ba ang buhangin na ibinuhos ko? iyon ang pagmamahal na ibinuhos ko sa iyo. napansin mo bang kalahati na lamang ang nasa garapon o nasa puso ko? dahil ibinuhos ko na sa iyo."
"at kapag ibinuhos ko pa lahat.." itinapon ko ang buhangin na natitira sa garapon. "wala nang matitira sa akin dahil lahat ng pagmamahal ko ay ibinigay ko na sa iyo."
napansin kong titig na titig siya sa akin at parang paiyak na siya dahil naiintindihan niya ang gusto kong ipahiwatig.
Bigla kong inihagis ang garapon sa isang bato na ikinagulat naman ni Iris dahil sa nabasag na garapon.
"ganoon ang nangyari sa aking puso noong iniwan mo ako, hindi ko akalain na iiwan mo ako ng ganun ganun nalang. inisip kong paano na yung pinagsamahan natin? iyong pagmamahal na ibinuhos ko sa iyo? paano na ang lahat ng isinugal ko para sa iyo? balewala nalang ba ang lahat ng iyon?"
hindi ko na napigilan at bumuhos na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. kinuha ko pa ang isang garapon sa aking bulsa, mas malaki ito kaysa sa una.
"ang garapong ito ay mas malaki sa nauna," nilagyan ko ang garapon ng buhangin at pinuno ito. "binigyan ulit kita ng isa pang chance, Iris. Sana huwag mo na itong sayangin pa, ginagawa ko ito dahil mahal kita. Ang buhangin na ito, kapag binilang mo ito ay mapapagod ka at magsasawa, huwag mo na sanang bilangin pa ang pagmamahal ko sa iyo. huwag ka sanang magsawa sa akin. Mahal na mahal kita, Iris."
Ramdam ko ang malamig na ihip ng hangin, ang mga huni ng mga ibon at kita ko rin ang pagbaba ng araw. Biglang yumakap sa akin si Iris.
"I'm sorry, Eros." umiiyak siya at humihingi ng tawad sa akin, hindi ko kayang makitang umiiyak siya. Niyakap ko siya pabalik at sinabing, "matagal na kitang pinatawad, i love you, Iris."
YOU ARE READING
random oneshots
Randomrandomly written by the author completely made by imaginations