Mistake.
"Psalm, I'm pregnant.. and you're not the father." mahinang sambit niya na ikinaguho ng buong mundo ko.
"What?" hindi makapaniwalang tugon ko, umaasang babawiin niya ang kaniyang sinabi.
"I'm sorry." ibinaba niya ang kaniyang tingin. Bahagya kong sinulyapan ang kaniyang tiyan, medyo maumbok na nga ito pero hindi ba ganoon kalaki.
"Who's the father of that child?" mahinahon kong tanong, pinipigilan ang galit.
Umiling siya na ikinainit ng ulo ko. "I'll explain, if you will forgive me first."
"No, Athena! I won't bother listening to your bullshits. I will never forgive you!" dinuro ko siya.
"Just please-" nagmamakaawang sabi niya, kulang na lang ay lumuhod sa harapam ko at halikan ang paa ko.
"Stop talking, because I won't accept this. Who is the father? I will kill him!" tinalikuran ko siya at naglakad-takbo papalayo. Narinig ko pang tinawag niya ako gamit ang pangalan ko ngunit hindi ko na siya pinansin.
Pumunta ako sa bar para sandaling kalimutan ang nangyari kani-kanina lang. Umupo ako sa isang upuan sa sulok at umorder ng beer.
Habang hinihintay ko ang aking order ay nagvibrate ang aking telepono kaya kinuha ko ito para tignan kung anong mayroon doon.
Athena
Babe, please, comeback. I'll explain, please, listen to me first.May 5 missed calls din doon na galing sa kaniya. Pinatay ko ang aking telepono para hindi niya ako matawagan.
LUMIPAS ang segundo, minuto, oras, at buwan nang hindi kami nagkikita at nag-uusap. Hindi ko siya kayang kausapin at ayaw ko na siyang makausap.
Madalas siyang nagtatanong tungkol sa akin sa mga kaibigan ko pero sinabi ko sa kanila na huwag nilang sagutin si Athena o kaya naman ay gumawa ng paraan para hindi na siya magtanong.
Naiinis ako, oo, pero may parte sa akin na hinahanap siya. Limang taon kaming magkarelasyon at kahit kailan ay hindi ko siya hinawakan sa maseselang parte ng katawan niya. Dahil ang gusto ko ay kung gagawin man namin ang bagay na iyon ay kapag kasal na kami.
Ngayon, ika labing-dalawang buwan na hindi kami nagkikita. Nakatayo ako ngayon dito sa park kung saan niya ako sinagot. Sa kanang kamay ko ay hawak ko ang engagement ring na sana ay ibibigay ko sa kaniya at itatanong ang tanong na matagal ko nang gustong itanong sa kaniya.
Gagawin ko sana iyon noong araw na sinabi niya sa akin ang tungkol sa kasalanan niya. Aayain ko sana siya na pumunta rito sa park na ito noon, ngunit nasira ang plano ko nang mabalitaan iyon.
Ang sakit, napakasakit.
May mga araw na binabasa ko ang mga texts niya sa akin. Palagi siyang nagkekuwento tungkol sa mga nangyari sa araw niya.
Kinuha ko ang telepono ko at binasa muli ang last text sa akin ni Athena.
Athena, 4:36am
Babe, ito ang ika labing dalawang buwan na hindi mo ako kinakausap. Gusto ko lang ipaalam sa iyo na mahal na mahal pa rin kita kahit na matindi ang galit mo sa akin. Makapal na kung makapal ang mukha ko pero ito pa rin ako, ang unang babaeng minahal mo. Ang aga pa pero nagtext na ako sa iyo, hindi kasi ako makatulog kaya naisip ko magtext sa iyo. Sana ay naiisip mo rin ako, sana naisip mo na sana pinagpaliwanag mo muna ako na sana nakinig ka muna sa sasabihin ko. Pero parang hindi mangyayari iyon, pinapangunahan ka ng galit mo. Alam ko naman na kahit ganiyan ang galit mo sa akin ay matitira pa ring pagmamahal na para sa akin. Wala ka pa namang iba hindi ba? Ngayon, puwede mo na akong ipagpalit, dahil pinapalaya na kita. Hirap na hirap na ako, Psalm. Noong September, nanganak na ako, napakagwapong bata, Psalm. Kung ikaw lang ang ama nito, siguradong napakaswerte ng batang ito. Ayoko sanang banggitin ang tungkol sa anak ko dahil baka masaktan ka ulit pero nais ko pa ring iparating sa iyo ang tungkol dito. Kung puwede nga lang na iwan ko sa iyo ang anak kong ito dahil walang mag-aalaga dito, matanda na rin si mama. This is the last story you'll hear from me, I love you, Psalm. Take care always, I love you.
YOU ARE READING
random oneshots
Randomrandomly written by the author completely made by imaginations