Until I Met You

18 1 0
                                    

"Calliope, what is the meaning of this?"

Nagulantang ako sa boses na narinig ko mula sa likuran. Lumayo ang labi ni Lucas sa labi kong kanina lang ay magkalapat. Sabay kaming napalingon sa likod.

Nadinig ko ang mahina at sarkastikong tawa ni Nicolas. Ramdam ko ang paglaki ng mga mata ko habang nakatingin sa mukha niyang blanko.

"N-Nicolas, it's not what you think it is." Agad na sabi ko.

"Then what is it? What are you two doing.. in public?" aniya at luminga pa sa paligid.

"Bro, please, let's not talk about this here. Let's talk in private—" naputol ang sasabihin ni Lucas nang bigla siyang sapakin ni Nicolas.

"Kailan pa, huh? You're doing this behind my back, huh, brother?" sambit ni Nicolas at saka kinuwelyuhan si Lucas. Nanlilisik na ang mga mata nito.

"Nicolas, stop! Nakakahiya sa ibang tao." pag-awat ko sa kaniya ngunit hindi niya ako pinansin sa halip ay pahagis niyang itinulak si Lucas.

"Noong ginawa niyo iyon ay hindi ba kayo nahiya?!" sigaw niya kaya naagaw niya ang atensyon ng mga tao. Napansin niya ito kaya agad niyang hinawakan ng mahigpit ang braso ko saka pakaladkad akong hinila.

"Nicolas, you're hurting me!" sabi ko at saka pilit na pumipiglas sa mahigpit niyang pagkakahawak. Dinala niya ako sa parking lot ng mall at tumigil kami sa harap ng kotse niya.

"You are also hurting me right now, Calliope." mahinahong sabi niya.

"Please, let me explain." Tumango-tango siya, umiiyak na ako ngayon sa harap niya ngunit parang wala siyang pakialam.

"Then explain, tell me one truth and one lie." mahinahon pa ring sabi niya ngunit nababakas ang galit, selos, lungkot sa mukha niya.

"You wanna know the truth? Fine, 1 year na kaming magkaibigan dahil pinakilala mo ako sa kaniya. Siya ang unang lumapit sa akin then umamin siya na gusto niya ako. And that kiss? I didn't expect that, nagulat din ako. Itawag mo na sa akin lahat ng masasakit na salita dahil iyon naman ang deserve ko, right?" mahabang paliwanag ko.

"You didn't expect that, you know you're mine, yet you did not push him away!" bumuntong hininga siya.

"Ano bang ikinagagalit mo? Hiwalay na tayo, hindi ba? You broke up with me last week. Wala ka nang karapatan sa akin!" sigaw ko.

"I decided to do that for your own sake! Kung ano-anong klaseng pahamak na ang nangyari sa iyo, at ayaw kong may mangyari pang masama sa iyo kaya ako nakipaghiwalay. Dahil sa akin kaya ka napapahamak, I sacrificed my love that is why I broke up with you. I did that for you, I know naging duwag ako pero 'yon nalang ang nakikita kong paraan." Mahabang paliwanag niya.

"What is the lie?" muling tanong niya. Bumuntong hininga ako at nag-isip.

"Hindi ko nagustuhan ang h-halik ni Lucas." sabi ko at saka nagbaba ng tingin. Napansin kong bumagsak ang mga balikat niya.

"Are you s-serious?" nakikita ko ang pagbaba-taas ng balikat niya, naririnig ko na rin ang ipit na hikbi niya. Tumango lang ako at nanatiling nakatungo.

"I'm sorry." iyon nalang ang tanging nasabi ko.

"3 years, Calliope. 3 years iyong relasyon natin, paanong nangyari ito?" muling tanong niya, hindi ko kayang madinig ang mga hikbi niya, hindi ko rin kayang makita ang pag-iyak niya. "Am I not worthy enough? Did I do something wrong to our relationship?"

Umiling lang ako, hindi ko alam ang isasagot ko. "Don't say that." iyon na lamang ang nasabi ko, tumingin ako sa mga mata niya.

"But you're making me say it." aniya, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Niyakap ko siya ng mahigpit, umiyak ako sa dibdib niya. Ramdam ko ang pagtungo niya sa balikat ko pero hindi ko naramdaman ang yakap niya pabalik. Nanatiling nasa baba ang mga kamay niya.

"Forgive me, Nicolas, please." nagmamakaawang sabi ko. Hindi siya nagsalita, puro hikbi lang ang naririnig ko mula sa kaniya.

"Bakit kapatid ko pa? Matatanggap ko pa kung sa ibang tao, eh. Pero Calliope, kapatid ko 'yon." nahihirapang sabi niya. Hinagod ko ang likod niya para tumahan siya pero walang saysay.

Nang kumalma siya ay hinawakan niya pareho ang balikat ko at siya ang kumalas sa pagkakayakap ko. Natakot ako nang makita ang blankong mukha niya, wala nang mababasang emosyon doon kahit na naroon pa ang luha sa pisngi niya.

Tumitig siya sa mga mata ko, palipat-lipat ang tingin niya sa kaliwa't kanang mata ko. Sa huli ay ako rin ang nailang. Nanginginig ang mga kamay ko, natatakot ako sa tingin niyang iyon.

"Tell me, where did I go wrong?" maya-maya'y sabi niya. Nanatili ang malamig at blankong mukha niya maging ang boses niya ay walang emosyon. Kapag ganoon ay alam kong nasasaktan siya at ako ang dahilan niyon. "Calliope, hindi ko maintindihan, eh. Last week lang tayo naghiwalay, papaanong ganito bigla? Ganoon ba ako kabilis kalimutan? Luging-lugi ako, eh, ako ang nagsakripisyo para sa'yo pero bakit ganito naman ang bumalik sa akin? Anong ginawa kong masama para karmahin ako ng ganito?"

"Wala," sabi ko, at tumingin ng deretso sa mga mata niya. "Wala kang kasalanan, hindi ka nagkamali. Sa ating dalawa, ako ang nagkamali. Forgive me, Nicolas, please, bumalik ka sa akin." pagmamakaawa ko, ngunit hindi nagbago ang ekspresyong ipinapakita niya sa mukha niya.

"No, Calliope." aniya na para bang diring-diri pang sabihin ang pangalan ko. Parang hindi ko nakilala ang Nicolas na nasa harap ko. "Kung ako talaga, ako nalang sana. May Lucas ka na, nahalikan mo na ang kapatid ko, bakit nagmamakaawa ka pang bumalik ako sa'yo?"

"Nicolas—" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla niyang haplosin ang pisngi ko at marahang pinahid ang luhang naroon.

"You gave me a valid reason to completely break up with you." aniya.

"W-what?"

"From now on, we will treat each other as nothing. We will forget each other and move forward."

"What do you mean?"

"I'm breaking up with you, Calliope. And that is my final decision, I will never come back to you."

Nagulat ako. "Nicolas, please. Don't do this."

"Sana noong una palang ay naisip mo na ako habang ginagawa niyo iyon."

"Nicolas, I'm sorry, please—"

"I have one last question, Calliope." nabuhayan ako, inisip kong may pag-asa pa.

"What is it?"

Kunwaring napaisip siya. Hinimas pa niya ang kaniyang baba gamit ang kaniyang hintuturo at maya-maya ay hinawakan ang ibabang labi gamit ang hinalalaking daliri. "Why does it hurt so bad?"

"H-huh?" nagtatakang tanong ko.

"I look like cold and blank but I'm secretly hurting. Deep down inside me, it's slowly killing me. I'm trying to hide the pain that I'm feeling. I don't want to show it to you kasi kapag ipinakita ko, ako ang talo."

"Then come back to me."

"No, it will hurt so much if I stay." sabi niya at saka tinalikuran ako. Naiwan akong tulala.

Our relationship is ruined because of me. We were so happy back then not until I met you, Lucas.

random oneshotsWhere stories live. Discover now