CHAPTER 3

961 42 1
                                    

Chapter 3:

MALAKAS ang kabog ng puso ni Soraya habang nakasakay sa malamig na kotse ni Mr. Briton. Naka-micro ear piece siya na nakakunekta sa maliit na device na nasa bewang niya. Nakakonekta naman iyon kay Rima na nakabuntot sa kotseng sinasakyan  niya. Nakapikit ang mga mata niya habang nakikinig sa usapan ng mga ito.

"Baks, magkunwari ka muna habang nag-a-under cover ka," sabi ni Rima sa kabilang linya. Hindi siya sumasagot at nakikinig lang sa instruction ni Rima sa kanya.

Muntik na talaga siyang masapol kanina mabuti na lamang mabilis siyang maglakad. Hindi niya naman gustong magpakamatay ngunit kailangan niya iyong gawin para sa trabaho nila. Kahit na imposibleng gawin ay ginagawa nila, makakuha lang ng impormasyon para umusad ang kasong hawak nila.

Sa ugaling pinakita ni Mr. Briton sa kanya kanina mukhang may lahi pala itong demonyo. Sa ugali pa lamang nito ay nakakaigurado na siyang ito ang pumatay sa sarili nitong kasintahan.

"Kapag may nangyari na hindi maganda sa second plan tayo, baks," dagdag ni Rima na may bahid ng pag-aalala ang tono ng boses nito.

Nagmulat siya ng mga mata at nagkunwaring nagkamalay na. Ang second plan nila ni Rima ay papasukin nila ang bahay ni Mr. Briton at sa pilitan silang kukuha ng ebidensiya mula rito.

"Nasaan ako?" tanong niya na medyo may pagka-over acting ng konti. Kailangan yata niya ng matinding dramatic session ngayon dahil hindi niya pa nasusubukang humawak ng ganitong kaso na guwapo ang suspek.

"Mis maganda, nandito tayo sa kotse ng amo ko si Artemio Briton," sagot ng lalaki na tinawag na Paxton ni Mr. Briton kanina.

"Nasaan tayo?" tanong muli niya habang hinihilot ang sintido niya.

"Nasa labas ng isang Club," nakangalumbaba nitong sagot.

Tumingin siya sa labas at sa buong paligid. Unang tingin pa lang ay alam na niyang nasa Seven Dragon Club sila. At pagmamay-ari ito ni Mr. Damascus Sandoval. Na-raid na ito dati dahil sa illegal na gawain pero matindi ang koneksyon ni Mr. Damascus kaya nakakalusot ito sa ngalan ng batas. Iba rin talaga kapag mataas at makapangyarihan ang nagmamay-ari at namumuhunan sa mga Club na tulad nito. Si Damascus Sandoval ang isa sa mga matitinik na kalaban ng mga pulis dahil sa kakayahan nitong magpapalit-palit ng lugar, pangalan ng establishimento, at pagtatakip sa mga illegal nitong gawain. Sa pamamagitan ng pera at koneksyon.

Marami tuloy na mga kabataan ang nalilihis ng landas kapag may isang tulad ni Damascus Sandoval ang natitirang buhay dito sa mundo.

Nangigigil na sinipa niya ang board ng kotse. Nagulat si Paxton sa ginawa niya, kumunot ang noo nito at tinignan ang nayuping sinipa niya.

Lagot na yata siya nito.

Sumakit ang paa niya sa pagkakatadyak sa board ng kotse ni Art. Napangiwi si Soraya sa ginawa niyang iyon.

"Okay ka lang ba, Miss Maganda? Kung nagagalit ka sa bos ko, naku 'wag ang kotse niya ang sirain mo." Pakiusap ni Paxton sa kanya.

Nagkunwari muli siyang nawalan ng malay-tao para lang makatakas sa sinasabi ni Paxton.

Ilang saglit pa at lumabas ng kotse si Paxton. Pagkakataon na niya para makatakas sa mga ito. Pero pababa pa lamang siya ng kotse ay lumabas na ng  Club si Mr. Briton may kasama itong mga lalaking na sa tingin niya ay mga negosyante at may kapangyarihan sa lipunan.

Bumalik siya sa loob ng kotse nag-alangan siya baka mapurnada ang plano nila ni Rima. Nakita niyang nakabuntot sa mga tauhan nito si Mr. Damascus.

"Baks, ikaw na ang bahala sa mga drama mo basta narito lang ako sa likod mo," paalala ni Rima sa kanya na nasa kabilang linya.

"Bosing, aalis na ba tayo?" tanong ni Paxton sa amo.

SECRET AGENT: SORAYA CASTELEJO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon