CHAPTER 11: OFF LIMITS

836 36 1
                                    

Tahimik si Love habang nakaupo ito sa backseat at kandong si Osha. Hindi ito kumibo mula pa kanina, nakatingin lang ito kay Osha. Pinaandar niya ang kotse ang habang sinusulyapan si Love. May nasabi kaya si mama na ikinasama ng loob ni Love. Dahil ba nagtratrabaho sa club si Love at nagalit ang mama niya. Wala namang sinabi kanina ito nang makausap niya.

"Love?" tawag niya rito.

"Sir?" Nagtaas ito ng tingin sa kanya at nagpahid ng luha sa mata. Umiiyak ba si Love?

"Okay ka lang ba?" takang tanong niya.

"Oo naman sir. Mabuti pong ina ang mama ninyo, mahal na mahal niya si Osha."

Tumango si Art. "May nasabi ba si mama tungkol sa pagiging yaya mo kay Osha?"

Umiling ito at hinaplos ang buhok ni Osha.

"Sinabi lang niya sir, na kailangan kong alagaan ang kapatid mo at ituring na isang kapatid." Nakatingin pa rin ito kay Osha habang nagsasalita.

"Sa club ka ba nakilala ni mama?"

"Oo sir, pero hindi sa Seven Dragon Club. Mataas kasi mag-tip ang mama ninyo at waitress pa lamang ako noon at hindi dancer."

"I see."

"Nakikita ko ang nawawala kong kapatid sa kapatid ninyo, sir. Kaya naman hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi umiyak. Nawala kasi siya sa amin nang pilitin siyang kunin nang mama ko at isama dito sa Maynila. Hanggang ngayon nga hindi ko  pa rin sila nakikita."

"Gusto mo bang tulungan kita? May mga kilala akong private investigator para matulungan ka."

"Salamat sir."

"Sabihan mo lang ako, Love. I'm willing to help." Nginitian niya ito.

"Bakit nga pala hindi nakatira si Osha kay Senyora Morgana?"

Bumuntong-hininga siya bago nagsalita.

"Isang taon pa lamang si Osha nang iwan na siya ni mama sa pangangalaga ko. Hindi na nga umuuwi si mama sa bahay namin at 'ni anino niya hindi ko man lang makita. Nabalitaan ko na sa Casino siya namamalagi mula nang iwan niya sa akin si Osha."

"Masama pala talaga siya," mahinang sabi nito.

"Anong sabi mo?"

"Sorry sir, nadala lang ako sa emosyon."

Tinanguhan niya si Love at pinagpatuloy ang pagdra-drive ng kotse.

"Hindi mo ba namimis ang pamilya mo?"

"Sir?"

"I mean... wala ka bang balak magbakasiyon sa inyo para madalawa ml ang pamilya mo?"

"Salamat sir, pero pag-iisipan ko."

"Sasamahan kita."

"Sir!" gulat na sabi ni Love. Napangiti si Art gusto lang niyang gumawa ng paraan para mapalapit kay Love. Dahil gusto niyang makilala ang buo nitong pagkatao.

#SASC

Mahimbing nang natutulog si Love habang yakap nito si Osha. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na bahagyang sulyapan ang mukha nito. Wala pa ring pinagbago buhat nang una namin siyang makita ni Paxton. Mahigit isang buwan na rin pala mula nang magtrabaho siya bilang yaya ni Osha. Ramdam niyang mabait si Love base na rin sa nakikita niya. Dumako ang tingin niya sa labi nito. At napalunok siya.

Ibinalik niya ang tingin sa daan, mabagal na lang ang patakbo niya. Gusto niyang makasama ng matagal si Love kahit na ngayon lang. Inakala niya sa sarili niya na hindi na siya magmamahal. Dahil labis siyang nasaktan nang mamatay si Lexi.

SECRET AGENT: SORAYA CASTELEJO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon