CHAPTER 12: Mission

849 37 1
                                    

"Love, anong nangyari sayo?" tarantang tanong niya. Bitak ang bibig nito at umaagos ang dugo mula roon. May basyo ng can beer sa tabi nito at plastic na baril. Pumasok agad sa isip niya na baka tinambangan ito ng mga lalaking gustong patayin siya.

Nagmulat ito ng mata at tumingin sa kanya. Ngumiti ito nang makita siya. Amoy alak pa ito.

Umupo ito. "Art, sir---"

"Ano bang ginagawa mo rito?"

Inalalayan niya si Love na makatayo. Bigla muli itong natumba ngunit tinawanan lang siya. Binuhat na lamang niya ito. Basang-basa na sila pareho ni Love dahil sa lakas ng ulan.

"Walang nagmamahal sa akin," bulong ni Love. Dama niya ang mahinang paghikbi nito. Hindi niya alam kung ano ba ang nangyari rito. Nakadama siya nang pag-aalala kay Love at hindi niya iyon maitanggi sa kanyang sarili.

Pinahiga niya ito sa backseat. Tsaka siya umibis para pumunta sa harapan. Binalingan niya ito bago patakbuhin ang kotse. Pinuntahan niya kanina si Carlos para ipaimbestiga rito ang nangyari. Kinausap na rin niya si Maximo isa sa kliyente ni Mr. Damascus. Wala itong alam sa ginawa ni Mr. Damascus sa kanya. Kung trayduran lang naman ang labanan kailangan na niyang maunahan si Mr. Damascus habang maaga. Isa pa hawak na niya ang black book na naglalaman ng mga illegal na gawain ni Mr. Damascus. Ipinasa na lamang niya kay Carlos ang nakuha niyang ibidensiya upang matulungan siya nito.

Inihatid niya ito sa inuupahan nitong bahay. Hindi niya gustong ipunta ito bahay niya baka madamay pa ito sa gulong pinasukan niya. Si Paxton na lamang ang nasa mansion, pinauwe niya muna si Osha sa mama niya. Hindi niya alam kung ano ang kayang gawin ni Mr. Damascus kaya ngayon pa lang nag-iingat na si Art.

Sarado ang bahay ni Love. Wala yata itong kasama sa bahay nito. Binuhat niya si Love papasok sa loob ng bahay nito. Inihiga niya ito sa sofa na naroon. Tsaka hinanap ang switch ng ilaw. Inalis niya ang damit niya dahil basang-basa iyon. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Nagkamot siya ng batok at tumingin kay Love. Mahimbing na natutulog ito. Nilapitan niya ito at hinawakan ang kamay nito. Napaso pa si Art sa init ng katawan ni Love. Binuhat niya ito at ideneretso sa loob ng kuwarto nito. Kinumutan niya ito at lumabas ng bahay upang magtawag ng tulong ngunit sa sobrang lakas ng ulan walang nakakarinig.

Binalikan niya si Love na nanginginig pa rin. Ibinaba niya ang kumot na basang-basa na dahil sa basang damit nito.

Inalis niya ang basang t-shirt nito na hindi tumitingin sa katawan ng dalaga. Agad niyang kinuha ang isa pang kumot at itinakip sa katawan nito. Isinunod niya ang pantalon ni Love. Kahit nilalamig siya ay butil-butil ang pawis niya. Anong mukha ang ihaharap niya kapag nagising ito. Ngunit hindi naman niya maatim kapag mas lalong tumaas ang lagnat nito. Natanggal niya ang pantalon ni Love at inilagay ang mga damit nito sa kusina. Kumuha siya ng palanggana at nilagyan iyon ng maligamgam na tubig. Bumalik siya sa kuwarto at naghanap ng bimpo sa lagayan ng damit nito. Pinunasan niya si Love sa mukha at braso. Tsaka ipinatong muli ang bimpo sa noo nito.

Nakatingin lang siya sa maamong mukha ni Love.

"Gusto kitang mahalin," bulong niya. Inilapit niya ang silya sa tabi ni Love at inilapit ang mukha dito.

Hinagkan niya ito sa pisngi. Tumayo siya muli at pinasyang pumunta sa kusina. Natutukso siya kay Love at baka hindi siya makapagtimpi ay kung ano pa ang magawa niya sa dalaga. Ano kayang nangyari rito bakit ito may pasa sa mukha?

Basa rin ang pantalon na suot niya. Bumalik siya sa kotse niya at kinuha ang extra niyang damit sa compartment.

Mabilis siyang bumalik sa loob ng bahay ni Love. Nagpalit siya ng damit at inilagay sa plastic ang pinagbihisan niya. Binalikan niya si Love sa kuwarto nito at hinawakan ang pisngi nito. Bumaba na ang lagnat ni Love, nakahinga siya nang maluwag at ipinasya na ring matulog sa tabi nito. Niyakap niya nang mahigpit si Love.

SECRET AGENT: SORAYA CASTELEJO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon