Prologue

18.4K 226 9
                                    

Hunter's POV

Can you find love in your darkest time?

No.

Love is just an illusion like time.

Napapikit ako ng maalala ko yung taong mahal ko ay mas piniling gusto akong mamatay....

Bumagsak akong padapa sa gitna ng kalsada. Sobrang nahihilo na ko sa sobrang pagod at sa sobrang sakit ng buong katawan ko dahil sa mga sugat ko at ang sakit pa ng mga patak ng ulan na tumatama sa mga sugat ko sa likod.

Napangisi ako ng maalala ko kung sino yung gumawa nito sa akin.

"T-tang ina ka....kapatid talaga kita..." nanghihinang anas ko. Hindi ko na magawang maigalaw yung buong katawan ko dahil sa sakit at lamig ng panahon kasabay ng pag ulan. Hindi ko ng kayang labanan yung pagsara ng talukap ng mga mata ko.Hanggang sa nilamon na ng kadiliman yung paningin ko.

Simula ng gabing yun nagbago yung buhay ko. Nagbago ang buhay ko ng makilala ko yung nanay nya... sya yung tumulong sa akin na makabangon ulit.

"Save my daughter's life....and I will help you regarding to your family.." alok ng isang sopistikadang babae nasa tingin ko ay nasa early 50's nya. Do I have an option? Wala naman di ba? kaya no choice ako at tinanggap ko na ito.

"Where is she?" Tanong ko.

"I put her in a sanctuary and we called it 'Garden'. Protektahan mo sya at ako ng bahala sa mga taong gustong manakit sayo....buburahin ko lahat ng data ng patungkol sayo...papalitan ko lahat ng bago" saad nya at hindi ko matagalan na titigan yung malungkot na mga mata nya.

Sa harap ng pinsan kong si Miranda ay nagpanggap ako....nagpanggap akong nasisiraan ng pag iisip gaya ng sinabi sakin nung ginang kapalit ng katahimikan ng buhay ko. Gaya ko kinausap din sya na wala syang sasabihin na kahit anong patungkol sa akin sa lahat ng tao.

Pagdating ko sa sinasabi nyang lugar namangha ako. Gumawa sya ng isang mental institution na parang isang paraiso. Napangisi ako dahil yung anak lang nya yung pasyente dito.

Nagimbal ako ng makita kong may inilalayan na nurse at duguan yung braso nya. Napalunok ako dahil may kutob na ko kung sino ang may gawa nun. Naupo ako para antayin yung duktor at yinakap ko yung mga tuhod ko bago ako kumain ng mga candies na nasa table ko.

"Hi?"

Nagulat ako ng may isang babae na nakaupo sa katapatan kong upuan at sinusuri na nya yung kilos ko at hindi maalis yung mga titig nya sa mukha ko.

"May I know your name?" Tanong nya.

Sa totoo lang nakakainis pala yung ganitong usapan. Yung tingin ng kaharap mo eh baliw ka talaga tapos need nilang magpasensya dahil nga may tagas ka sa utak.

Napabuntong hininga sya bago ngumiti ulit.

"I'm Doctor Yuri....according to your papers..you are patient Z.....and" saad nya habang binabasa yung papel sa folder.

"Hunter...I'm Hunter and I came from hell and my friends told me I have a brother....his name? Lucifer." Natatawang saad ko at muling kumuha ng candy para kainin.

Sa totoo lang naaliw ako sa reaction nya. Wala eh! trabaho kong gawin ito.

Napatingin ako sa may bandang likod nya at nahagip ng mga mata ko yung pakay ko.

"Who is she?" Walang emosyong tanong ko at parang nagulat sya ng ngumisi ako sa kanya.

"She's Cyrll...." sagot nung duktor kaya napatayo ako at dumakot ng candies bago lumapit doon kay Cyrll. Hindi ko pinansin yung pagtawag sakin ni Yuri. Bakit ko sya lilingunin? Baliw ako di ba?

Nagbubungkal sya ng lupa at parang magtatanim ng mga rosas kaya ang ginawa ko hinagis ko yung mga candy sa harap nya at napatigil sya. Sobrang namangha ako ng makita ko yung mga mata nya. Wala itong kaluluwa. Napatingin sya sa mga hinagis ko at halos mapatawa ako ng inilibing nya sa lupa ang mga yun. Nawala talaga sya sa katinuan at hindi sya nagpapanggap.

Naupo ako sa katapatan nya at ng napatingin ako sa kaliwa ko ay lalapit sana yung duktor pero tinapunan ko lang sya ng isang malamig na tingin. Subukan lang nyang lumapit. Napangisi ako ng may pumigil sa kanya na isa pang duktor yata.

Nagulat ako ng pasimple akong sinaksak ng stick ni Cyrll sa ibabaw ng kamay ko kaya ang ginawa ko ay hinawakan ko yung kamay nyang may hawak na stick at iniangat ko iyon hanggang sa maalis yung pagkakatarak nung kahoy sa kamay ko. Shit! ang sakit!

"Gigisingin kita.....papaluhurin ko ang lahat ng gumawa nito sayo. Narinig mo ko? Iisa isahin ko sila para sayo..." saad ko at nabigla ulit ako ng may tumulong luha sa mga mata nyang walang sigla. May pag asa pa itong isang 'to.

Hindi ko namalayan na habang tumatagal ay nakaramdam ako na may  bago na akong pamilya...sa katauhan nina Yvie, Yuri at Cyrll. Parang nakaset up na yung buong pagkatao ko na dapat ko silang protektahan.

Anim na taon ang inabot bago sya nagising. Kaya simula ng natauhan sya tinupad ko yung pangako ko sa kanya na papaluhurin namin lahat ng sumira ng buhay nya at buhay ng mga kaibigan nya. Nagawa namin yun dahil sa kunwaring kabaliwan namin ni Cyrll... napaikot naming silang lahat sa mga kamay namin.

Ang hindi ko kinaya ay yung delubyong inalok nya sakin.

"Save Gale's life....Hunter please." Pagmamakaawa ni Cyrll sa akin habang umiiyak. Iba pa din ang kadugo kahit ginawan ka ng kasamaan ay mangingibabaw pa din iyong pagmamahal mo sa kanila.

Napabuntong hininga ako. Nakakainis ang hirap tumanggi para ko na kase syang kapatid kaya siguro ganito na lang kapag nahingi sya ng pakisuyo ay napapa oo ako.

"Fine." Walang ganang saad ko at napangiti sya sa tuwa. Talagang buhay na sya dahil yung mga mata nya ay puno na ng pagmamahal.

"After this....isang pamilya na tayo. Hindi mo na kailangang lingunin yung nakaraan mo." Saad nya.

Hindi ko na iyon nililingon simula ng makilala ko silang lahat. Sila na yung pamilya ko.

"If you don't take your fucking medicine you will fucking regret it!" Sigaw ko sa galit sa kanya habang pinalipit ko yung braso nya sa likod nya at dinakdak ko sya sa dingding ng kwarto nya habang dakot dakot ko yung batok nya. Tang ina! Nakakagalit! Hindi na sya bata para subuan ng putang inang gamot na 'to!

"W-what the hell! Ouchh!.....gusto mo kong gumaling pero gusto mo din akong dalhin sa morge? Tang ina! Anong pagkakaiba?" Galit na galit nya ding hiyaw habang namimilipit sa sakit.

Napairap ako sa ere! Tang ina nakakagigil yung talino nya! Hayop! Paanong naging kapatid ito ni Cyrll?

Mamatay sya sakin kapag inaraw araw nya yung galit kong ito sa tuwing oras ng pag inom nya ng gamot.

"Listen carefully! Kung gusto mo ng magkahiwalay yung landas natin ng payapa....putang ina naman isa lang yung dapat mong gawin....inumin mo yung gamot mo sa oras para umayos ka and viola! Tatantanan kita!" At sa inis ko diniin ko talaga yung pagmumukha nya sa dingding.

Nung si Cyrll ang kasama ko dito sa Garden ay paraiso ito para sa akin pero nitong si Gale na yung kasama ko.....malala pa sa impyerno yung lugar na ito.

Yung ibang parte ng facilities dito puro butas ng pinagtarakan ng kutsilyo and swear lahat ng matatalas at matalim na bagay dito pina pull out na ni Yuri dahil sa aming dalawa ni Gale! Hindi naman ganito dito dati eh!

Feeling ko sya yung dahilan ng kamatayan ko.

..................

This is it guys! Ang marahas na love story nina Gale at Hunter. Pero maintindihan nyo yung scenes dito need nyong basahin muna yung 'INSIDE HER MIND' para malaman nyo kung ano yung nangyare kay Gale bakit sya nasa Garden....hindi ko na kase ibabalik balik yung dahilan dito dahil nakakatamad ng gawin yun.

Be ready in the roller coaster emotions ng isang baliw at ng isang baliw baliwan na character na ito.

Support guys! Vote and comment kung itutuloy o hindi!

Thank you for reading!

~dark19


Sadist's Lover (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon