Crush?

4.6K 184 7
                                    

Hunter's POV

"Bakit panay-panay tingin mo sakin? Nagkakagusto ka na sakin noh?" Nakangising sabi nya sakin na kinangilo ko. Ulol na 'to!

"Wala namang diperensya yung pagmumukha mo pero medyo assuming ka sa part na yan Gale." Matabang kong sabi habang nagtetext ako kay Cyrll regarding ng result ng therapy ng huhang nyang kapatid. Napatawa sya habang naiiling na nakatingin sakin.

Hudas!

"Alam mo Hunter...nagagandahan ako sayo." Sabi nya na kinahinto ko saglit at napatingin sa kanya with my poker face. Aliw na aliw syang nilalaro sa daliri nya yung mga rosas.

"Stop annoying me..." saad ko na kinataas nya ng kilay.

"Eh di ang gwapo mo na lang Hunter!" Bwelta ulit nya pabalik at doon na ko napapikit sa inis!

"Hindi mananahimik?" Walang ganang tanong ko.

"Tsk! KJ!" Saad nya bago nagwalkout.

Napabuntong hininga ako. Napaka talaga!

Pagbulsa ko ng cellphone ko ay may dumadating na sasakyan. Anong masamang hangin ang nagpadpad sa kanya dito?

Pagkababa nya ng sasakyan ay para syang batang nagtatakbo sakin at yumakap.

"Hunter!" Tawag ni Yvie sa pangalan ko na akala mo may nang api sa kanya.

Tinulak ko sya ng kaunti at tinitigan sya habang napanguso sya.

"Anong nangyare?" Tanong ko dahil parang problemado sya.

"Kase...ano." hindi nya malaman kung saan magsisimula kaya tinaasan ko sya ng kilay.

"Inaya ko ng date si Andrea....walang pumapasok sa isip ko kung saan sya dadalhin. Tulungan mo ko...si Cyrll kase parang pusa hindi ako pinansin nung nagmamakaawa ako!" Sumbong nya sakin.

Mayamaya ay may napatawa sa gilid nya.

"Baog ka talaga!" Pang aalaska ni Gale kay Yvie.

"Eeeeh! Special naman kase si Andrea alangan bara-bara lang yung date na gagawin ko!" Talagang nahihirapan sya sa pag iisip.

"Engot sa resort nina Roian mo dalhin and use my telescope show her the universe..." sabi ni Gale na kinaliwanag ng mukha nung isa at napayakap kay Gale.

Ilang saglit lang yung tinagal ni Yvie at umalis na ito pero babalik daw sya kasama na sina Carol para dito daw mananghalian.

"Tuwang tuwa si Cyrll sa improvements mo..." sabi ko habang nakaupo kami sa isang duyan.

Napangisi lang sya at muling nanahimik.

"Labas tayo..." aya nya.

"Assurance?" tanong ko dahil gusto kong ipangako nyang magbabait sya.

Naningkit ang mga mata nya habang nakangisi sya. "Pwede mong pagsawaan yung katawan ko Hunter..."

Sa galit ko tinadyakan ko yung duyan nya kaya nagwasiwas sya sa kinauupuan nya.

"Tang ina! napakapikon nito eh!" singhal nya sakin pero tinaasan ko lang sya ng kilay.

Napabuntong hininga sya at nagtaas ng kanang kamay.

"Magbabait ako at hindi gagawa ng kahit na anong kalokohan." pangako nya.

"Alam mong sasapitin mo soon na hindi mo ko sinunod...." sabi ko at napanguso sya at napatango.

Pagkagayak namin, habang naglalakad kami papunta sa kotse ko ay ang kulit nya.

"Sinong first kiss mo Hunter?" usisa nya kanina pa.

Sadist's Lover (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon