2nd Attempt

8K 187 9
                                    

Hunter's POV

Napataas ang kilay ko habang pinapanuod ko si Gale habang nakatulala sa mga rosas na tanim ng kapatid nya.

Try lang nya na magbasag ulit ng mga paso dito hindi talaga ko mag aalangan ipaghahataw sa kanya yung matitinik na katawan ng mga rosas sa kanya.

Inayos ko ang ilang paso ng rosas sa west wing ng Garden. Hindi ko alam bakit sobrang nagugustuhan ko yung bulaklak na ito?

"Hunter..." tawag sakin ni Gale.

"Ano?" Walang emosyon kong tugon at pinatong ko na yung paso sa isang plant box.

"Wala..." nakangisi nyang sagot.

Gago!

Nilagpasan ko sya. Mukha syang normal pero hindi...

"Let's drink!" Saad nya at doon ako napahinto.

"You are taking your medicine...stupid!" Saad ko ng walang emosyon at napatawa sya.

"This will be the last time promise..." saad nya at sumandal sa puno.

Promise? Kelan pa syang natutong gamitin yung salitang yun?

"Okay..." saad ko.

Napangiti sya.

"Once you break that promise....I will break your bone in thousand pieces! Try me!" I smirk at her bago ko sya nilayasan.

Nakataas ang kilay ko habang kampante akong nakaupo habang nilalapag nya sa lamesa yung wine at yung dalawang baso. Sya na din yung nagsalin sa mga baso namin.

Walang anu ano ay tinungga na nya yung sa kanya pero hindi maalis yun tingin ko sa kanya. Nanlaki yung mga mata ko ng may naaninag ako sa baso nya kaya mabilis ko itong inagaw.

"Shit!" Mahinang mura ko at inamoy ko yung baso nya. Isa akong winemaker kaya alam ko yung amoy ng puro nito. May ibang kemikal dito!

Pagtingin ko kay Gale ay nakangisi ito sa akin at parang kinakapos ako ng hininga ng nag iiba na yung mga mata nya at tuluyang bumagsak sa kinauupuan nya!

Nilagyan nya ng lason yung baso nya! Mabilis akong tumalima....hindi sya pwedeng mamatay habang nasa mga poder ko sya!

......

Napasandal ako sa dingding habang kakapasok lang ni Gale sa isang kwarto dito sa hospital ni Yuri.

"Muntik na iyon Hunter..." mahinang saad ni Yuri at napabuga ng hangin marahil sa frustration.

"Don't tell Cyrll about this....Ako ang didisiplina sa kapatid nyang ito." Pakiusap ko at napatango sya. Cyrll suffered a lot ayoko ng pati ito ay papasanin pa nya.

"Doble bantay ang gawin mo ngayon sa kanya Hunter." Sabi ni Yuri.

"Magpapa-pull out ako ng mga ilang gamit doon sa Garden....pirmahan mo." Saad ko at pumasok ako sa loob ng kwarto ng walang hiyang si Gale.

Napatingin ako sa mukha nya parang ngayon lang nakalasap ng tulog. Ang lalim kase ng itim sa ilalim ng mga mata nya. Napatingin ako sa tattoo sa may bandang leeg nya. Nakakainis! Ang plano ko lalagyan ko sya ng tattoo para mademonyo sya sa galit kaso baliktad ang nangyare! Ako ang nanggagalaiti ngayon!

Kung anu anong kahayupan na kayabangan ang binabato nya sakin. Kesyo inangkin ko na daw sya. Kesyo ang selfish ko daw pagdating sa kanya at ayaw ko daw syang ishare sa iba. Patay na patay daw ako sa kanya.

Napakayabang!

Kung pira-pirasuhin ko kaya ang mga kalamnan nya at ishare ko sa iba? O di ba? Makatotohanan pa!

Sadist's Lover (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon