10

409 57 12
                                    

Kiara POV.

Ilang araw na mula ng mangyari ang eksenang pagsuntok ni Dave kay Gleen sa pag aakalang may ginagawa kaming kababuyan sa bahay ni Ms. Joy.

Yon din ang araw na parang may nag-iba kay Dave.

Umaga non pag gising ko ay may nakita na akong puting rose sa tabi ng higaan ko. Hindi ko ito pinansin at ginawa na ang morning routine ko. Pagbaba ko naman ay nakita kong nahain na ang agahan. Nagsisimula na rin nyang pakainin ang Kambal. Kaya umupo nalang ako sa pwesto ko.

Doon may nakita nanaman akong isang rose na puti.

Tiningnan ko si Dave ag nahuli ko syang nakatingin din sa akin o mas tamang sabihin ay nakatitig sa akin. Pero dagli ring nag iwas ito ng tingin nang mahuli ko ito.

Araw-araw ganon ang nangyayari. Nagigising akong may bulaklak at nakahain na ang agahan. Hanggang isang umaga ang inaasahan ko ay wala.

Palinga-linga ako sa paligid hanggang sa muntik akong mapasigaw ng makita si Theo na nakahalukipkip na nakatayo sa gilid ng kama ko.

"Whay the?-- Theo, baby" gulat kong sambit.

Inirapan ako nito.

"Disapointed?" Tanong nya.

"Huh?" Maang ko.

"Yaya huwag mo ng itago. Alam kong disapointed ka na wala kang flowers ngayong umaga!"

"Ano ka ba. Pinagsasabi mo dyan" pagkukunwari kong walang alam.

Pero si Theo ay si Theo.

"Huwag ako Yaya. I know na kaya ka palingap-lingap sa paligid ay dahil hinahanap mo yong bulaklak mo. Huwag kang assuming" sabi pa nya.

Naknang.

Huminga sya ng malalim at umupo sa tabi ko.

"Huwag kang umasa dahil sa pinapakita ng isang tao. Ginagawa nya lang yon dahil guilty sya, hindi dahil gusto ka nya. Sinasabi ko sayo to para di ka umaasa at baka sabihin mo pang pinaasa ka nya. Hindi ka nya pinapaasa kundi mali lang talaga ang interpretasyon mo sa pinapakita nya"

Sapol na sapol ako sa sinabi nya. Pero nakakainis lang kasi isang bata pa talaga ang magsasabi noon sa akin.

"Sinasabi ko sayo to para magising ka. Hindi para pagsabihan o ipahiya ka. Mahal kita. Namin ni Thea at ayaw kong makikita kang masaktan ng dahil lang kay tito Dave. No hindi dahil sa kanya actually kundi sa interpretasyon mo sa pinapakita nya. Huwag kang tanga!" Okey na sana ehh. Okey na pero pinagkalandakan nya pang talaga.

Hindi ko rin naman maintindihan ang sarili ko ng wala akong maisabi sa kanya.

Tumayo sya.

"Nagugutom na ako" sabi nya.

Tila ba doon lang ako nagising sa pagkakatulala ko.

Agad syang umalis sa kama at tinungo ang pinto.

"Nga pala. Nasa ilalim ng unan mo yong hinahanap mo. Tinago ko lang at hindu sya nakapaghanda kasi may sakit sya. Inuna nya lang lagyan ng bulaklak kwarto mo"

Yon lang saka tuluyan na sang umalis.

Inangat ko ang unan at nandoon nga. Pero di ko magawang magsaya kasi sa sinabi ni Theo na may sakit sya.

Nagdadalawang isip ako kung ano gagawin ko pero mas nanaig pa rin sa akin ang pag aalala sa kanya.

Confused OR ConfirmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon