Kiara Pov.
Ilang linggo na ng dumating kami ni Lindsay dito sa Amerika ay wala pa rin akong mahanap na trabaho.
Noon una ay nagtataka pa ako pero ngayon alam ko na.
Nalaman ko kasi kay Yaya Adel na minsan daw ay na narinig nya si Dad na may kausap sa telepono at narinig nyang binabawalan daw nito na tanggapin ako sa alinmang kompanya dito.
Grabi. Ganon ba katindi ang galit nya sa akin upang gawin nya yon? At hanggang dito ba naman?
Sabagay di na ako nagtaka na umabot dito ang kapangyarihan ni Dad. Ikalawa lang naman ang pamilya namin sa pinaka mayamang tao na nabubuhay sa mundo.
Mayaman nga pero kulang naman sa pagmamahal. Ano pang silbi ng pera?
"So anong plano mo bes?" Tanong ni Lindsay habang nasa hapag kami.
"Hahanap pa rin ng trabaho. Mauubos na yong dala kong pera at ayaw ko naman iasa ang sarili ko sayo"
Iniwan ko kasi ang lahat sa pinas. Lahat ng cards na meron ako. Tanging ang baon ko lang ay ang unting halaga.
"How? Kahit sa kompanyang pinapasukan ko ay hawak na ng Daddy mo." Malungkot na sabi nya.
Huminga ako ng malalim.
"Kung hindi ako sa kompanya makakapasok. Di sa bahay nalang"
"What? Nahihibang ka na ba? Anong alam mo sa gawaing bahay?" Histirikal na sabi nya.
Napa irap ako.
"Ano naman ang tingin mo sa akin? Marunong ako noh. Lahat ng gawaing bahay alam ko kasi tinuruan ako ni Mommy noon. Sabi kasi nya na hindi porke mayaman ang isang tao eh kahit na sa kailiit liitang bagay na kaya naman gawin ay iaasa pa sa iba. At isa pa pag nag asawa daw ako kaylangan alam ko yon."
"Fine. Pero iba naman pag gawa mo na talaga ang lahat noh"
"Kaya ko yong bes. Isa pa kailangan kong lumayo sayo. Ayaw kong pati ikaw idamay ng tatay ko sa galit nya sa akin" natahimik sya.
Kilala ko tatay ko. Walang sasantuhin yon. Alam ko rin na natatakot din si Lindsay sa pwedeng gawin ni Daddy sa kanya. Pero dahil kaibigan nya ako ay nanatiling tikom lamang ay kanyang bibig.
"Ayy alam ko na. Yong anak nong may ari ng kompanyang pinapasukan ko. Naghahanap ng mag aalaga sa anak nya. Bali dalawa ang aalagaan mo twins" masayang balita nya.
Nagkaroon ako ng pag asa dahil don.
"Talaga?"
"Oo at alam mo bang pinay din yon at sobrang bait."
"Sige. Payag ako"
"Okey. Tatawagan ko si Ms. Joy para sabihing may nahanap na akong mag aalaga ng anak nya"
Ms?
"Huh?"nagtatakang tanong ko.
"Well. Yes Ms. Joy Santos. May anak sya at buntis rin sya pero bali-balita na hiwalay daw. Tapos ang chismis bading daw yong bagong boyfriend nya"
"What?" Biglang umandar ang pagiging tsismosa ko kaya pinakwento ko si Lindsay.
💞💞💞💞💞
Pareho kaming naka upo ni Lindsay sa may sala ng pamilya Santos. Hinihintay ang pagbaba ni Ms. Joy.
Di naman nagtagal ay bumaba sya.
Ang ganda nya. Para syang isang dyosa. Ang sexy. Hindi pa kasi halata ang pinagbubuntis nya.
Kinausap nya ako at si Lindsay. Hindi lang sya maganda napaka bait pa nya.
"So okey na ba sayo yon Kiara?" Tanong ni Ms. Joy nang matapos nyang ipaliwanag ang mga gagawin ko.
"Opo Ms. Joy"
"Nahh. Joy nalang. Ohh ayan na pala sila" sabay tayo nya at sinalubong ang mga bata.
Ang cute.
Twins sila. Pero lalaki at babae.
Hayy sana magka baby din ako tulad nila.
"May bisita ka pala" sabi ng isang boses lalaki. Pero may pagka malambot?
Doon ako nag angat ng tingin at nagtama ang aming mata na syang nagpatigil sa pag inog ng mundo.
Bumaba ba si Olympos?
Oh ghad..
Ang gwapo....
A/N
D2 nalang muna tau mag u.d mahirap ung isa. Haha mas mahirap gawin ang kwentong galing sa nakaraan. Maraming nauungkat..hahahah
BINABASA MO ANG
Confused OR Confirm
ContoNakatatak na sa isip at puso ni Dave na isa syang Dyosa. Ngunit dahil nag iisa syang anak ay di sya pwedeng lumantad. Kinailangan nya pang pagpanggaping kasintahan si Joy upang hindi sya mabuko. Pero nang dahil sa isang babaeng saksakan ng kulit ay...