15

393 37 6
                                    

Dave POV.

Matapos kong magpakilala sa ama ni Kiara ay lumabas muna ako para mabigyan din sila ng oras mag-ama at bumili ng makakain.

Nang pabalik na ako ay may namataan akong lalaki. Nakaupo sa waiting area malapit sa kwarto kung saan ang ama ni Kiara.

Lumapit ako at umupo sa tabi nya.

"Anong ginagawa mo dito?" Agad kong tanong sa kanya.

"Nandito ako para kay Kiara. Ikaw?  Bakit ka nandito?"

"Nandito ako ako para pormal na magpakilala sa ama nya at pormal na hingin ang permiso nya upang maging kasintahan ko si Kiara."

Tumawa sya.

"Nababaliw ka na ba? Tingin mo papayag si Tito? O mas higit tingin mo papayag ako?" Biglang naging mabangis ang itsura nya.

"Akin si Kiara" agad kong sabi.

"Iyo? Kailanma'y hindi sya naging iyo. Mula pagkabata ako na ang kasama nya. Alam ko ang lahat sa kanya mula sa maliit na detalye hanggang sa malaki. Alam kong umiiwas sya sa mga lalaki. Kaya nagawa kong magpanggap na bakla sa harap nya"

"What?"

"Tama ang narinig mo. Buong akala ni Kiara binabae ako. Pero hindi. Ginawa ko yon para maging malapit sya sa akin. Para hindi nya ako iwasan. Hanggang sa dumating ang puntong nagsasawa na akong magpanggap. Puntong gusto ko na syang makasama habang buhay. Kaya kina-usap ko si Tito na ipakasal kami. Noong una ay tutol sya pero di naglaon ay napapayag ko sya. Ang kaso bigla nawala si Kiara sa amin. Ang tagal namin syang hinanap hanggang mapunta kami sa Amerika at doon nalamang nagpanggap syang mahirap at pumasok sa inyo. Kinausap ako ni Tito na baka hindi pa daw tamang panahon para sa kasal namin. Hayaan ko daw muna sya. Pero napapagod na akong maghintay. Kaya ngayon aaminin ko na sa kanya. Aaminin ko ng mahal ko sya"

Nagtagis ang bagang ko.

"Tingin mo ba papayag akong sayo magpakasal si Kiara? Tingin mo ganon ako katanga para pakawalan ang nag-iisang babaeng minahal ko? Nagkakamali ka. Ilalaban ko si Kiara hanggang kamatayan''

''May the best man win" sabi nya bago makipag-kamay.

"Yes may the best man win'








------------------------------------------------------------------------------

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Ano ang totoong pakay mo sa anak ko?" Agad na tanong sa akin ng ama ni Kiara.

Matapos kasi nilang mag-usap ay nasabi ng kanyang ama na ako naman daw ang gusto nitong maka-usap.

"Mahal ko po si Kiara. Gusto ko po syang pakasalan"

"Pakasalan? Alam mo bang may fiance si Kiara?"

"Alam ko po. Pero wala po akong paki-alam. Mahal ko po si Kiara-

"Mahal mo si Kiara. Pero mahal ka ba nya?" Tanong nyang nagpatahimik sa akin.

Wala. Wala syang sinasabing mahal nya ako pero ramdam ko.

"Dati magkasundo kami ni Kiara. Malapit kami sa isat-isa. Wala syang hiniling na hindi ko binigay. Daddy's girl si Kiara pero nawala yon ng mamatay ang Mommy nya." Ngumiti sya ng mapait. "Nang mamatay ang Mommy nya ay sa kanya ko naibunton ang lahat. Sya ang sinisisi ko. Walang araw noon na hindi sya humingi ng tawad. Pero bingi ako. Bulag din. Kasi ng panahon na yon iniisip ko lang ang sarili ko. Nawala kasi ang nag-iisang babaeng minahal ko. Hindi ko nakita na mas nasasaktan at nahihirapan din ang anak ko. Hanggang sa mas naging mahigpit na ako sa kanya. Hindi na sya pwede lumabas ng walang bodyguard. School bahay lang din sya. Hindi dahil sa pinaparusahan ko sya kundi dahil natatakot ako. Natatakot ako na pati sya mawala sa akin. Mahal na mahal ko ang anak ko. Kahit pa nasaktan ko sya sa mga desisyon ko. At si Gleen. Inamin nya sa akin na mahal nya si Kiara at nangakong hindi nya sasaktan ito. Bilang isang ama gusto na sumaya ang anak ko. Gusto ko na nasa tamang lalaki sya mapunta. Nang sabihin ko kay Kiara yon ay tumanggi sya. Muli ay nagalit ako sa kanya. Kasi ang nasa isip ko ay ang kapanan nya. Pero noong oras din na iyon napagtanto ko na hindi ko sya dapat na pinapangunahan sa mga desisyon nya. Malaki na sya at may karapatang sumaya. Itatama ko na sana ang pagkakamaling yon. Kaso pag gising ko kinabukasan wala na sya"

Nakikinig lamang ako sa mga sinasabi nya.

"Kaya ngayon gusto kong maka-sigurado. Hindi ko na sya pipilitin sa ayaw nya. Si Kiara ang bahalang magdesisyon kung sino man ang piliin nya sa inyong dalawa. Susuportahan ko lang sya. Pero isa lang ang masasabi ko. Oras na tumulo kahit isang butil ng luha ang anak ko. Pasensyahan tayo" pagbabanta nya.

"Huwag po kayong mag-alala. Wala sa plano kong paiyakin ang anak nyo. At kung sakali mang may tumulong luha sa mata nya. Sisiguraduhin ko pong luha yon ng galak"

"Huwag kang puro salita Hijo. Gawin mo. Mahalin mo si Kiara. Ang tanong mahal ka ba nya?"






























Mahal nga ba nya ako?

Confused OR ConfirmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon