Dave POV.
Dumaan ang araw, linggo at buwan pero wala ng Kiara na nagparamdam sa amin. Wala kaming balita kung ano na ang nangyari sa kanya.
Naalala ko pa yong oras na yon na nagpaalam syang uuwi dahil Comatose ang ama nya. Wala sya sa sarili ng sandaling yon. Puro lang luha ang kanyang mukha at kahit pa ng ihatid ko sya noon sa Airport ay parang wala sya sa sarili. Ne di ko alam kung sinadya o sadyang wala nga sya sa sarili dahil bigla nya akong hinalikan non sa labi matapos nyang sabihin na paalam at mahal na mahal daw nya ako.
'"Hindi mo sya makikita dyan" pukaw sa akin ni Joy.
"Pinagsasabi mo?"
"Tayo ba ay maglolokohan pa ha Dave? Tingin mo di ko napapansin yang lagi mong pag- iisip sa kanya.?"
"Hindi ko sya iniisip noh. Ano naman paki alam ko kay Kiara?"
"Gotcha. Di iniisip mo nga" tudyo nya pa.
Inirapan ko sya.
"Sinabi ng di ko iniisip babaeng yon"
"Wala naman akong binanggit na pangalan na di mo makikita dyan diba? Ikaw agad ang nagsabing Kiara."
Binalikan ko sa isip kung may nasabi nga ba sya. Ngunit wala. Ako ang naglaglag sa sarili ko.
"Iniisip ko lang kung ano. Kung--
"Kung?"
"Kung ano--
"Dave pwede ba. Aminin mo na. Tanggapin mo na sa sarili mo na may gusto ka kay Kiara. Tingin mo ba hindi ko napapansin na malaki pinagbago mo mula noong naging okey kayo? Ang laki Dave. Mula ng bumalik ako ng Amerika noon galing pinas iba ka na. Parang hindi ikaw yong Dave na baklang nakilala ko. At tingin mo hindi nahuhuli yang mga mata mo na laging nakatitig sa kanya? Dave magpakatotoo ka"
Napahilamos ako ng mukha.
"Hindi bakla ako. Siguro iba nag-iba lang ako dahil sadya namang masaya syang kasama. At syempre binabawi ko lang yong mga panahon na masungit at lagi kong panglalait sa kanya. At di ko sya tinititigan. Binabantayan ko lang trabaho nya"
Inirapan nya ako.
"Ehh yong pagbanta mo kay kano?"
Dahil doon ay bigla akong napatuwid ng upo.
"Lolokohin lang nya si Kiara."
"Lolokohin? Samantalang number lang ni Kiara kinuha nya."
"Doon din papunta yon"
"My ghad Dave. Bakit di mo nalang aminin sa sarili mo na gusto mo si Kiara''
Hindi ako sumagot. Dahil wala akong maisagot.
"Okey ganito. May tanong ako sagutin mo ng totoo"
"Ano nanamang kalokohan yan?"
"Hindi kalokohan to. Unang tanong. Masaya ka ba pag masaya si Kiara?"
"Oo naman. Alangan namang maging kontrabida ako sa kasayahan nya"
"Parang yong saya nya ngayon kasi ikakasal na sila ni Gleen?"
"What the fuck. Pinagsasabi mo dyan. Bawiin mo nga yan."
"Di ko babawiin dahil yon ang totoo. Nagkita kami kanina sa Mall at sinabi nyang pumunta tayo sa kasal nilang dalawa sa makalawa!"
"HINDI. HINDI SILA PWEDENG IKASAL''
"Bakit naman? Hindi mo naman sya gusto di ba?"
"Hindi" iwas ko ng tingin.
"Ehh di tuloy ang kasal. Di mo naman sya gusto"
"HINDI. HINDI KO SYA GUSTO DAHIL MAHAL KO SYA."
A/N.
"Bago kasi mahuli ang lahat. Umamin na"
BINABASA MO ANG
Confused OR Confirm
Short StoryNakatatak na sa isip at puso ni Dave na isa syang Dyosa. Ngunit dahil nag iisa syang anak ay di sya pwedeng lumantad. Kinailangan nya pang pagpanggaping kasintahan si Joy upang hindi sya mabuko. Pero nang dahil sa isang babaeng saksakan ng kulit ay...