4

415 57 14
                                    

Dave POV.

Di ko mapigilan ang sarili kong magtaas ng kilay. Paano ba naman kasi. Mula noong isang araw hanggang ngayon mas lalong naging papansin ang Yaya ng dalawang bata. Madalas din syang kumikindat sa akin.

"Joy pa check up mo na nga sa mata yang katulong mo"

Nagtatakang nag angat ng tingin sa akin si Joy bago tumingin sa gawi ni Kiara.

"Bakit? Malinaw naman mata nyan ahh?" Taka nya.

Pina-ikutan ko sya ng mata.

"Paano ba naman kanina pa yan kindat mg kindat sa akin. Like ewww. Nakaka-kilabot" umakto pa akong kinilabutan.

Tumaas ang kilay nya sabay ngisi.

"Kinikilabutan o kinikilig?"

Nanlaki ang magagaganda at mapupungay kong mata.

"Kilabutan ka ngang buntis ka. Ako? Kikiligin? Buti sana kung lalaki yan at FYI maging lalaki man yang Kiarang yan hindi ko sya magugustuhan"

"Bakit naman?"

"Like duh? Wala ka bang napapansin? Parang may tinatago sya. Basta. Duda talaga ako sa pagkatao nya"

"Uyy sa tagal nating magkasama ngayon ka lang nagka interes sa isang babae" tudyo nya.

Muling umikot ang maganda kong mata.

"Duda lang ako sa pagkatao nya pero wala akong sinabing may gusto ako sa kanya."

"Ganun din yon. Naku bakla. Kung ako sayo aminin mo na"

"Aminin ang?"

Nginuso nya si Kiara.

"Na may gusto ka sa kanya"

"My godness. Nagpapatawa ka ba? Kasi hindi sya nakakatawa. Bwesit to."

Tumawa lang sya bago nag paalam na magluluto ng meryenda.

Ako naman ay naiwan na nakatingin kay Kiara.

May iba sa kanya. Parang hindi sya yong tipo ng tao na galing sa hirap. Masyadong classy ang datingan ng babaetang to. Fluent din ang english nya. Parang sanay na sanay.

Malalaman ko rin ang tinatago mo Kiara.

Mukhang napansin ata ng babaeng to na may nakatingin sa kanya kaya napalingon sya sa akin at ayon nanaman ang kindat nya.

Spell bwesit?

K.I.A.R.A

"Hi Sir Dave" malambing na may halong landi na tawag sa akin ng babaita.

Ngayon ko lang din napansin na nasa tabi ko na pala sya.

"Anong kaylangan mo?" Mataray na tanong ko sa kanya. Pero syempre may pag iingat baka mamaya malaman nyang bading ako at gamitin nya pang pangblackmail sa akin.

Nanlaki ang mata ko ng biglang nyang hawakan ang hita ko at pasimpleng pinisil.

Dahil sa pagkabigla ay napatayo ako sabay lingon sa paligid baka may nakakita sa ginawa nya.

"Davey walang makakita sa atin. Tulog ang mga bata. Nasa kusina si Ms. Joy. Solo natin ang sala" tumayo sya at inilagay ang kamay nya sa batok ko.

Agad ko itong inalis.

Eww kadirdir.

"Anong kalandian yan? Alam mong girlfriend ko amo mo. Tapos lalandiin mo ako? Di ka na nahiya" saglit syang natigilan. Pero agad ding nakabawi.

Muli nyang nilagay ang kamay sa batok ko. Nagpumiglas ako pero hinigpitan nya lang ito.

"Pwede namang sabay kami. Kanya ang umaga mo. Akin lang ang gabi mo. Pangako papaligayahin kita" malanding sabi nya.

Akma nya akong hahalikan sa pisnge ng itulak ko sya. Bumagsak sya sa sofa.

Pinanlisikan ko sya ng magaganda kong mata.

"Huwag na huwag mo ng gagawin yon kundi ako mismo ang magtatanggal sayo sa trabaho" galit na sabi ko sa kanya.

Ngumiti sya ng mas malandi. Kaya palihim akong napa-irap.

"Okey lang yon Davey pag tinanggal mo ako dito pupunta ako sayo. Magiging solo mo na ako"

"At bakit ko naman gagawin yon?"

Tumayo sya at lumapit sa akin.

"Para matikman mo ng paulit-ulit ang langit"

At ang hindi ko inaasahang gagawin nya ay nagbigay ng kilabot sa maganda kong katawan.





































Dinakma nya ang kayamanan  ko.































A/N

Dala ng pang aakit ang pagiging daring..hahahaha..

Kaya beware...malala ang Maymay natin dito..

Confused OR ConfirmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon