Prologue

26 3 7
                                    

"TANG INA!"

Ano nga ba ang meron sa umaga ngayon? Mukhang galit ang lahat ah.

Hindi ko na ipinagpatuloy pa ang pagtulog. Pilitin ko mang pumikit at piliting managinip. Wala na ring silbi dahil sa ingay at away na nagmumula sa kabila ng pader ng aking kwarto.

"Ano ba naman Henry! Wala na nga kaming makain ng mga anak mo tapos inom ka pa ng inom!"

"Takte naman oh! Sinabi ng hindi nga ako uminom Mercedes!"

"Ako Henry wag mong ginagawang tanga! Anong hindi uminom? Hindi ka uminom pero amoy kang alak? Henry naman!"

"Walang kwentang buhay to! Natalo na nga sa sugal tapos bungangerang asawa pa ang dadatnan mo. Makalayas na nga!"

Narinig ko ang malakas na kalabog ng pinto.

"Wag ka nang bumalik! Peste!"

Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga at nakajacket na tumalon mula sa aking bintana.

Sanay na ako sa ganyang senaryo araw-araw. Hindi pa man tumitilaok ang mga tandang. Putak na agad ng putak si aunti Cedes. Kaya pati tuloy pagtulog ko. Nabubulilyaso.

"Hayyys!"

Napahikab pa ako dahil sa lamig ng paligid at indikasyong kulang ako sa tulog. Kung hindi ako nagkakamali. Alas dose pa lang ngayon ng umaga.

Tumingin ako sa digital clock sa aking relo.

12:00 am

"Sabi ko nga."

Swabe akong tumalon sa puno ng manggang nasa harapan ko at tamang-tamang  lumanding sa isang makapal na sanga. Maangas akong humiga sa aking sariling ginawang duyan habang pumupungay ang mga mata habang nakatanaw sa milyon-milyong maliliit na liwanag sa kalangitan. At tingnan mo nga naman may asul na bulalakaw pa. What a good reliever.

Napayakap pa ako sa aking sarili ng sumimoy ang malamig at napakasariwang hangin.

That's why I love this place. It's been my relaxation, my other home, my escape.

Tumingin ako sa napakapayapang tubig ng lawa sa aking paanan. Walang mababanaag na ingay at bugso ng alon. Napangiti ako.

This place is something i could call.

My home...

Muli ko na sanang ipipikit ang mga mata ko ng may mapansing kakaiba sa paanan ng punong kinalalagyan ko. Wala nang epekto sa akin ang pagkatakot sa lugar na ito. Sabi ko nga. My home, means my rule.

Maingat akong bumaba mula sa pagkakaduyan at tiningnan ang kataasan ng banging kinatatayuan ng aking puno. Sa isang maling hakbang ay malamig at malalim na tubig ang kalalagyan ko.

Imagine a tree at the cliff of a mountain beneath a lake. That's tremendous horrible. Pero dala ng kuryosidad heto ako ngayon at paunti ng paunti bumababa gamit ang isang mahabang lubid.

Ano nga ba ang mapapala sa pagsunod sa kaniya-kaniya nating kuryusidad? Pagkakaroon ng kaalaman na ang kapalit naman ay kawalan ng ating pagiging inosente?

2029Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon