Lost
JuanMarahan kong iminulat ang aking mga mata. Malakas ang hanging humahampas sa akin.
I'm not that dumb to realized where the hell I am right now.
Shit!
Fxck!
I widened my eyesight as I fully understand and realized clearly where on earth I am.
I'm inside of a ball made up of a glass aheading to fvucking whereabouts I do not know!
Mula sa metal na upuang aking kinasasadlakan ay tanaw na tanaw ko ang nagtatayugang mga gusali, naglalakihang mga pabrika, establishments at ewan ko kung anong mga gusali ito.
Bahagya akong tumungo at halos maihi naman sa kilabot na dala ng transparent na sahig na aking tinatapakan.
I saw people on their white and blue uniform doing testing and feeding on a holy fvucking dinasaurs! Others are busy on doing their machineries, businesses and I also saw an engaging oval field kung saan rinig ko ang sigawan ng mga tao habang pinanonood ang...
Again. Holy fucking Robot Tournament. Para silang transformers gaya ng napapanood ko sa TV.
Napansin ko rin ang asul na asul na karagatan kung saan may nakalagak na napakagagandang mga isla kung saan may mga taong nagsasaya, nag-iinuman at mga batang naglalaro.
I want to go there too as I imagined myself on my summer short. Topless.
Hehe
Habang sa dulo naman ng karagatan ay tanaw ang nagtataasang puno, berdeng-berdeng kapaligiran at nagliliparang mga ibon.
They are breath takingly beautiful creatures.
Bago pa malagpasan ng sinasakyan ko ang malawak na karagatan ay tanaw ko ang kakaibang sea species na naglalanguyan at naghahabulan. Napakunot pa nga ang noo ko ng matanaw ang dolphin na parang may buhok ng kabayo sa ulo at whales na kulay berde.
Nang sa wakas ay malagpasan namin ang asul na asul na karagatan ay siya namang pagbati sa akin ng berde at buhay na buhay na kagubatan. Kita ko ang mga unggoy na nagpapalambitin habang tinatanaw ang aming sasakyan. Kita ko rin ang ibang ligaw na hayop at mga hayop na pawang bago sa paningin ko at ngayon ko lang nakita katulad ng agilang apat ang mga paa, mga punong parang pinilipit ang katawan at uwak na may namumulang mga mataat may katawang puting-puti.
Shit! Ngayon niyo sabihing kapag pumuti ang uwak!
What are these? At bakit may ganito kagandang mga nilalang?
Mula sa kagubatan ay dumaan kami sa kapatagan. Tanaw ko ang mga simple at mukhang bahay kubong gawa sa kawayan, kahoy, anahaw at buri.
Nagkalat ang napakalawak at saganang taniman. May tubig na dumadaloy mula sa malaparaisong talon sa di kalayuan. Mga tanim na ngayon ko lang rin nakita. Tulad ng manggahang may bungang hugis balimbing at saging na may bungang parang buko naman sa laki at hugis subalit berde ang kulay nito.
Napangiti pa ako ng kawayan ako ng mga taong nagtatanim na mukhang nahinto sa ginagawa dahil sa pagdaan ng aming sasakyan sa kataasan.