Left
JuanThe train stopped right in the front of a huge platinum gate.
Nakakamangha ang disenyo nito. Gaya ng ginagawa ng iba ay ginigiya sila ng kanilang Guardians a.k.a. the men in white papasok sa loob ng napakataas na gate. Mapapansing nasa ilalim kami ng napakalaking establosyemento kanina. Ang Solar base sa pangalang nakaimprenta dito.
At dahil wala akong kasamang guardian mag-isa kong tinahak ang loob. Gaya ko ay pagkamangha rin ang mababakas sa mukha ng mga kagaya kong nakapang civillian.
May ilang babae na pawang namimilog ang mga mata. Napansin ko naman ang isa na walang reaksiyon at diretsong nakatingin sa unahan. Noong una ay hindibpa pumuproseso sa utak ko kung anong lugar ito subalit ng tiningnan ko ang paligid ay mapapansing para isa itong prestihiyosong paaralan.
An underground Academy.
I frown from the thought.
Nagsimula akong lumakad at sumunod lamang sa mga kasama ko. Ngayo'y naglalakad kami sa gilid ng berde at napakalawak na oval. Mukha itong soccer field subalit wala akong makitang net at bola maging mga estudyante. Wala.
Itinuon ko ang paningin sa daan. Maputi at mukhang ceramic ito. Napakasayang lakaran. Pakiramdam ko'y isa akong artista na may premier night at naglalakad sa red carpet.
Silly Me.
Bumungad naman sa amin ang entrada ng panibagong pintu. Subalit hindi katulad ng nauna mas maliit ito g bahagya. Pansin ang kulay abong pader at gumagapang na mga halaman. Habang nakaimprenta ang mga salitang..
Under High!
Tumuloy kami at bumungad naman sa amin ang napakagandang paaralan. May ilang mga puno na may nakatatakam na bunga at mga halamang ubod ng ganda.
Ngayoy nakatingin sa amin ang lahat ng busy'ing mga estudyante. May ilan akong nakitang napalingon habang nakaupo sa mga puti at napakagandang mga benches. May mga naglalaro ng bola, may nagbabasa sa ilalim ng puno. May naghahabulan.
Sa aking pakiwari ay magkakasama ang primary, secondary at tertiary dito.
Hindi ko na sila pinansin at sumunod na lang. Napansin ko pang tinititigan ako ng isang lalaking mukhang kasing tangkad ko lang at may kulot na buhok. Buhaghag iyon na bumagay sa kaniya. Natawa pa ako ng maalala sa kaniya si Charles ng X-Men haha.
Pinangunutan ako ng noo nito na ikinangisi ko naman. Parang tanga lang ang itsura niya.
Silly Me.
Tulad ko ay wala rin itong Guardian at base sa itsura niya ay Pilipino din siya. Bahagya ko siyang nilapitan at binangga ang balikat.
"What!?" Asik nito na ikinangiwi ko.
Suplado. Pero nasabi ko na bang mas suplado at pilyo ako.
"Filipino?" I ask him in my british accent. Haha hoy meron din ako nun. Baka mamaya hindi pala siya pilipino eh di napahiya ako.
He nodded.
"Naks! Tol! Pilipino din to! Juan!" Sabay lapag ng kamay sa harap niya. Naglalakad pa rin kami.
Inabot niya naman yun bago nagsalita.
"Pedro!" Uy! Jackpot! Haha
"So 'Dro! San kaya tao dadalhin nitong mga men in white?"
"What!?"
"Dro?! Ah mukha ka kasing inidoro!"
Pinandilatan niya ako bago nagsalita.