Mga Dahilan

33.2K 1.3K 1.7K
                                    

BAKIT DI KA CRUSH NI KYUNGSOO? (D.O FF)

Mga Dahilan Kung Bakit Di ka Crush ni Kyungsoo...


  1.      Turn off para sa kanya ang babaeng nagmumura.

  2.      Masyado kang maingay para sa kanya.

  3.      Top student siya, ikaw ay hindi.

  4.      Green-minded ka daw.

  5.      Pati mga kaibigan niya pinagnanasahan mo rin.

  6.      Minamanyak mo siya nang palihim.

At ang huling dahilan...


Mas close pa siya kay Kim Jongin kaysa sa iyo!

            "'Yan lang ba?! Punyeta ano pa?!" sigaw mo sa kaibigan mong si Baekhyun na isa rin sa mga malapit na kaibigan ng crush mong si Kyungsoo.

            Agad ka naman na kinatukan ni Baekhyun sa noo. "Ano pa nga ba? Base sa pagtatanong ko kay Kyung eh yan ang nakuha ko. Problema mo na yan" sabi niya sa iyo.

            "Soo, tikman mo to oh" parehas kayong napalingon ni Baekhyun sa nagsalita. At putek lang kasi nakita mong sinusubuan ni Kai ng pepero si Kyungsoo. Idagdag mo na rin na tuwang-tuwa pa sila sa ginagawa nilang kalandian ngayon.

            Nanlisik ang mga mata mo. "Gago kang Kim Jongin ka, nilalandi mo naman si Kyungiebabes ko!" bulong mo.

            Muli kang nakatanggap ng katok sa ulo mula kay Baekhyun. "Nag-iisip ka ba? Binasa mo ba yung binigay ko sa iyo? Turn off kay Kyung ang nagmumura" sabi niya sa iyo.

            Muli kang napatingin sa listahan at ngumisi ka na lang. "Humanda ka Do Kyungsoo my loves, mapapansin mo na rin ang beauty ko!"

Bakit di ka Crush ni Kyungsoo? (D.O FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon