Kabanata 1- Simula

601 7 0
                                    

Nakapatong ako sa isang riles ng tulay malapit sa isang bangin. Kaharap ko ang dumadaloy na ilog.

"Tingin mo kung tatalon ako rito, mamamatay ba ako?"

"Rein, bumaba ka diyan hindi 'yan ang solusyon sa lahat ng problema mo."

Tumawa ako. "Hindi ako nabibilang sa mundong ito Caleb."

"Paano naman ako, iiwan mo ba ako Rein?"

Ngumiti ako ng malungkot.

"Makakaya mo na yan Caleb, mabubuhay ka ng wala ako. Tutal wala naman ring saysay ang buhay ko."

"Pero-- Rein!!!"

Minulat ko ang aking mata at ako'y pawisan. Isa na namang masamang panaginip, paulit-ulit ko na itong pinapaniginipan at hindi ko alam kung bakit.

Sino ba si Rein? Sino si Caleb? Tila malabo ang kanilang mga mukha.

"Aysel, gising na at kumain na tayo."

"Opo, inay."

"Samahan mo ako sa syudad mamaya at may bibilhin tayong gamit. Magsisimula na diba ang pasukan? Pupunta ka na ng kolehiyo."

"Hindi ko po alam, nay. Wala pa tayong sapat na pera sa kolehiyo kahit hindi na ako magtapos ng pag-aaral, okay lang naman 'yon, matutulungan ko pa kayo sa trabaho."

"Naku, wag mo ng aalahanin anak. Maghahanap kami ng tatay mo ng paraan."

"Sige po nay, ako rin po maghahanap din ng paraan."

Kami ay nakatira sa isang mumunting bahay na gawa sa kahoy dito sa bukid. Ang ama ko ay nagsasaka at nangigisda lamang sa dapit ilog upang kami'y may makakain. Pumupunta lang kami sa bayan upang bumili ng mga pangangailangan namin o di kaya tulungan si inay na ibenta ang mga ani at huli ni itay.

Ang bayan ng Alicante. Hindi masyado malaki ang populasyon ngunit kabilang sa mga bayan na mausbong. Sa pinakadulo kami ng bayan na nakatira na halos punong kahoy na lang makikita, medyo malayo sa lungsod at lalakarin mo pa ng isang oras.

Nang makarating kami sa lungsod, di ko pa rin maiwasang mamangha sa lugar. Iba't ibang damit, produkto at mga kakaibang pagkain ang makikita mo. Talagang hindi pa sanay at laking taga-bukid talaga.

Habang bumibili si inay, may biglang dumating na magarang sasakyan.

"Nandito na sila!" sigaw ng isa.

Nagtataka ako kung bakit naririto ang isang mayaman na nilalang. Kung tutuusin ay tiangehan lamang dito.

"Hay mangongolekta na naman sila ng mga buwis." sabi nung isang tindera dito.

"Bakit? Para saan ang kanilang kinokolekta?" tanong ni inay.

"Ganyan talaga kada-buwan dahil may proyekto daw silang ginagawa na hindi ko alam kung makabenepisyo ba kami rito. Batas ay batas eh." sagot ng tindera.

Nagtama ang mga mata namin ng isang medyo edaran na ginoo na nakasuot ng suit at may salamin. Nakakunot ang kanyang mga noo at ang mga mata'y tila may pagkakilala.

Lumapit siya sa may ale upang kumuha ng buwis.

"Bago ka lang dito?" tanong nang ginoo.

Lumilinga-linga ako baka'y may iba siyang kausap.

"Ako po?"

"Oo, ngayon lang kita nakita dito."

"Opo, paminsan lang ako pumupunta sa bayan at sinamahan ko ang aking ina."

Tumatango-tango ito.

Umalis na ito ngunit may nahulog na papel galing sa kanyang bulsa.

"Sir! Nahulog niyo po!"

"Sa iyo na iyan, baka magagamit mo pa."

Nagtataka ako, binasa ko ang nakasulat sa papel at ito ang nakalagay.

Alicante University are now opening for full scholarships in senior highschool and colleges! Just take an entrance exam on...

Nakasulat ang petsa pati oras dito.

Lord, milagro ba ito? Sinagot mo na ba ang aking mga dasal?

Alicante University ang pinakakilala, pinakamahal at prestigious na paaralan sa buong bayan. Halos mga mararangya at mga mayayaman lamang ang makakapasok sa paaralang 'yan. Pagmakagraduate ka sa paaralang iyan masisigurado nila ang iyong kimabukasan at makakuha ka agad ng trabaho. Isang malaking opurtinidad at swerte ka kung makapasok ka sa paaralang ito.

Tuwang-tuwa ko itong binalita sa aking ina at susuporta raw siya sa plano ko. Hindi naman masama sumubok, hindi ba?

Matalino naman din ako, valedictorian ako sa klase namin sa dating paaralan ko na medyo malapit sa aming bahay. Hindi naman kami kailngan bumayad ng tuition dahil free education naman iyon at isang public school. Nag-aaral talaga ako ng mabuti upang matulungan ang aking mga magulang.

Ang kukunin ko sigurong kurso ay education dahil gusto kong matulungan ang mga bata dito sa aming bukid na makapag-aral.

Sa hindi malamang dahilan ang pagpasok ko sa paaralan na iyon ay tuluyang magbabago ang aking buhay.

AlaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon