Kabanata 8- Wakas

141 1 0
                                    

After 3 years...

Tatlong taon na ang lumipas simula noong naalala ko lahat. Tatlong taong paghilom. Nang malaman ko ang katotohanan, ganoon din ang pagkamulat ng bayan. Gumawa ako ng testimonya noon at nagkaroon ng imbestigasyon para sa nangyaring insidenteng walong taon na ang nakalipas. Nalinis na ang pangalan ng ama ko, siniraan lang pala siya ni tito Steve para makuha ang kapangyarihan at nalamang siya pala nag-utos na sunogin ang aming bahay at pinalabas na nandoon pa ako sa loob. Kahit man nalinis ang kanyang pangalan hindi na babalik siyang buhay. Nakilala ko ang tunay kong inay dahil umuwi siya ng Pilipinas matapos makita ang malaking balita na buhay pa pala ako. Inasikaso ang lahat na dapat inasikaso. Gulat ang lahat sa nalamang rebelesayon lalong lalo na siguro sina Von at Caleb sa nangyari sa akin.

Ngayon lilisanin namin in mama ang bayan ng Alicante, lilipat na kami ng titirahan. Tutulungan ko na siya sa trabaho. Nagkaroon naman ng pagkakataon na makabawi sa pamilyang kumupkop sa akin, masagana na ring namuhay sina inay at itay. Pinaayos ko na ang kanilang bahay.

--
Sa bagong bahay namin ngayon magkakaroon kami ng house blessing.

Nagkaroon ng speech si mama. Hindi makapunta sila inay at itay dahil syempre malayo.

"Ipapakilala ko sa inyo ang ang aking natatangi at napakagandang anak na si Rein Vergara!"

Simpleng dress lang ang sinuot ko.

"Maaari ko bang maisayaw ang napakagandang binibini."

"Caleb, mabuti at nakapunta ka." Niyakap ko siya.

Nagkamabutihan na kami ni Caleb syempre hindi ko naman sila masisisi sa nangyari.

"Kamusta ka na Ae? Or tatawagin ba kitang Rein?"

"Hahaha Ae na lang nasanay ako eh. Okay lang hindi pa rin nasasanay sa ganitong buhay."

"Musta ang bayan?"

"Pinamamalakad naman ng maayos ni Von."

"Speaking of which sa likod mo."

Lumingon ako at di ko mapigilang ngumiti ang gwapo gwapo niya sa kanyang suit. Ang unang minahal ako.

"Kamusta na aking magandang binibini?" at hinalikan ako ni Von sa kamay.

"Sige mauuna na ako Rein." pagpapaalam ni Caleb.

"Bye Caleb."

Inabot ako ni Caleb kay Von upang kami naman ang sumayaw.

"Ang gwapo mo ngayon ah."

"Syempre naman." - Von

"Kamusta ang pamamalakad sa bayan Von?"

"Ayon tinatama ang pagkakamali na iniwan ng aking ama."

"Musta ang papa at mama mo?"

"Yun pa rin si papa ay nabulok pa rin sa kulongan, si mama ay nagrerecover pa rin sa mga pangyayari. Inaalagan ko na siya ngayon dahil sa kanyang sakit."

"Ganoon ba."

"Mahal pa rin kita Rein at tuluyan kitang mamahalin."

"Alam mo bang ako si Rein dati pa?"

"Oo, kahit sino ka man. Kahit makalimutan mo ako, mamahalin pa rin kita. Tutuparin ko pa rin ang pangako natin. Ako mahal mo ba ako Aysel Bautista or Rein Vergara?"

"Oo." tumango ako.

"Kahit noong unang nagkita tayo, yung nawala ang mga alaala ko, napapansin kong itong puso ko'y tumitibok para lang sa'yo. Salamat at nandiyan ka sa mga pagsubok. Pasensya na at meroong panahon na itinulak kita papalayo dahil natatakot lang ako. Anak ka ng ama na pumatay sa aking ama at nagtangkang patayin ako pero alam ko hindi dapat kita husgahan. Salamat sa pagtulong din na ipaglaban kung ano ang tama."

"Nagpapasalamat din ako na tinanggap mo ako. You were just sealed, sealed just for me." at hinalikan niya ako sa mga labi.

~Fin~


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AlaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon