Kabanata 6

114 2 0
                                    

Hindi pa rin ako maniniwala na ako si Rein hangga't walang proheba at hangga't hindi ko nalalaman ang totoo.

Nilayo-layuan ko na si Von dahil alam ko namang sa puno't dulo, siya ang dahilan kung bakit iniinitan ako ng mga tao dito sa paaralan. Gusto ko lang naman talaga sa buhay ay mamuhay ng normal. Hindi yung ganito na makikilanlan ka ng madaming tao at ang saklap pa doon ay ikaw pa ang nagmumukhang masama eh hindi naman ako yung lapit ng lapit sa lalaki. Tapos heto pang malaking rebelasayon, malalaman ko lang na ako ang nawawalang anak ng isang dating mayor dito? Hays ayoko na.

"Rein nilalayuan mo ba ako?" tanong ni Von sa akin.

"Huh? Hindi naman."

"Tungkol ba ito sa nangyari noong isang araw? Pasensya na at wala ako sa tabi mo, may inaasikaso lang."

"Okay lang."

"Yun lang?"

"Ano pa ang gusto mong sabihin ko?"

"Ba't mo nga ako nilalayo-layuan? Hindi ako manhid Ae, napapansin ko ito lagi eh."

"Ayaw ko lang ng gulo Von, kaya pwede ba."

"Ahh ganoon ba, ayaw mo lang ng gulo. Sige may solusyon ako sa problema mo."

"Attention! Lahat na nandidito. Simula ngayon, wala ng magtatangkang galawin si Aysel kahit nino man. Subukan niyo lang kundi mananagot kayo sa akin..."

"Hoy Von, ano bang ginagawa mo?"
Tinatabunan ko na ang mukha ko sa kahihiyan. Sumenyas lang siya wag mag-alala at siya na bahala.

"Bakit mo ba siya kinakampihan Prince Von?" tanong ng isang babae doon.

"Dahil GIRLFRIEND ko siya!"

Lumaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Hoy Von ano ang pinagsasabi mo diyan? Hindi yan toto--"
Ugh! Tinakpan niya ang bibig ko ng kanyang kamay.

"Sige, magsi-alisan na kayo." sabi ni Von sa mga madla.

"Ano yun?! Kailan pa kita naging boyfriend?"

"Dati pa lang"

"At sino nagsabi ha aber?"

"Ako"

"Ugh! Mas ginulo mo ang aking buhay!"

"Hahaha ang cute mo pag galit ka."

"Ang weird, hali ka na nga babe punta na tayo sa ating klase."

"Ayoko nga, bahala ka diyan."

"Siya nga pala, sumama ka sa akin bukas. Kaarawan ng aking ama, ikaw ang isasama kong date."

"Ayoko nga."

"Sige na, susunduin kita pagkatapos ng tanghalian. Maghahanap pa tayo ng gown na maisusuot mo."

"Gown talaga?"

"Basta kahit ano basta maganda at pormal. Kahit anumang suotin mo ay bagay sa'yo."

"Bolero, oo na pupunta ako bukas."
Pumayag akong sumama ako sa kanya bukas dahil baka'y mahanap akong sagot sa buong pagkatao ko.

"Mabuti, sige kita rin tayo mamaya ihahatid kita sa bahay niyo."

Wow. So cinareer na niya talaga ang pagiging boyfriend.

--

Kinabukasan..

Nagpaalam ako kina inay at itay na may i-aattend akong party. Sinundo ako ni Von at nandidito kami ngayon sa mall.

Pinasalon niya ako at kung ano-ano pa ang pinaggawa sa katawan ko mula ulo hanggang paa. Nilagyan din ng kolorete ang aking mukha.

Isang deep V-neck at open back na black long dress ang susuotin ko terno ng isang black heels

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang deep V-neck at open back na black long dress ang susuotin ko terno ng isang black heels.

Hay salamat at natapos na rin. Pagtingin ko sa mukha ni Von haha nakatulala.

"Maganda ba?"

"Pwede na mukha ka ng tao."

"Ayy grabe sya."

"Biro lang."

Lumapit siya sa akin at nilagay ang aking buhok sa aking tenga at bumulong.
"Ikaw ang pinakamagandang babae dito sa balat ng lupa."

Hays bolero talaga.

---
Sa mansion nina Von..

Pagdating namin sa party ang rami tao at halos mga mayayaman. Ang rami magagarang sasakyan ang nagdarating, eleganteng mga suot, iba'y nagtatawanan habang umiinom ng isang glass ng champagne.

At heto na magsisimula na ang pinakahighlight ng ganapa na ito ang speech ni Mayor.

"At ngayon salubongin natin ng masigabong palakpakan si Mayor Steve Reyes!"

"Magandang gabi sa inyong lahat, ako'y nagagalak na nandidito kayong lahat sa selebrasyon ng aking kaarawan. Pinagpatuloy ko talaga ang responsibilidad at mas pamamalakadin ng maayos itong bayan na iniwan sa aking ng dati kong matalik na kaibigan. Kung nasaan man siya, may he rest in peace. Nagpapasalamat din ako sa tiwalang ibinigay niyo sa akin. Sisiguraduhin ko ang mga pagkukulang sa bayan ay pupunan ko. Sa ngayon tayo muna magsaya ngayong gabi! Maraming salamat po."

Habang siya'y nagsasalita kanina, sobrang pamilyar ng kanyang boses. Ugh sumasakit ang ulo ko. Ang mga sinabi niya ba't parang hindi ako naniniwala?

"Ae, halika ipapakilala kita sa mga magulang ko."- Von

"Huh? Sige."

"Ma, Pa si Aysel, girlfriend ko. Ae, mommy ko si Vanessa at daddy ko na si Steve."- Von

"Ikinagagalak kong makilala ka Aysel." niyakap ako ng mama ni Von.

"Ako rin po, ma'am."

"Oh! wag mo akong tawaging ma'am, tita na lang."

"Sige tita."

"Kay ganda mo naman iha." sabi ni Mr. Reyes

"Maraming salamat po."

"Tila pamilyar ka sa akin iha. May naalala lang ako sa'yo. Nagkita na ba tayo?"

"Naku hindi po, sa bukid po ako nakatira."

"Ganoon ba haha may naalala lang ako sa'yo." humahalakhak siya ng konti.

"Sige, ikinagagalak kitang makilala iha." nakipagkamayan kami at siya ay mayroong kakaibang ngiti na ibinigay sa akin.

At doon nakita ko sa kamay niya ang tattoo. Saan ko nga ba nakita na 'yon? Aray! Ang sakit ng ulo ko. Ugh! May narinig akong sobrang ingay sa tenga ko.

"Ahhh!" sigaw at daing ko sa sakit.

Pinagtitingnan na ako ng mga tao.

"Ae, okay ka lang?" alalang tanong sa akin ni Von.

Umiling-iling lang ako.

Nag-alala na rin ang mga magulang ni Von at ibang tao. May tumawag na ng medic.

"Ahhh!" patuloy kong sigaw. Iyak ako ng iyak dahil sa pagkasunod-sunod na nakikitang imahe ko sa utak.

"Palabasin mo ako dito Von!"

At tuluyang dumilim ang lahat.


AlaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon