Kabanata 4

141 2 0
                                    

Kinabukasan..

"Ang tagal mo naman."

"Malamang isang oras pa akong naglakad."

"Tara, bilisan mo."

"Oh, heto."

May inabot si Von ng isang puting box.

"Ano 'to?"

"Malamang cellphone."

"Para saan? Di naman pamilyar dito."

"Basta sayo na yan para madali kitang makontak. Dapat matuto ka na gumamit diyan. Nakasave na rin ang number ko diyan."

"Ikaw bahala. Salamat ha."

Habang na sa byahe kami hindi ko maiwasang mamahanga sa mga nakita ko. Pumasok kami sa isang Villa, halatang mga mayayaman ang mga nakatira dito.

Pinagbuksan kami papasok sa isang magarang gate.

Teka ba't ang pamilyar ng lugar na ito, parang nakapunta na ako rito. Imposible naman iyon, ngayon pa lang ako nakapunta dito.

Sinalubong at binati kami ng butler at maids nila. Ang rami nilang bodyguards nakapalibot. Kung sabagay isang mayor ang nakatira dito eh.

Pagpasok namin sa loob ng mansion ay sobrang ganda, puno ng mga paintings na nakadikit sa dingding at may chandelier pa ito. Sa sala kami dumiretso.

"Dito ka lang muna, kukunin ko lang ang laptop ko sa itaas."

"Sige."

Habang wala pa si Von. Tumingin-tingin lang ako sa paligid. Nilapitan ko ang lamesa na puno ng litrato at sa dingding din ay nakadikit ang napakalaking larawan sa kanilang pamilya.

Ang gaganda nilang tingnan. Ba't ang pamilyar nilang lahat?

Tinignan ko isa-isa ang mga litrato. Nakita ko ang isang litrato na meron ang mayor kasama ang kanyang mga kawani kahit si Mr. Tomas ay nandito. Ang nakapagtataka lang ay pamilyar na pamilyar ang suot ng isang lalaki, katabi ni Mr. Reyes (Mayor), isang pin crest kasi hindi ako nagkakamali may ganoon din ako sa bahay. Itatanong ko na lang kina inay mamaya.

"Anong ginagawa mo riyan iha?" biglang sabi ng isang babaeng nakakatanda.

"Pasensya na po, tiningnan ko lang naman po ang larawan."

Nabitawan ni lola ang hawak na tsaa.

"Rein? Ikaw na ba yan? Matagal ka ng hindi nakabalik ah." gulat na gulat may halong tuwa ang sabi ng matanda.

"Pasensya na po, Hindi po Rein ang pangalan ko. Aysel po, kaklase ni Von baka nagkakamali lang kayo."

Sino ba yan si Rein? Ganoon din ang tawag una ni Caleb sa akin ah. Kamukha ko ba talaga ang babaeng yun?

Bumaba na si Von dala ang laptop.

"Anong nangyari dito Senyora?"

"Pasensya na iho, nagulat lang ako at nandito si Rein. Gagawa kayo ng proyekto diba? Sige kukunan ko lang kayo ulit ng tsaa at meryenda. Ipapalinis ko lang ito sa mga kasambahay.

At umalis na si Senyora.

"Nakilala mo na pala si Senyora Emilia, siya ang head maid dito. Matagal na siyang nagtatrabaho dito sa amin simula noong bata pa ako." pagbasag niya sa katahimikan.

"Ahh ganoon ba, sino si Rein, Von?"

Matagal siyang nakasagot.

"Ang aking unang minahal at huling mamahalin."

AlaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon