Kabanata 7

119 2 0
                                    

Naggising akong nakitang puting dingding sa aking harapan. Na sa hospital ako.

"Anong pakiramdam mo?" pambungad sa akin ni inay kasama si itay.

"Okay ka lang anak?" tanong ni itay.

Bumuhos bigla ang aking luha dahil sa napagtanto kong totoong hindi ko sila tunay na ama at ina.

"Nay, tay alam ko na kung anong nangyari sa akin." hikbi kong sabi

"Nagkaroon ka na ng alala anak?"

"Oo, na alala ko na lahat-lahat simula noong pagkabata ako. Galing pala ako sa isang mayamang pamilya, anak ng isang dating mayor. Huhu at tinangkang patayin ang pamilya ko nay, kahit ako.. Kinidnap ako--"

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Von at Caleb.

"Umalis kayo sa harapan ko! Ayaw ko kayong makita!"

Nagtataka sila.

"Bakit naman Ae?" - Caleb

"Basta hindi ko kayo masikmura lalo ka na Von."

"Bakit anong ginawa ko?" -Von

"Nakaalala na siya."-Caleb

Nagtitigan kami.

"Tama ba ako Rein?"

"Oo, naalala ko na ang lahat at gusto kong lumayo sa lugar na ito dahil hindi ko masikmura ang sakit na ginawa ng bayan lalo na sa pamilya mo Von sa pamilya ko!"

Pumikit muna ako umiyak. Pinalabas muna sila ng mga magulang ko dahil baka mastress ako at magsasakit ang ulo ko lalo.

Naalala ko na lahat.

Flashback...
Nakapatong ako sa isang riles ng tulay malapit sa isang bangin. Kaharap ko ang dumadaloy na ilog.

"Tingin mo kung tatalon ako rito, mamamatay ba ako?"

"Rein, bumaba ka diyan hindi 'yan ang solusyon sa lahat ng problema mo."

Tumawa ako. "Hindi ako nabibilang sa mundong ito Caleb."

"Paano naman ako, iiwan mo ba ako Rein?"

Ngumiti ako ng malungkot.

"Makakaya mo na yan Caleb, mabubuhay ka ng wala ako. Tutal wala naman ring saysay ang buhay ko."

"Pero-- Rein!!!"

"Haha! Biro lang! Galing ko mag-acting diba?"

"Hay nako Rein, ikaw talaga masama magbiro hali ka nga dito." inalsa niya ako mula sa riles.

"Waah! Caleb hahahaha" kinikiliti niya ako

"Huwag mong gagawin ulit 'yon ha."

"Wala lang napag-isip-isip lang ako, malungkot lang kasi ako eh. Wala akong ibang kaibigan. Laging busy ang mga magulang ko, wala silang oras para sa akin. Tapos ito pa, ang mga expectations ng mga tao sa akin. Ugh! Nakakasakit ng ulo. Gusto kong tumakas."

"pero Rein hindi solusyon ang pagpapakamatay ha, tandaan mo lagi akong nandidito para sa'yo."

"Oo na kaya mahal kita eh. The best ka talaga na bestfriend!"

"Siyempre naman!"

Naalala ko, si Caleb ang kababata kong bestfriend. Pero hindi niya tinupad ang pangako, yung mga panahon na problemang-problema ang aking pamilya, wala siya noon nang damayan ako lalong lalo na noong panahong malapit akong mamatay.

--

"Nababaon na tayo sa utang Mellisa!" sigaw ng ama ko.

"Kumuha ka pala ng pera sa bayan?"

"Nahihibang ka na ba? Alam mong masama ang magnakaw ng pera sa bayan Mellisa! Hinding hindi ko 'yan gagawin sa mga tao, marami na ngang naghihirap!"

"Ano pa ba ang ibang solusyon mo Arthur?"

"Alam ko na ako na ang bahala."

...

Pumunta kami sa mansion ng mga Reyes.

"Anong maipaglilingkod ko sa inyo, kaibigan?"

Kinausap ni papa ang ama ni Von dahil manghihiram siya ng pera dahil baon na kami sa utang.

"Oo naman, hindi ko talaga matatanggihan ang matalik kong kaibigan. Kung may problema tutulong ako."

"Maraming salamat kaibigan."

Iniwan ko muna sila at pumunta sa kanilang bakuran at nakita si Von.

"Hi, Von."

"Maligayang pagbati aking mahal na prinsesa." at hinalikan ako sa aking mga kamay.

"Mabuti at bumisita ka dito magandang binibini."

"Oo, sinamahan ko ang aking ama. Gusto rin kasi kitang makita."

Nagblush siya. Sinabi ko sa kanya ang problema namin.

"Huwag kang mag-alala aking mahal na prinsesa dahil balang araw papakasalan kita at ako'y magiging katuwang mo sa anumang pagsubok. Sisiguraduhin kong hindi tayo maghihirap." at hinilakan ako sa aking noo.

--
Abril 24...

Lumabas ako ng aming bahay upang sana'y mamasyal, hindi na ako nagpaalam sa aking mga magulang dahil alam ko namang busy sila.

Nang napansin ko may sumusunod sa akin.

Naglakad ako ng mabilis at yun pa rin may umaaligid pa rin sa akin.

Tumakbo na ako.

Nang may tumabon sa aking bibig.

"Wag kang gagalaw kundi ipapaputok ko ito."

May baril siyang dala at tinutok ito sa aking ulo. Hindi ko maa-inag ang kanyang mukha dahil nakatabon ang mukha pero nakita ko ang tattoo na rose sa kanyang kamay, pamilyar ito ah.

Nanginginig na ako sa takot. Tulong!

Nagpumiglas ako at iyon ang pagkakataon na matamaan ko ang kanyang gilid kaya nabitawan niya ang kanyang baril.

Tumakbo ako ng malayo at parang dejavu lang naabutan niya ako sa pinakadulo ng riles ng tulay.

"Sino ka ba?"

Tumawa siya na parang baliw.

"Ako? Gusto kong agawin ang posisyon ng ama mo! Puro na lang siya ang hinahanga ng mga tao! Ngayon alam ko na ang kahinaan niya, ito na ang pagkakataon para ma-ipababa siya! Hahahaha!"

Tama pa ang hinala ko si Steve.

"Tito Steve parang awa mo na. Wag po.." umiiyak na ko.

"Ganito na lang ipapapili kita kung paano ka mamatay, babarilin ko ito o tumalon ka diyan at magpakalunod para hindi na makikita ang katawan mo habangbuhay, after all ito ang pinakamahabang ilog sa buong bansa."

"Ahh hindi ganito na lang babarilin kita tapos ihuhulog kit--"

Bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin, tumalon na ako at hindi ko na alam kung saan ako patungo.

Tumama ang ulo ko sa isang malaking bato sa tubig at lahat ay biglang dumilim.

AlaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon