Ang Aking mga Tula

679 39 26
                                    

Samut-saring tula aking nilikha,

Sa Wattpad.com napiling ilathala,

"Mei's Poems" ginawang pamagat ng may akda,

At pati sa pabalat mukha niya'y ibinalandra.

English at Filipino lengwaheng itinalaga,

At sa bawat likha ay may nakatagong ganda,

Sa bumabasa h'wag ka ng mataka,

Kung iyong hindi makita ganda'y wala naman talaga.

Mga likha ko'y saan nga ba nakuha?

Sa isip o sa puso ba?

Pero iyon pa ba ay mahalaga?

Kung ako naman talaga ang may gawa.

Likha ko sa "What's Hot" ay napasama,

Rango niya ay aking numerong sinisinta,

Hindi mawari aking nadama,

Ako ba'y nagtataka sa pagyari aking nakuha?

Mga likha ko man ay hindi perpekto,

Wala man ito sa tuno,

Hindi man ito nakakatukso,

Gawa pa rin ito ng dalagang may puso.

Mei's PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon