Sa paningin mo, ano ba talaga,
Isang kaibigan nga ba,
O isang walang kwenta?
Sa harap, buti ay walang kapara,
Ngunit sa likod ay kaysama,
Isa kang tanso, sinta!
Puso ko'y tumatangis,
Hapdi ay tinitiis,
Sakit ay hindi maalis-alis.
Ako'y sobrang bad trip,
Gusto na kitang ipadakip,
At ilagay sa drum na may takip.
Ahhh! Kainis, kainis talaga,
Kapag ganito ang nadarama,
Makatulog na nga lang sa kama.
BINABASA MO ANG
Mei's Poems
Poetry\(^_^)/ Kapag sa tuwina ako'y tulala, Ako'y gumagawa ng tula, Hirap ay hindi alintana, Sapagkat ako'y masaya. Sa bawat likha ko'y sa iyo itatala, Kahit hindi mo man ibigin itong gawa ng makata, Ako'y patuloy pa rin na-aasa, Hanggang puso mo'y makuha.