Masukal na Salita

109 13 3
                                    

Ipagpaumanhin itong aba,

Ako'y may sasabihing mahalaga,

Hindi ko gusto tabas ng iyong dila,

O hindi lang sanay sa 'yong pananalita,

Mga salita mo kasi ay kakaiba,

Sadyang walang galang kay tanda.

Alam mo ikaw ay kaawa-awa,

Nilalang na walang pagsinta,

Ganiyan ka na ba talaga,

Simula ng ika'y bata pa,

Pati ba sa iyong ama't ina,

Pananalita ay balbal na walang kwenta?

Pwede naman sasabihin ay piliin,

Isipin munang mabuti bago banggitin,

Mga salita ay i-ayon sa kakausapin,

Hindi naman 'yon mahirap gawin,

Sana paki-usap ko ay dinggin,

Mga habilin ay h'wag baliwalain.

Pasensya na sa'kin mga nasabi,

Ayoko lang na ika'y mawili,

Sana'y hindi ka naging bingi,

Ito mga pangaral ay itinabi,

Sa isip at puso'y kinandili,

Ng iyong pananalita'y matagal ang dumi.

Mei's PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon