Ah! Oh! Bad Romance

118 13 5
                                    

Aking kaibigan ngiti mo ba ay isang balatkayo?

Sapagkat kalungkutan sa'yo ay dumadapo,

Sa tuwing madla'y nanunuri sa tibok ng iyong puso,

Sa "Bad Romance" daw ba ay hindi ka nahahapo?

Kung sila ay tutol sa pag-ibig mo para sa kaniya,

Ganoon din ako, dahil batid ko ang tama,

Pero sino ba ako para manghusga?

Ako, ako ay isang kaibigan lang na nag-aalala.

'Yung pagkakatandaan usigin man kita at nang lahat,

Ang puso mo pa rin ang magdidikta ng dapat,

Kung ang dapat ba ay ang ibigin siya, iyong malalasap ang alat,

Minsan kahit ang wagas ay hindi pa rin sapat.

Ligaya niyo, kapalit ay wakas,

Habang ang inyong pag-iibigan ay natatalastas,

Sa pamilya niyang naiwan luha ay lumalagaslas,

At ano ang magiging kapalaran ng anak sa labas?

Mei's PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon