Cassie's POV
Pagkatapos ng pamamasyal namin ni payat, eh napagdesisyonan kong umuwi nalang, masama kasi yung pakiradam ko, magmula nung sagutan namin nung panget na biker na yun! Kung namukhaan ko na yung panget na yun, ipapa bluter ko talaga yung gagong yun! Putek! Mukhang kinulam pa'ko!ang sama ng pakiramdam ko eh.
Habang nag lalakad kami pauwi ni payat, eh nakakita kami ng isang maliit na parke, kaunti lang ang tao didto kaya di masyadong maingay.
" Payat, dito muna tayo, sige na please!!!" Pagmamakaawa nito with puppy eyes.
"Ish! Ikaw payat hah? Tigil tigilan mo na yang pagsinghot mo ng katol, nahahalata kana eh, may pa puppy puppy eyes kapang nalalaman, mukha ka namang bulldog! Hahaha" biro ko pa sa kanya.
"Ouch! Ang sakit mong magsalita hah?! Fyi, tong matang to?! Mahirap makahanap ng ganitong mata ngayon, rare lang to, kaming fernadez lang ang meron nito, at tsaka di ako sumisinghot ng katol, ang cheap!!---- Lotion tinitira ko!!" Ganti niya pa.
"Hahahahahah!! Puta! Hahahaha" tawa tawang sabi ko! Bumalik yata ang mood ko hah!
"Grabi makatawa payat? Pero okay na yan kesa yung mood mo kanina" sabi niya
"Bakit?anong masama sa mood ko kanina?" Tanong ko.
" Ang panget tignan, lalong lalo na yung mukha mo!!" Asar niya pa.
"Ah ganon?!"
Bigla ko siya binatokan!!
"Aray naman payat! Ang sakit non!" Sabi niya.
"Bakit?! Gaganti ka?!" Sabi ko
"Sabi ko nga hindi na, halika ka dito libre na naman kita" sabi niya.
"Yehey! Ang bait bait mo ngayon payat ah? Yieee!!" Sabi ko
"O-oh? Bakit? Mabait naman talaga ako ah?" Utal na tanong niya
"Yiee! Alam ko na?! Siguro? Crush mo ko no?!?! Hahahah!!" Biro ko pa sa kanya
Kita kong gulat sa mga mata niya parang nakakita ng multo!
"U-uy! A-ano kaba?! D-di no!" Sabi niya.
"Alam ko!! Ito naman di mabiro!! Halika na nga!" Yaya ko sa kanya.
Pumunta kami sa parke at umupo sa isang bench.
"Payat, dyan ka lang ha? Bibili lang ako, anong gusto mo?"tanong niya.
'Hmm,may ideya sa isip ko ah?haha!
"Gusto ko??? Ikaw! Hahaha" biro ko sa kanya.
"Yiee, nakakakilig sila!"
"Sana all!!"
"Hope all may jowa!! Mag bebreak din kayo!"
"U-uy! Ikaw, tumigal ka na nga! N-nakakahiya" sabi niya sabay tungo.
" Asus! Arte nito! Ikaw na nga yung tinutulungan dyan eh, gusto mo malaman ng mga 'to na wala kang jowa?! Para mapagkamalan ka nilang bakla?! Oh sige?! Gusto mo?!" Tanong ko
"Ah, basta! Tumigil ka na, di kita ililibre!" Banta niya pa.
"Ah ganon?! Bakit ba affected ka masyado? Joke lang yun? Bakit? Crush mo talaga ako no?ayiee! Yiee!" Biro ko ulit.
"Sshhhh! T-tumigil ka! Baka mamaya marinig ka ng crush ko!!" Sabi niya
"Ay ganun? Di mo naman sinabi na may crush ka pala sana sinabi mo! Malay mo andito siya, nakikinig"
YOU ARE READING
Love at first SMOKE
Teen FictionCassie Nicole Morales..isang babaeng masiyahin,makulit at maldita.Pero kahit ganito ang ugali nya,maraming nagmamahal sa kanya dahil sa pagiging makulit!.Halos lahat nalang ng bagay ay gusto niya wala syang pinipili---maliban na lang sa isang bagay...