Chapter 1-The Nerd

79 2 0
                                    

Chapter 1-The Nerd

''Maling husgahan ang isang tao sa pisikal na kaanyuan. Pero sa tingin ko hindi mo naiintindihan ang sinasabi ko. Dahil mababang uri ka lang''

*******

[Natsumi's Pov]

Nagpapaganda ako ngayon. Ito kasi yung araw na ipapakilala ko sa mga kaibigan ko ang boyfriend ko.

Ang sabi ko tall,brown hair at handsome ang boyfriend ko.

Nagbasa din ako tungkol sa horror scope kahit sa totoo lang di ako naniniwala sa mga ganitong bagay.

***

Ngayong araw na 'to sweswertehin ka. Sweswertehin ka sa lalaking nakasuot ng itim at may salamin.

***

Yan yung nakasulat sa horror scope. Pero malay mo swertehin nga ako.

Ah,nakalimutan ko palang magpakilala ako si Natsumi Perez, 17 years old. Pero you can call me 'Sumi'.

After ng kaartehan ko sa katawan. Pupunta na ko ngayon sa apartment ng boyfriend ko.

20 na kasi yung boyfriend ko. May trabaho na.

Bukas yung pintuan niya kaya di na ko kumatok. Tatawagin ko na sana siya ng makarinig ako ng ungol.

Pagtingin ko nakita ko yung boyfriend ko na nakikipagtalik sa iba.

Biglang tumulo yung luha ko. Naging totoo naman ako ah. Ba't niya ko nagawang lokohin?

Nagtapis muna siya ng tuwalya bago lumapit sakin.

''What the f*ck are you doing here,Sumi?!'' sigaw ng magaling kong boyfriend.

''Eto pupuntahan ka. Para sana sopresahin ka! Pero mukhang ako yata yung nasopresa'' sarcastic kong sabi.

''Ba't kasi di ka muna tumawag!'' aba,siya pa ngayon may ganang magalit.

''Nakalimutan mo kasing ngayon kita pakikilala sa mga kaibigan ko. Kaya pinuntahan kita'' at yun na iyak na ko ng iyak.

''Kaso break na tayo ngayon,Sumi. Mas mahal ko na kasi siya e. Ang boring boring mo kasing kasama'' pagkatapos nun lumabas ako ng bahay niya ng padabog.

Kapal kapal ng mukha ng lalaking yun. Ako na nga itong naloko. Siya pa may ganang makipagbreak. Isang linggo palang kami nagawa na niya kong ipagpalit. Kapal ng mukha. Arrgh.

Naiinis ako sa sarili ko. Paano na ko nito? Paskong pasko. Single ako. Pambihirang buhay 'to oh.

Wala na kong mapapakilala sa mga kaibigan ko. At for sure pagtatawanan nila ko.

*Booogsh*

Aray ang sakit ah.

Napaupo tuloy ako sa sahig. Ang malas malas ko naman ngayon.

Akala ko totoo yung pesteng horror scope na yun. Pero hindi! Di siya totoo!

''Sorry Miss di ko sinasadyang mabunggo ka'' umupo siya at tinulungan akong tumayo.

Pagtingin ko sa bumunggo sakin. Teka ito yata yung kaklase naming lampa at nerd sa klase si Alvarez.

''D-diba ikaw si Ms. Perez?'' tanong niya.

Wala akong panahon makipag-usap sa lampang katulad niya.

Tatalikod na sana ko ng may biglang pumasok sa isip ko.

Pwede kong gamitin 'tong si Alvarez para maging fake boyfriend ko.

Matangkad naman siya at brown ang buhok.

Ang Boyfie Kong Nerd [END]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon