Chapter 2- Fake Boyfriend

69 3 0
                                    

Chapter 2-Fake Boyfriend

''Yan tuloy kahit anong gawin ko. Di tayo bagay. Pero kahit papaano salamat pa rin, Basty lalo na nung sinabi mong girlfriend mo ko. Kahit kasinungalingan lang ang lahat naging masaya ako.''

****

[Sumi's Pov]

''Magiging okay naman ang lahat hangga't kasama mo ko diba?'' at parang biglang bumibilis yung tibok ng puso ko.

''uh. Salamat Sumi'' ngumiti ulit siya. At para bang anumang oras matutunaw ako sa harap niya.

Naglalakad na kami ngayon papunta sa party.

''Ang lamig ng kamay mo,Basty'' oo bininyagan ko na ng bagong pangalan ang fake boyfriend ko.

''Ang init naman ng sayo,Sumi''

Tuloy tuloy lang kami sa paglalakad ng may isang babae ang humarang sa daanan namin.

''Sorry po. Pero pwede po bang kuhanan ko po kayo ng picture bilang magcouple?'' tanong nung babae.

''Di pa naman tayo late papuntang party. Kaso nakakahiya namang magpapapicture kami na sira ang make up ko. Panget ako nyan sa picture'' nagulat ako ng biglang lumapit sakin si Basty at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

''Sa tingin ko okay ka naman. Maganda ka kaya kahit sira na ang make up mo'' gosh ito nanaman bumibilis nanaman tibok ng puso ko.

Ano bang nangyayari? Ba't parang nag-iinit yung mukha ko sa sinasabi niya.

''Pero ang totoo kasi nyan e. Hindi naman kami magkasintahan'' at napakayuko ako.

''Talaga? Hindi kayo magcouple?'' di makapaniwalang sabi nung babae.

''Ay! Sayang naman ang gwapo pa naman niya. Ganito na lang hayaan mong kami na lang yung magpapicture'' sabi ng isa pang babae. Teka si Danica Castro 'to ah. Yung sikat na model.

''Oo,bagay nga kayo nung lalaki kasi matangkad siya at gwapo'' sabi nung babaeng namimilit samin magpapapicture.

Ba't ba may part sa akin na nasasaktan ako? Wala naman talaga kaming relasyon. Pero ba't naninikip yung dibdib ko.

Siguro nasasaktan ako kasi di ko matanggap na mas bagay sila ni Danica kesa sakin.

''Hindi ayoko e'' biglang sagot ni Basty.

''E bakit naman?'' tanong ni Danica

''Kung couple shot yan. At hindi si Sumi yung kasama ko. Hindi na ko magpapapicture'' hinawakan ni Basty yung kamay ko. At derederetso na kaming naglakad palayo sa kanila.

Ba't ba sa salitang yun natutuwa ako?

''Ang bobo mo rin no,Basty. Alam mo bang sikat na model yung si Ms.Danica. Ang dami niya kayang commercial na ginagawa sa t.v''

''Talaga?'' Tsk. di ba nanonood 'tong nerd na 'to ng t.v?

''Sinayang mo yung chance''

''Di naman ako interesado sa kanya at mas importante naman yung pinangako ko sayo kesa dun'' ngumiti siya at pinat yung ulo ko.

Napatingin ako sa ibang direksyon ng wala sa oras. Gosh namumula ako.

''Tingnan mo 'to,Sumi'' at pinakita niya sakin yung picture naming dalawa na magkaholding hands. At parehas kaming nahihiya sa picture.

''Saan mo yan nakuha ah?'' pilit kong kinukuha sa kanya yung litratro pero di ko maabot sa kanya. Tangkad niya e.

''Kinuha ko kanina dun sa camera girl. Kinuhanan na pala niya tayo ng picture ng di natin namamalayanan''

Ang Boyfie Kong Nerd [END]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon