Chapter 3-Chocolate

39 0 0
                                    

Chapter 3-Chocolate

''Alam mo,Sumi ang pagbibigay ng regalo sa isang tao. Ginagamitan ng puso. Hindi kung gaano kahirap yung ginawa mo para mabigyan siya.''

**********

[Sumi's Pov]

Ang matamis naming alaala ni Basty ay naging Weird. Tama ultimate weird ang naging resulta.

*Booogsh*

Uwaa.. Ano yung pumutok? Putek yung ginagawa kong cake. Pumutok!

Sinunod ko naman yung instruction ah. Pero ba't ganun?

Hay naku naman! Kailangan ko tuloy ulit bumili ng ingredients.

Balak ko kasi gawan ng chocolate yung nagpapatibok ng puso ko.

At siya ay si Sebastian Alvarez.

Naputol ang pag-iimagine ko ng biglang magsalita yung prof namin. Nasa room na pala ako. Hay naku! Anu-ano nanaman naiisip ko.

''Babalik ko na yung test paper niyo sa English. Oh by the way Mr.Alvarez. Congratulations naperfect mo yung test'' ngumiti yung professor namin at tinapunan ng tingin si Basty.

Yang nerd na yan gusto ko na siya. Kahit weird yan. Tapos matalino pa.

''Ikaw nanaman yung highest,Alvarez. Alam mo bang yan ang pinakauncool na gawin sa buhay.'' puna ng katabi niya.

Pero di naman siya uncool eh. Siya nga yung tumulong sakin nung tinimer at iniwan ako ng ex ko.

Kaya nga gusto ko na siya e. At saka astig kaya sa lalaki yung may laman ang utak.

God! Ayan nanaman namumula nanaman yung pisngi ko.

Kaso ang problema pagkatapos nung nangyari sa party parang wala lang. Back to stranger kami. Wala man lang progress kahit konti.

Parang ngayon lang magkasama kaming nagwawalis pero hindi nagpapansinan.

Ang sweet diba?

Ang totoo kasi nyan gusto kong mapalapit sa kanya.

Ang kaso lang naman kahit nag-aminan na kami ng nararamdaman namin hindi pa talaga kami magboyfriend at girlfriend.

Ang weird nga ng relasyon namin e. Tsk. Peste ba't kasi sa nerd pa ko nagkagusto.

Dahil valentines bukas gusto kong gumawa ng chocolate para sa kanya.

Para naman marealize ng nerd na 'to na gusto ko siya.

Nagulat ako ng bigla siyang pumunta sa likod ko at sinabing ''Alam mo ang bango mo ngayon,Sumi''

''Really?''

''Yep. Amoy kang sweet na chocolate''

Pano niya nalamang gumagawa ako ng chocolate?

''A-ano kasi e gumagawa ako ng chocolate para sa pamilya ko'' the eff nautal pa ko.

''Chocolate? Umm. Gusto mo bang tulungan kita,Sumi?'' kung siya lang din yung gagawa nung chocolate. Ano pang silbi ko?

''Punta ka sa bahay ko pag-uwian na.'' What?! Pupunta ko sa bahay niya? Seryoso talaga siya?

''Sige! Pupunta ako'' Waa. Napakaswerte ko naman makakapunta na ko sa bahay ng lalaking gusto ko.

At least mapapalapit ako sa kanya ng konti.

''Tara na,Sumi'' totoo ba 'to may kotse 'tong si Basty.

Sumakay ako habang tulala pa rin. Grabe di ako makapaniwalang may kotse siya.

Nagulat na lang ako ng biglang magsalita si Basty.

''Nandito na tayo.'' at ngumiti siya. Spell W-O-W Ang laki ng bahay niya.

Di pala bahay mansion na.

Ang swerte ko naman ah matalino,gwapo at mayaman 'tong lalaking 'to. Yan tuloy nanliliit ako sa sarili ko.

Feeling ko tuloy ang hirap niyang abutin.

''Halika Sumi. Pasensya na ah. Medyo nakakalito yung bahay ko'' Pumasok na kami sa bahay niya at napanganga ako sa ganda ng mansion niya.

Pumunta na kami sa kitchen.

''Suotin mo 'to,Sumi'' at inabutan niya ko ng apron.

''Aayusin ko muna yung kailangan at pagtapos ka na tawagin mo na lang ako.'' dagdag niya pa.

Tumango naman ako at sinuot yung apron. Nung natapos ako pumunta na ko ng kitchen.

''Basty tapos na...'' naputol ang pagsasalita ko ng makita ko nanaman ang gwapong mukha ni Basty.

Tinanggal niya kasi yung salamin niya at inipit ang medyo mahaba niyang buhok.

''Pwede na ba tayong magsimula,Basty?'' tumango naman siya.

Kaya hiwa dito at hiwa doon ang ginawa ko.

Nagtataka ako kay Basty ba't di siya tumutulong. Napatingin ako sa kanya at napansin kong titig na titig siya sa akin.

''Pasensya ka na,Sumi. Di ko kasi mapigilang di ka tignan ang ganda mo kasi habang suot yung apron'' at ngumiti siya.

Uwaa. Ayan tuloy namumula ako at the same time natutuwa ako.

''Ah,by the way Sumi. Anong gagawin mong chocolate?'' tanong niya

''Kahit ano basta't yung magugustuhan mo. Ay hindi ng pamilya ko'' bad mouth wag ka ngang umamin kay Basty. Mabubuking tayo nyan e.

''Ganun ba'' tumango naman ako baka di pa matuloy balak ko. Dahil sa pasaway kong bibig.

Madali lang gumawa nung chocolate ang problema yung taong pagbibigyan ko nito.

Di naman siguro siya manghihinala na Valentines bukas at sakanya ko talaga 'to ibibigay.

''Kaso may problema tayo,Sumi. Ang komplikado kasi nung binabalak mong gawin'' nag-aalala niyang sabi.

''Bat kailangan mo pang magsabi ng magpapahina satin? Mas okay nga yung mahirap e'' tanggi ko naman.

''Maganda yung sinabi mo kaso para tayong tanga kung gagawin natin yang mahirap na yan''

''Pero regalo yun Basty e. Espesyal yung pagbibigyan ko.'' at napayuko ako.

Ayoko yung salitang pwede na gusto ko yung perfect dahil siya yung pagbibigyan ko.

Eto yung first time na magbibigay ako sa taong gusto ko. Lagi kasing ako yung binibigyan.

E syempre Queen Bee ako.

''Alam mo,Sumi ang pagbibigay ng regalo sa isang tao. Ginagamitan ng puso. Hindi kung gaano kahirap yung ginawa mo para mabigyan siya.'' at tinuro niya yung puso ko.

Napanganga ako sa sinabi niya. Kahit nerd siya. Marunong naman siyang magpakilig.

''Okay lang yan,Sumi. Sa tingin ko naman yung bibigyan mo nyan matutuwa. Basta't paramdam mo sa linuluto mo yung feelings mo'' the fvck kinikilig ako. So matutuwa siya pagbinigyan ko siya ng chocolate.

Eto yung part ni Basty na gusto ko e. Whenever I'm feeling down he always there to cheer me up.

''Sige tara simulan na natin 'to'' ngumiti ako at sinimulan ng magluto.

Ibubuhos ko sa chocolate na 'to ang feelings ko para sa kanya.

Para maabot ng chocolate na ginawa ko ang nararamdaman ko para sa kanya.

At sana maramdaman naman niya ang gusto kong ipahiwatig. Na mahal ko na siya kahit sa maiksing panahon lang kami nagkakilala.

Hay pag ibig nga naman! Pero sana ma appreciate naman niya. Alam ko namang di ako marunong e.

Kaya nga ginagamitan ko ng puso tulad ng sinabi niya.

Huminga muna ko ng malalim. Syempre pang pakalma.

Nakakahiya naman pag nakita ni Basty na kinakabahan ako. Hala! Baka magtaka siya pag ganun.

Ang Boyfie Kong Nerd [END]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon