Chapter 20.1: Blockbuster (1)

903 41 0
                                    


JESS

"That's all for today, class. You can go home." Sa paglabas ng Prof ng aming class ay kasabay nun ang pagtayo naming lahat sa aming kinauupuan.

Lumapit agad sakin si Max at Mark, "Uyy, una na ako, Jess ah." Paalam sakin ni Mark, nagtaka pa ako kasi sabay kami kapag uwian na. Same building ang dorms namin pero sige. Do whatever he want.

"Ako rin Jess." Ganon rin si Max.

"Sige, Bye." Nakangiting paalam ko sa kanila na winave pa ang kamay ko. Sabay silang dalawa na lumabas ng aming classroom.

Ang ibang mga kaklase ay ganun rin ang ginawa, nagpaalam saking uuwi na sila. Ako nalang naiwan sa classroom kaya nagmadali na akong magligpit ng gamit, ang dami ko pa kasing nilabas na gamit kanina!

Nang matapos ako magligpit ay lumabas ako at sinara ang pinto.

Naglalakad ako sa hallway hanggang sa nahagip ng mata ko ang isang malas sa buhay ko! Parang bigong-bigo ako ng makita ko siya.

Simula kasi nung araw na nakipagsagutan ako sa kanya sa canteen ay lagi niya na akong inaasar, pero verbally lang. Ok, nayon kaysa sa Physichally, hindi ko siya kaya labanan sa ganon. Mas malaki siya saakin at malaki ang pangangatawan. But still nakakainis siya!

"Hi, bakla." He called me sarcastically. Hindi ko naman siya pinansin at nagtuloy lang ako sa paglalakad na deretso nakalingon sa daanan.

( —.—)'

Hindi pa siya nagpaawat at nakisabay siya saakin sa paglalakad. Lakas talaga nitong mangasar!

"Eto naman si bakla, snob." Kunwaring nagtatampo pa niyang sabi, at tangkang aakbayan niya ako pero mabilis ko hinawakan ang braso niya sabay pabato ko 'yon iniwas. Tch, papansin eh!

"Wala ka talagang araw na hindi mo ako aasarin noh, Macky?" Ramdam na ramdam ko ang kilay ko na salubong na salubong habang nakatingin sa kanya. This guy irritated me so much! More than much!

"Ahahaha, inaano ba kita masyado ka namang masungit." Natatawa pa niyang sabi. Binigyan ko lang siya ng 360° eye roll at mabilis na naglakad. Nakarating na kami sa tapat ng canteen! Nakabuntot parin siya! Problema ba ne'to? May mas nakakainis pa ba sa lalaking ito?

"Susundan mo ba talaga ako para lang mainis ako?! For you to know, nagtagumpay ka sa pangiinis mo sa'kin! Kaya pwede mo na ba akong lubayan, baka kasi nasasayang lang oras mo kakasunod sakin." This guy getting on my nerves! Just looking into his face wearing those irritable smirked makes me want to punch him! Hindi talaga ito pumapalyang maasar ako sa bawat oras, bawat segundo.

"Ay.. suko kana agad? Kala ko pa naman maangas ka." Parang naghahamon pa ang tonong sabi niya sa mismong mukha ko! Oo, sa mukha! Ilang inches na lang ang layo non sakin, at maling galaw lang ay mahahalikan ko na siya!

"Ayaw ko lang talaga makita pagmumukha mo." Pilit ang walang emosyong sabi ko pero sa loob looban ko nanginginig na ang mga kalamnan ko. Why is he not bothered on our face so closed? Lakas talaga ng loob.

Lalo siyang lumapit saakin kaya napa-atras pa ako hanggang sa mapasandal ako sa pader, iniharang ko ang kamay ko pero kinuha niya yon at hinawakan ng magkabilaan. Napailang naman ako kaya nilingon ko ang ulo ko sa kaliwang direksyon. "Bakit ka naiwas? Naiilang ka naba. Ayaw mo ba akong makita ng harapan?" He teased. Like damn, he's using also a sexy voice para mas mainis ako! Alam ko paraan niya lang ito para mainis ako.

"Ang baho ng hininga mo." Mahinang usal ko.

"Huh?" Biglang takang tanong pa niya.

"Ang baho ng hininga mo." Paguulit ko pa. Napabitaw naman siya sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Effective yung sinabi ko, Haha. Kala mo ah! Yan lang pala magpapatigil sa hambog na katulad mo.

Guys Do Fall In Love With Gays Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon