Chapter 23: Opponent (Sportsfest-part2)

869 54 14
                                    


Mga bulong, ingay at mga nag-aalalang mga teammates ko lang ang tanging naririnig ko. Habang ako ay nasa sa sahig na nakahiga at hawak hawak ang ulo ko na tinamaan ng bola.

Naiinis, Nagagalit, Nasasaktan, Hiya, at ibat ibang emosyon ang nararamadaman ko, gusto ko magwala sa galit pero hindi ko kaya, sobrang sumasakit ang ulo ko!

Kakapasok ko palang sa set ay ito na agad ang nangyari saakin! Hindi ko inaasahan ang ganitong mangyayari sa game, hindi ko alam kung sinasadya ba niya 'yon o aksidente lang! Pero kapag ako tatanungin ay sinadya niya yon! Sa ngiti at tingin ng baklang yun ay alam ko na may gagawin siyang hindi maganda pero hindi ko siya masisi dahil kahit ako ay may mali. Hindi ko manlang sinalag ang bolang tumama sakin , volleyball ang laro namin at hindi tulala lang.

Kahit ganon ay di mawala ang masamang dating sakin iyon ni Raccel, di ko alam kung anong ginawa ko sa kanya at kailangan ganon ang treatment niya sakin. Nakakainis!

"Jess!" mga teammates ko.

"Ahhhhhh..." i moaned like im hurting. Nakapikit lang ang mata ko at hindi nakikita ang paligid. Bagamat ay alam kong nagkakagulo ang iba ay hindi ko magawang pansinin ang mga yon.

"Tabi! Dadalhin natin siya sa clinic." sabi ng hindi pamilyar na boses, malalim ito at mukhang may edad na.

"Sasama na po kami." pagprepresenta ni Stitch. Hindi ko parin iminulat ang mata ko. Marahan nila akong itinayo at doon ko na binukas ang mata ko.

Nahagip ng mata ko lahat ng tao na samin ang atensyon na nakatingin, napapahiya naman akong yumuko, si Coach Missy naman ay nakikipagusap sa isang lalaki na mukhang mas matanda pa sa kanya.

Inalalayan parin ako ng mga teammates kong maglakad pero..

he chuckled, "Pathetic." he said in sarcastic way.

Nahinto ako sa paglalakad ko, ramdam ko ang inis na nagmumula sa kaloob-looban ko, masama akong tumingin sa kanya. Nawala lahat ang sakit na nararamdaman ko sa ulo ko, sa pagkakasabi niya lang non ay malakas ang dating sakin non. Batid kong may problema siya saakin o kaya may galit.

Naiinis ako, bakit ganon siya? Anong nagawa ko sa taong yan at ako ang pinag iinitan, ano bang nagawa ko sayo, Raccel?

"Bilisan mo, Jess. Dadalhin ka nanamin sa clinic—" hindi natuloy ni Stitch ang sasabihin ng pigilan ko ito.

"Ayoko." seryosong sambit ko bagamat kay Raccel lang ako nakatingin at nakikipaglaban sa mga tinginan namin. Mataray ang dating niya, kaya mas naiinis ako lalo.

"Pero Jess, natamaan ka ng bola--" hindi natuloy ang sinabi ulit ni Stitch.

"Kaya ko maglaro." pilit ng walang ekspresyon kong sabi. Ramdam ko ulit ang sakit na nagmumula sa ulo ko pero parang kinakaya ko sa tuwing makikita ko ang mga sarkastikong tingin ni Raccel.

"Sorry, Sir. Your hit from head and we have to bring you in clinic immediately." sabi saakin nung lalaking malaki ang boses, nakaputi siyang polo, sigurado akong isa itong nurse or Med related.

"I can play." pagpupumilit ko pa. Gusto ko maglaro at ipamukha sa Raccel na ito na hindi niya ako maapi. Pagbabayaran mo ang pagpalo sakin ng bola nayon, masakit yon! Kahit nakuha nila ang puntis na'yon ay babawiin ko yun!

"But--" i cut him off, yung mukhang nurse.

"I said 'i can play'." pagdidiin ko pa. Napabuntong hininga naman silang dalawa ni Stitch at naglakad palayo ang dalawang nurse.

"Are you sure, you can play? Natamaan ka ng bola baka mahilo ka." nag aalalang talagang sambit ni Stitch. Na-appreciate ko ang concern na ipinapakita niya pero talagang hindi ako pwede umatras lalo na't may nakakabwesit na nilalang ang mukhang gustong makipag away! Pilit ang ngiti kong inalahad sa mga labi ko ang ibinigay ko sa kanya.

Guys Do Fall In Love With Gays Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon