2nd day of SPORTSFESTJESS
Ikalawang araw ng Sports festival at kasalukuyang nagaganap ang laban ng Volleyball, ang magkalaban ngayon para sa araw na ito ay ang Misgaro laban sa NorthMarine!
Sa pagkakataong ito ay mapapanood ko narin si James maglaro muli, ganon rin sa ibang mga kupunan. May tyansa akong pag-aralan ang galaw nila sa larong ito.
"Jess, can i borrow you for a sec?"
"Twenty-two, Eigie, is all fired up! He scored Nine consecutive points in a row. Is this Fortune or Talent!" papuri pa ng tagapag-sabi ng galaw ng mga manlalaro sa laro.
Para naman akong fangirl na nagsisigaw dahil sa kanyang galing sa paglalaro. Taga-Misgaro siya at tunay nga siyang napakagaling, ang galaw niya ay unpredictable. Halos naman lahat ay magagaling pero ang lalaking yun ay nakapukaw ng atensyon ko, kahit si James ay ganun rin pero iba parin ang galing ni EIGIE! Malupit siya teh at gwapo pa!
"Jess.. excuse, i need to ask you something." bumalik ako sa reyalidad ng biglang magsalita sa likod ko si Manny. Masyado akong nadala ng galing nila sa paglalaro.
"Sorry, Manny. Ano ang pakay mo?" ngiting tanong ko sa kanya.
"Pwede ba ay samahan mo ako sa Canteen, at mag papa-order tayo ng kakainin natin." tukoy niya sa iba pa naming mga kasama. Almost lunch time narin pero hindi pa ako masyadong gutom dahil gusto ko pa mapanood ang laro. But, too bad, kailangan ko siyang samahan.
"K. Tara." tipid ang sagot ko. Gusto ko pa sana mapanood ang laro. Huhuhu.
Katulad nga ng sabi ni Manny ay pumunta kami ng Canteen at nag-order ng aming kakainin. Ang mga staff nalang daw ng school ang magdadala saamin ng pagkaing inorder namin.
Ngayon ay nasa eskwelahan ng Nathana Relex Pasoma University nagaganap ang laro ng mga kalalakihan, at ang sa babae naman ay sa Misgaro naman. Katulad ng sa Misgaro ay malaki rin ang paaralan nila dito. Malamang private school ito, Duhhhh..
"U-Uhmmmm.. Hi Manny, i watch you play last time doon sa Misgaro. Please, can we take a picture?" liningon naman namin ni Manny kung sino ang nagsalita sa likod namin. Limang kababaihan sila, sa kanilang kasuotan ay masasabi ko na dito sa NRP sila nag-aaral.
Ilang naman saking tumingin saakin si Manny na mukhang humihingi ng tulong.
"Ah, lahat ba kayo magpapa-picture? Ako nalang kukuha kung gusto niyo?" pagpri-prisinta ko. Nilakihan naman ako ng mata ni Manny. As if makakatakas kami dito sa mga kababaihan, nakakahiya namang tumangi lalo na't ini-idolo nila itong si Manny.
"AAIIEEE! Thank you, Persy!" sabi nung isa pang babae. Kilala pala nila ako? Akala ko ay lalaki lang napapansin nila. HAHAHA.
Kinuha ko naman ang cellphone na hawak ng babae. Naiilang naman na napangiti si Manny habang ang limang babae ay magkabilaang nakadikit sa kanya.
*CLICK~!
"Bakit hindi ka rin magpakuha ng litrato sa kanila, Jess?" gulat akong tumingin kay Manny, sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Oo nga. Please po, Persy!" pagmamakaawa nung isang babae!
"Hindi naman kailangan pa ako kasama—-!" hindi ko natapos ang sasabihin ko!
BINABASA MO ANG
Guys Do Fall In Love With Gays
Novela JuvenilWARNING⚠️: Very slow updates!! *** Some people expecting a perfect relationship with their partners. Isa na ako doon na nag hahangad ng love story na parang sa mga nababasa kong fairy tales. Yung mamahalin nang magkasintahan ang bawat isa. Yung ka...