Perfect match chapter 11

67 4 0
                                    

Perfect match Chapter 11

Ilang Araw na hindi nagpakita sa mansion Si Jake kaya ganadong ganado si kaiser. Hindi baleng hindi siya kausapin ni mitch . Ang mahalaga ay wala itong ibang lalaking pinag-uukulan ng pansin...

Isang umaga ay dumating sa mansion ang mga kaibigan nyang babae .

" Bakit naman hindi ka pumapasyal sa bar?" Tanong ng una kay mitch.

"Siguro hindi ka sinasama ng lalaking to no?" Tukoy nito ay si kaiser na pangiti-ngiti lang sa likuran nila..

"Tinatamad kasi akong lumabas," ani ni mitch

"Perohayaan niyo't papasyal ako doon mamayang gabi"

"Teka. Wala ka naman sigurong gagawin kaya ang mabuti pa ay sumama ka na lang samin," Yaya ni mina...."Mag mall tau para hindi ka naman maboring "

"Mabuti pa nga,,, GiL Ipag drive mo kami," Ani ni susan..

"Sure," Maluwang ang ngiting wika ng binata.

Hindi na nakatanggi si mitch.  Sandali nitong iniwan ang mga bisita para magbihis.

"Hayan, Tinutulungan kana namin," Ani ni mina kay kaiser Nang maka akyat si mitch. "Ang bagal mo kasi, Para kang pagong sa sobrang kupad pumurma."

"Huwag mung sabihing kami pa ang magtatapat kay mitch?" Ani ni susan.

"Tuma-Timing Lang ako," Palusot niya at naniningkit pa ang mga mata sa pagkakangiti.

"Tuma-Timing? , Ang sabihin mo naduduwag ka. Alam mo kasing hindi uubra kay mitch yang style mo," Nakairap na ani ni mina.

"Wag nyu ko sermonan ok? Tumatiming lang talaga ako."

"Pwes bilisan mo kung ayaw mong maunahan ka ni jake acosta. Kumilos kana dahil hindi mo makukuha si mitch sa pag-papacute," Saad ni susan.

Perfect Match (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon