Prologue

348 126 139
                                    

Another typical day. Nag babad lang ako buong araw sa pag higa habang nagbabasa ng libro.

Well ito ang nagiging comfort zone ko araw araw. Dito ko iginugol ang bakanteng kong oras. Since I was in Elementary mahilig na talaga akong mag basa ng mga love stories. Ebook pa yung tawag noon.

Mag damag ko ngang pinag puyatan ito gabi gabi. Alam mo yun. Yung feeling na linilimit ng utak mo na last chapter na to, matutulog na ako. The next thing you knew is that 5 am na.  Kaya ayon, lutang lagi sa klase.

Ang cool siguro maging writter, ano?. Ang lalawak kasi ng kanilang imahinasyon. Pinangarap ko rin na maging tulad nila.

Ang dami ko na ngang naiisip na title ng story na gagawin ko. Pati na ang mga plot at kung ano'ng magiging ending nito pero wala eh. Di ako marunong mag construct ng mga sentences.

Ilang beses na akong sumubok, fail ang kinlabasan. Kasi kung hindi OA, cliché naman. Wala rin akong sense of humor. Kaya na realize ko na hindi talaga bagay sa akin ang maging manunulat.

Ang tangi ko nalang ginagawa ay magbasa ng magbasa.

Although alam ko naman na hindi nag e-exist ang mundong ginagalawan ng mga character sa librong aking nababasa sa reyalidad yet sa loob ng aking isipan at puso, it is.

Minsan nga nahuhulog na ang loob ko sa mga bidang lalaki sa libro kahit na hindi naman dapat. Amg perfect kasi nila. Mayroon sila ng mga qualities na gusto ko sa isang lalaki. 

Alam naman nating hindi sila tunay. Yet palagi parin tayong umaasa. Na sana totoo nalang sila. Ang hirap kaya ng nasa ganoong sitwasyon. Na inlove ka nga, sa taong kahit kaylan hindi natin masisilayan. Sakit nun par.

**********

"Congrats D. Happy Wedding Day sa inyo ni Emily." Ako sana ang katabi mo sa altar. Nag sisisi ako. Sobra.

"Salamat B."

I just smile. Although masakit. Kina kaya paring ngumiti. Ang plastik na. Salamat sa lahat D. Alam kong wala na talaga kaya susubukan kong magpakalayo layo muna. Para mawala yong sakit na ako na lang ang nakakadama sa ating dalawa.

Goodbye.

The End

Shet! Kabitin. Bakit hindi nalang kasi sila? Ms. Author naman ih.  Ang bitter mo talaga.

Bago ko lang natapos basahin ang librong Reality ni WalangAkoIkaw. Ang bitter talaga ng Author. Allergic sa happy ending teh. Alam mo naman kaming walang kwenta ang mga buhay  watty lang ang pinagtutuonan ng atensyon. Walang thrill eh.

Hayst pag may libro talagang makakuha ng atensyon ko palagi akong naatached sa mga ito. Na sa sobrang pagkahumaling ko dito, umaabot na sa point na hindi ko kayang mag move on into another story pag natapos na ang kanilang kwento.

Kasi I want more. I want their story to continue. Like they really exist in real life.  Gusto ko kasing sumabaybay sa kwento ng ibang tao. Ang chismosa ko ah.  Hahaha. Wala lang.  Hindi kasi interesting yong buhay ko kaya ayon.

"Nak aalis muna kami ng papa mo ng tatlong araw. Uuwi kami sa probinsya. Alam ko namang ayaw na ayaw mo roon dahil walang internet kaya dito ka nalang. Wag gagala ng hindi ko alam." sabi ni mama mula sa pintuan ng kwarto ko.

Hindi kami mayaman. Tamang tama lang na nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw. Simple lang ang pamumuhay namin.

"Ok ma. Pengi akong pera pambili ng ulam at mga kakailanganin ko habang wala kayo."

"Oh ito 500. Mag tipid ka. Wag puro gastos." Sabi ni mama

"Opo. Salamat ma. Ingat kayo sa byahe."

"Sige na. Aalis na kami't baka maiwan ng bus." Hinatid ko sila sa gate and I waved them goodbye.

Ako na lang mag isa sa bahay.  Hindi naman ako takot sa multo kaya okay lang na mapag isa ako rito. Matulog muna ako. Kulang na kulang pa ang tulog ko kakawattpad. Alas nuebe pa lang ng umaga.

Nagising ako bandang alas siyete na ng gabi.

Gutom na gutom na ako. Hindi kasi ako nag tanghalian. Himbing kasi ng tulog.

Ilang araw na lang pala tapos na ang bakasyon at mag sesecond sem na.

Hindi ako excited pumasok. I don't even have friends.

Ewan ko ba bakit nila ako iniiwasan. Siguro dahil sa bagohan lang ako sa paaralang ito.

Lumabas ako ng bahay para bumili ng dalawang itlog sa tindahan.

Bumalik na agad ako sa bahay pagkatapos bumili.

Nagbasa ulit ako pagkatapos kung kumain.

----------------------------

Hi guys! Sorry sa mga wrong grammars. I'm just new in this kind of world.  Sana magustuhan ninyo. Free to comment po. Please do support my story until the end. Thank youuuu ❤

A Reader's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon