Chapter 4

167 95 63
                                    

Hello guysu! Thank you EvanescentGoner for making my beautiful book cover! Lovelots! 💕

-----------------------------------

Dwayne's POV

Nagising ako ng maaga kinabukasan. Alas kwatro y medya palang ng madaling araw. Hindi pa sumisinag ang sikat ng araw sa maliit kong kwarto.

Bumangon ako sa kama at pumunta sa maliit na balkonahe. I opened the door and the cold breeze of the early morning envelops through my body that brought shivers down to my spine.

Nilanghap ko ang sariwang hangin na batid koy gawa ng mga puno sa kapaligiran.

Pinagmasdan ko ang paligid. Kakaunti pa lang ang gising.

Bumalik ako sa loob at naligo na. Balak kong pumunta ng maaga sa school. Wala akong magawa dito sa bahay. Wala na akong librong mababasa. Ubos na lahat. Kailangan ko na talagang pumunta ng mall at bumili.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ng P.E uniform ay bumaba na ako para mag almusal. Maagang gumigising si mama kaya may naka handa na sa lamesa.

“Himala! Ang aga natin ngayon ah?” Sabi ni mama mula sa kusina.

Pinagmasdan ko ang nakahain. May itlog, hotdog, chorizo, at sinangag. Kumuha ako ng sinangag at hotdog. Nagtimpla rin ako kape. Sinimulan ko ng kumain kasi ako’y gutom na.

“Maaga naman talaga akong nagigising ma! “ Sagot ko kay mama habang ngumunguya ng hotdog.

“Maaga nga. Maaga sa ikalawa mong subject! “ Sabi pa nya.

"Aba magtino ka nga Akari! Kapag ikaw may bagsak na subject lagot ka talaga sa akin. Pinaaral ka namin ng maayos tapos sa huli bagsak na grado lang igaganti mo sa paghihirap namin ng papa mo!? Naku! Patay ka talagang bata ka.” Ang aga-aga sermon na agad maririnig ko mula kay mama. Wala naman akong ginawa ah. Nagising lang ako ng maaga eh. Ano bang mali ron? Naman oh!

“Kahit na ganito ako ma hindi ko naman pinabayaan grades ko. Hindi ko rin gustong mabagsak at umulit uli no! “ Hay nako!

“Siguraduhin mo lang na makapag tapos ka sa pag-aaral hanggang kolehiyo para naman maiahon mo ang ating pamilya sa kahirapan. Wag kang tutulad sa iba na palamunin lang dahil hindi nakapagtapos at makakuha ng magandang trabaho. Alam mo naman sa panahon ngayon kailangan maging praktikal at madiskarte. Kaya pag nagkolehiyo kana dapat pagiging guro ang kukunin mong propesyon dahil malaki ang sahod.” Ayan na naman tayo. Sila nalang lagi ang nagdedesisyon para sa kukunin kung kurso. Di pa nga ako nagkokolehiyo eh.

Paano naman yung gusto ko? Hindi man lang ba nila ako tatanongin kong anong gusto kong maging balang araw?

“Kay!“ Pabalang kong sagot. Nakita ko ang pag babago ng itsura ni mama na parang kakain na ng tao kaya dali-dali akong umalis ng bahay. Nako naman hindi pa ako busog ih. Di na kasi ako nakain gawa ng sinabi ni mama.  Nawalan na ako ng gana. Wala pa akong toothbrush shet! Mabuti nalang may dala dala akong sipilyo palagi sa bag, sa school na lang siguro hihihi.

Nag lakad na ako papuntang BSA.

Pagpasok ko sa gate ng paaralan ay dumiretso na ako sa cr at ginawa na ang dapat kong gawin. Tiningnan ko ang cellphone kung anong oras na ba. Alas sais pa lang. May dalawang oras at tatlumpong minuto pa bago magsimula ang klase ko.

Pumunta muna ako sa library upang doon mag tambay. Pagpasok ko, namamangha parin ako sa laki nito. Isang buong building kasi ito na may tatlong palapag. Library lang to huh! Pano na kaya ang iba pang building? Ganyan kalaki ang BSA.

Ang una't pangalawang palapag ay para sa book sections at ang ikatlo naman ay doon inilalagay ang mga computer units na ginagamit sa pag hahanap ng mga kasagutan sa internet na hindi makikita sa libro.

Although hindi masyadong nagagamit ang ikatlong palapag sapagkat halos lahat may kanya-kanya namang laptops ang mga estudyante rito. Mayayaman eh! Kami lang atang mga iskolar ang gumagamit. Marami rami din kaming nakapasa. Umaabot sa bilang na limampo.

Enough with this long explanation. Nag-ikot ikot ako para mag hanap ng magandang babasahin ng makita ko ang fiction section. Tiningnan ko isa-isa ang mga lalagyan kung may wattpad books ba silang nilagay dito. Waa may nakita akong libro na I love You Since 1892 na isinulat ni Binibining Mia sa isa sa mga bookshelf. Omo my heartuu~ hihihi. So ayon nag hanap-hanap pa ako at kinuha isa isa ang mga nakikita kong watty books na hindi ko pa nababasa.

*************

'Na-inlove ka na ba?'Hindi lang ngayon. Madalas tanungin ang bagay na iyan na akala
mo nama'y parte ng buhay ko ang pagiging inlove. Kulang nalang din ay itanong iyan sa nga interview para matanggap sa trabaho.

'Yes,'

Of course, na-inlove na ako. Hindi lang isang beses kundi tatlo! Na-inlove sa taong sinukuan ako, na-inlove sa kaibigan, na-inlove sa taong kailanma'y hindi magiging
akin! Napakaswerte ko? Sa edad kong to naranasan ko nang maloko at masaktan ng sobra.

I am currently reading a book which entitled Pag-ibig nga kaya? by graciaaxxx.

"Uy! Tara na. Orientation natin
ngayon," Kasama ko ngayon si Jay.
Kaklase ko. Dumeretso kami sa
gym at andami ng tao.

"Dito tayo," Turo niya sa vacant seat na nakita
namin.

"Ah Ella! Heto nga pala si Adamine Zackery Del Mundo. And Zack, siya si Ella Santiago," pinakilala ni Alfred ang katabi nito.

Inilahad ko ang aking kamay at muntik akong mapahiya nang mag-alinlangan pa siyang tanggapin ito. Arte ah! Malinis naman akong babae! "Nice meeting you," peke akong ngumiti at tumango nalang siya bilang sagot. Tsk. Sungit!!!

Hindi ko na namalayan kung anong oras na. Pumailanlang sa lahat ng sulok ng paaralan ang malakas na tunog ng bell. Palatandaan na mag sisimula na ang klase sa loob ng sampung minuto. Natapos ko na ring basahin yong libro. Nakakakilig silang dalawa ihh. Though nasaktan ako sa huling kabanata. Kawawa naman si ate gurl.

Bitbit ko ngayon lahat ng librong kinuha ko upang ibalik ito sa aking pinagkunan. Halos malagay ko na lahat pwera na lang sa isa. Nakalimutan ko kung saan ko nga ba ito kinuha.

Napadpad ako sa kasulok sulukan ng library. I pass through the shelves when there's something that catches my attention.

A book! It felts like no ordinary. Its cover was coated with gold. Kumikinang ito habang nasisinagan ng araw. I gently walked towards the book. Its as if hypnotizing me with its beauty.

Kinuha ko ito sa shelf at tiningnan ang nakasulat sa pabalat ng libro. There's a word that was carefully and beautifully engraved on a book which makes it more SPECIAL. The word says.....




BESTE MUNDURA?




What does it mean?

----------------------------------

Ano na?  Comment naman kayo guys! Hahahaha 💕

A Reader's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon