Chapter 5

109 57 61
                                    

Dwayne's POV

Eto na ba yon? Yung magical book na sinasabi ni Sir? Kinakabahan ako. Pano nalang kung bigla akong higupin papasok? Hindi ko pa naman alam kung paano ito paganahin. Baka hindi na ako makabalik. Pano na? Ano ng gagawin ko? 

I take a deep breath. Unti unti kong binuksan ang libro. Nanginginig ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa takot? O excitement? 

Ng mabuksan ko na ang libro nakita ko na......

walang nakasulat sa unang pahina? Nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko namalayan na pigil hininga ko pala itong binuksan. 

Pero teka!? Bakit walang nakasulat? I scanned through pages and I found....... 

NOTHING! 

Bakit wala? 

Ibinalik ko na lang ito. Late na ako! Bahala na nga. 

Nilisan ko na ang lugar na iyon at pumunta na sa classroom. Discuss dito discuss doon. Amboring. 

*********

"2 pieces Chicken Sandwich and 1 coke in can." nandito ako sa cafeteria. Nag oorder ng pananghalian ko. Ang gastos ko ngayon. Dapat talaga magbaon na ako sa susunod. Pano ako makakaipon nito? Bibili pa naman ako ng bagong libro next week. Di ko alam kung sakto na ba yong naipon kong pera nong nakaraang buwan. 

Matapos kong makuha ang order ay naghanap ako ng mauupuan. Palinga linga ako sa buong sulok ng cafeteria at wala talaga akong makitang bakante. Ang malas naman. 

Lumabas nalang ako at pumunta sa palagi kong tambayan. Sa may puno ng mangga. Inumpisahan ko ng kainin ang aking pinamili. Tumingin ako sa paligid. Ako lang talaga ang nagagawi rito. 

Napaisip ako sa aking nakita kanina. Hindi ako mapakali. 

I think... iyon na talaga. Yung libro! Kasi diba hindi naman normal na magkaroon ng ganon sa library. Like, parang gawa ito sa ginto. The details of the carved title is too complicated to explain. Even the book sheets are shiny as a silver. Napakaganda nito at nakakaakit.

So how can a fuckin book can be this beautiful? 

The books that were in my room are nothing compared to that BESTE MUNDURA. I don't even know what the title mean.

May kutob talaga ako na iyon na nga. Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pagkakita ko palang nito.

Isn't it weird?

Binabagabag talaga ako sa isiping iyon kaya lutang ako buong hapon. I just found myself outside. 

LIBRARY, the signboard says. 

Dinala ako ng mga paa ko sa lugar na to. Ni hindi ko nga namalayan na tapos na pala ang klase sa hapong ito.

Pumasok na ako sa loob at hinanap ang librong iyon. 

Pinuntahan ko kung saan ko ito huling nakita. 

And when I get there... it's gone. It's already gone!

May iba bang kumuha rito? I searched for it. 

Nalibot ko na ang buong library pero bigo akong makita ito. Naman! Na cu-curious na ako masyado, don pa nawala. 

Umuwi nalang ako ng bahay dahil wala namang patutunguhan ang paghahanap ko kung magtatagal pa ako roon. Wala na eh.

Naabutan kung walang tao sa loob. Saan naman kaya sila nag punta? 

A Reader's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon