Sa mga nagbasa, nagbabasa at magbabasa ng story nato, thank you 💕
please be with me till the end guys 😄-----------------------------
Dwayne's POV
Another boring day. Tinatamad na naman akong makinig. Lagi naman.
Yun nga, naka tanaw lang ako sa labas buong oras. Wala naman akong magawa. Nilabas ko nalang sa bag ang dala kong libro at nag basa habang nagkaklase si Maam Annie. Hindi ako interesado sa mga itinuturo n'ya.
Bagohan palang naman parang sino na kung umasta. Fact, basher ako ng mga teachers dito. Di ko sila bet.
Nacucurios ba kayo anong paaralan ang pinasukan ko? Well, nag aaral lang naman ako sa Boring Shit Academy. Nakakatawa iyon hahaha (sarcastic). Sa Brilliant Sapphire Academy. Oo, isa sa mga prestehiyosong pribadong paaralan sa buong bayan ng Vensita. Nakapasa akong maging iskolar sa paaralang ito.
I'm good at.... nothing. Ewan ko bakit ako napadpad dito. Hindi namin afford ang tuition. Hindi rin naman ako matalino kaya nagtataka ako bakit ako nakapasok sa paaralan.
Ibinalik ko ang tingin sa labas ng bintana. No wonder kung bakit isa ito sa mga prestehiyosong paaralan. Ang ganda ng pasilidad nila. Napakaayos. Kumpleto. At ang lawak lawak ng lupang sakop nito.
Ilang sandali pa ay nag bell na. Tanda na lunch break. Dali dali akong lumabas kasi alam kong madaming pipila para bumili ng pagkain sa cafeteria. Mabuti ng mauna.
Pag dating ko sa cafeteria ang taas na ng pila. Nag antay ako ng ilang minuto at umorder ng pepperoni at coke in can.
Lumabas ako bitbit ang pagkaing binili ko at tumambay sa may puno ng mangga, sa likod ng senior high building. Nakakahanap ako ng kapayapaan sa lugar na ito.
I am silently sitting under the tree while eating. My thoughts wandered into things that I shouldn't be thinking right now. But I can't help it. I just shook my head and face this reality.
Matapos kung kumain ay tumayo na ako at pinagpagan ang aking palda. By the way our school uniform includes white longsleeve blouse with a black blazer that imprinted the logo of the school and our name in the left chest area, a black nect tie, and a 2 inches above the knee black skirt.
May kamahalan din 'tong uniform namin kaya dapat ingatan. Pumasok na ako sa aming building wich is the senior high building.
Yeah. I'm Grade 11 this school year. Currently turning into 17. Umupo na ako sa aking silya at tiningnan ang paligid. My classmates are all busy about our requirements in every subject while I'm just here, sitting and chillin.
Pag malapit na ang pasahan, doon ko lang gagawin. So what? Atleast mayroong mapasa. Grades are just numbers, it doesn't define me at all. Well, society does but heck I don't care.
Malapit na palang mag isang taon ang pamamalagi ko sa school na ito pero hindi ko pa nagawang libutin ang buong pasilidad ng paaralan. Sa laki ba naman ng paaralan, malamang ay aabotin ako ng dalawang araw sa pag lilibot.
Try ko nga pag magkaroon ako ng bakanteng oras.
Tumahimik ang lahat ng mag bukas ang pinto at iniluwa roon si Sir Jeff, ang terror naming teacher.
Pinagmasdan ko siyang maigi. Ang puti niya at tama lang ang tangkad. Matangos ang ilong at may bilogang mga mata. May makinis na pagmumukha at katamtaman lang ang laki ng katawan in short GWAPO.
Almost my girl classmates admired him. Except me!
"Good Afternoon Class." sabi ni Sir. Sobrang sungit. Isa sa mga factors kaya hindi ko sya gusto.
"Arl. " tinawag niya ang mga kaklase ko para mag attendance.
"Present. "
"Cray. "
"Absent Sir."
"Dale. "
"Present Sir."
"Dane. "
"Sir present."
"Greg. " Patuloy na pag tawag ni Sir.
"Sir. "
"Leigh."
"Sir. "
"Nate. "
"Present. "
"Okay sino ang hindi natawag?" nag taas ako ng kamay kasi hindi talaga ako natawag ni Sir kanina.
"You are? " tanong niya.
"Dwayne." walang ganang sabi ko. Tumingin lahat ng kaklase ko sa akin. They look at me like I'm a weird object and I'm just being discovered.
"Dwayne? " ulit ni sir.
"Akari Dwayne." sagot ko.
"Are you absent in my class yesterday?"
"Yes Sir." patuloy parin silang tumitingin sa akin. Fuck I hate attention.
"Okay seat down. Next time don't be absent in my class or else ibabagsak kita. Understood?" tumango lang ako at umupo na. Hay salamat naman at wala na sa akin ang kanilang atensyon.
"Okay class, do you ever heard about the story of the rare magical book?" umiling lang kami. Lahat ay interesado sa kung ano mang kwento ang sasabihin ni Sir. Pati na ako. I haven't heard it before.
"I guess it's a no. So ito ang kwento. Sabi ng mga matatanda, mayroon dawng ibang dimensyon bukod sa ating tinitirahan ngayon. Hindi normal ang dimensyong iyon sapagkat nag eexist doon ang magic. Mga witches, elves, faries at iba pang mga mythical creatures ang nakatira roon. " mayroon palang ganon? Baka gawa gawa lang ang istoryang yon. Hello? Nasa 21st century na tayo tapos maniniwala pa sa mga haka haka na ganon? Wala namang makapagpapatunay ng kwentong iyon. Yet nakuha nito ang atensyon naming lahat.
"Isang araw, nagkaroon ng malaking error sakanila. Nagbukas ang portal na kumokonekta sa ating mundo sa kanila kaya may ibang witches ang na trap sa ating dimensyon. Nag sara ang portal matapos ang ilang minuto. At hindi na muling bumukas. Hindi sila tipikal na witch sa mga palabas na nakikita ninyo na kesyo pangit, mataas na mga kuko, matanda na, etc. Sila ay mga witch na magaganda. Hindi nalalayo sa ating itchura. Ang pinagka iba lang natin sa kanila is kaya nilang mag cast ng spells. At ginagamitan nila ang sarili nila ng spells upang maitago ang kanilang totoong anyo. " tututok na tututok kami sa pakikinig kang sir.
"Sir, ano po ba ang totoo nilang anyo?"
"They are all bunch of creatures that you can't describe because of too much imperfections in their body. A time-decayed woman with a lifeless gray hair. They had a two pairs of feline eyes wich makes them look wicked, had a barbarous nose, jagged set of teeth, and a raspy voice. In short a grotesque creature. "
"Ano namang meaning non sir? Ang lalim kasi ng mga salitang ginamit mo sa pag describe. " reklamo nila. Ako nga rin eh di ko gets.
"One word, PANGIT! " ayon naman pala pinahaba pa eh.
"So back to the story. Mayroong isang witch na natrap sa earth ang nakadala ng mahiwagang libro. Sa witch world ka lang makakakita ng librong iyon."
"Sir, ano po ang nagagawa ng libro?" ang corny mang pakinggan pero lahat talaga sila nakikinig kang sir. Binabalewala yung tought na gawa gawa lang ang kwentong sinasabi niya.
"Well, if ever na mapasakamay mo ang librong iyon, you'll go to a certain place pero walang nakakaalam kung saan at kung paano ito paganahin. Makakapunta ka sa ibat ibang lugar na gusto mong puntahan. Sa ibang dimensyon na hindi mo akalaing nag e exist or you can build your own world. It depends on you." Hell if ever na nag eexist yung librong iyon makikipag patayan siguro ako sa pag agaw noon para lang makapunta ako sa watty world hahahaha silly thought. As if naman na totoo iyong libro.
-----------------------
So guys ano na? Comment naman kayo hihihi lovelots 💕