Chapter 8

114 40 56
                                    

Dwayne's POV

Muli kung tinapunan ng tingin sina Summer. Nag sasayaw parin sila ni Tyler. 

Then suddenly a tension envelops the venue. I saw Jin in the entrance walking towards Summer. He grab her arm from Tyler and put it into his shoulder and holds her waist. Kawawang Tyler. Kaya kita gusto Jin eh! He take all the risk just to dance with Summer. Naalarma ang mga kasapi ng Black Government kasi may nakapasok na myembro ng Dark Monarch at yun ay si Jin. 

And then moments later, the place turns into a complete chaos. Dark Monarch Vs. Black Government. It makes me excited. Gusto ko ring makisali. For once in my life, gusto ko ring makipagsuntukan o makipagpatayan. I want to feel how painful to punch and be punched. Gusto kong magwala at basagin ang kanilang pagmumukha. 

How does it feel to kill? Sometimes I imagined becoming an assassin. Kakabasa ko to ng mga action stories eh. 

"Hoy anong nginingiti mo jan? Tara na. Hindi na safe ang lugar na to." tarantang sabi ng katabi ko. I just shush him. 

"I'm watching. Don't disturb me." nakangising sabi ko. 

"Nababaliw ka na! " malakas na sabi niya habang umiiling. Hinablot niya ang kamay ko at tumakbo palabas.

"Bitawan mo ako gago!" nagpupumiglas ako sa pagkakahawak niya. Ng makalabas na kami ay saka pa niya ako binitawan. Pakshet ng lokong to! Nag eenjoy pa ako sa view! I'm watching Van snatches Summer from Jin on the dancefloor. At itong ungas na'to ay sinira yung panonood ko sa kanila. 

"Bwisit ano ba? Bakit mo ba ako hinahatak? Gusto ko pang manood! " sigaw ko sa kanya. Sinasagad niya ang pasensya ko. 

"Iniligtas lang kita sa gulo! Ang dami ng nagbabasagan ng bote, baka matamaan at masaktan ka. Gusto mo bang masaktan huh? Ano bang problema mo?" ginagalit talaga ako ng lokong to. 

"Ako dapat ang magtanong nyan. Anong problema mo? Pake mo ba sa akin? Paki mo pag masasaktan ako? Di naman ikaw ang masasaktan, ako yun. Hindi naman kita kilala at isa pa hindi ba malinaw na ayaw ko sayo? Ayaw kong makipag kaibigan sayong hangal ka!" okay ang harsh ko na ah. Pero kasi naman. Bakit ba sya nakikialam? 

"Dahil…" huminto siya sa pagsasalita. Walang masabi. 

"Oh hindi ka makasagot ngayon? Pabayaan mo ako please lang. Di ko kailangan ang isang tulad mo. Wala akong kailangang iba kundi ang sarili ko." umalis na ako sa lugar na yon ngunit napahinto ako sa paglalakad sa sunod niyang sinabi. 

"Because you're such a liar! The words that goes out into your mouth is the contrary of what you feel. I know you need someone!Someone to talk to! To be there by your side! I had this feeling na hindi ka nagtitiwala ng basta-basta. You're afraid as hell when someone's trying to approach you! I can see it through your eyes. The pain you felt inside. Ilabas mo lahat ng hinanakit mo. Andito lang ako makikinig sayo." he yelled those words to me. A tear escaped into my eyes. Nakatalikod ako sa kanya kaya hindi nya ito nakita. Tama sya. Pinahid ko ang luha ko at humarap dito.

"No! You're wrong! I'm perfectly fine. I don't need someone. Especially like you. You're blabbering things that isn't true at all. Don't make stories about me!" liar. I'm such a goddamn liar! Tinalikuran ko na sya at pinagpatuloy ang paglalakad. Pinigilan ko ang aking mga luha sa pagpatak. I don't want others to see my weak side.

Nag mukmok lang ako buong gabi sa kwarto ko. Eto na naman yung sakit. Bakit pinaalala pa niya? Peste talaga yung lalaking yon. Nakakainis. Ang bigat ng pakiramdam ko. Sasabog na ata ako sa sobrang bigat. 

Before I knew it I'm already crying. Naman kasi. Bakit ba hindi ko makalimutan ang pangyayaring iyon? Kaya ako nag hihirap ng ganito kasi di pa ako nakakamove-on. Dala-dala ko parin yung sakit. Hindi mawala wala sa kalooban ko. Sa sobrang pag iyak ay nakatulog na ako ng hindi ko namamalayan. 

Kinabukasan nagising akong namamaga ang mata. Hindi na lang ako papasok. 

Naalala ko… kamusta na kaya sila mama? Hinahanap ba nila ako? Namimis ko na sila. I guess I'm stucked here. Hindi ko alam kung paano babalik. 

I want to go back… I want to stay. Ano ng gagawin ko? It's hard to make a decision right now. Ayaw ko munang mag desisyon ng padalos dalos at baka ako'y magsisisi sa huli. Baka hindi na ako muling makabalik sa mundong ito sapagkat hindi ko naman alam kung paano ako nakapasok sa libro. 

Nakahiga lang ako buong araw sa kama. Wala akong ka roommate kaya solo ko ang buong kwarto. Ilang oras na akong nakahiga pero hanggang ngayon ay maga parin ang aking mga mata. Parang kinagat ng bubuyog sa sobrang pamamaga. 

Hindi ako nakakain ng almusal dahil iniiwasan kong makita ang kumag na yon. Ayaw kong makita niya na apektado ako sa mga sinasabi ng loko kagabi, sobrang apektado lang. Kita mo naman sa aking mga mata. 

-----

Gutom na ako. Alas dos na ng hapon. Tiningnan ko ang aking repleksyon sa salamin. Wala ng pamamaga pero bakas parin na ako'y umiyak. Shitness overload! 

Bumaba na ako at pumuntang cafeteria matapos kung ayusin ang sarili. Di ko na kakayanin pa ang ilang minutong paghihintay. 

Iilan lang ang nakita kung tumambay sa cafeteria ngayon. Nasa kanikanilang klase siguro. Umorder na ako ng apat na chicken sandwich, dalawang spaghetti, at isang coke in can. Patay gutom ako ngayon. Kulang na kulang pa nga ito sa akin. 

I sat near the glass wall. Kitang kita mula rito ang sobrang lawak na soccer field. Sinimulan ko ng kumain ng may biglang umupo kaharap sa akin. 

I just ignored who it was. Hindi ko na tiningnan kung sino man ito. Pinagpatuloy ko ang pag kain. Malapit ko ng maubos yung nakalapag sa harap ko pero hindi pa rin ako nabubusog. 

Umalis ang sino mang taong iyon. Salamat naman, ang awkward lang kasi.

Nasa kalagitnaan ako ng pag ubos ng kinakain kung spaghetti, my favorite, ng may umupo na naman sa harapan ko. Inilapag niya ang bitbit nyang tray na puno ng iba't ibang klase ng pagkain sa lamesa at inurong ito papunta sa akin. 

Tiningnan ko kung sino man ang taong iyon. "Ano na namang ginagawa mo rito? Wag mo akong istorbohin okay?" siya na naman peste. Ano ngang pangalan ng gagong to? Kabute ata. Palaging sumusulpot kahit san ako mag punta. 

"Hindi naman kita iniistorbo." maang maangang saad niya. 

"Eh ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" 

"Binibigyan ka ng pagkain. Kulang na kulang kasi sayo ang pinamili mo." tanginang lalaking to. 

"Hindi ako patay gutom mister!" 

"Nahiya ka pa. Kainin mo na nga iyan." sabi pa niya "Bakit hindi ka nag almusal kanina? Hinintay kita rito kaninang umaga ngayon ka lang nagpakita." may bahid ng pagalala ang kanyang boses. What's the meaning of this?

"Paki mo?" masungit na saad ko. 

"Wag kang magpapagutom Aki. Masama iyon sa kalusugan mo." 

"Hindi Aki ang pangalan ko gago!" 

"Alam ko. Aki is short for Akari." 

"Di tayo close kaya wag mo kong gawan ng nickname." bwisit talaga. 

"Eh sa yun ang gusto kong itawag sayo eh at para sa akin close na tayo. Ako lang kasi kinakausap mo kaya I declared it already." sarap suntokin ng kumag na to. 

"Close mo mukha mo!" 

"Kainin mo na yan. Sayang naman." tsk. Tiningnan ko ang mga nakalagay sa tray. May carbonara, macaroni, fries, fried chicken with rice at dalawang mineral water. 

"Tsk." sayang nga ang dami eh. Pano ko uubusin to? Sinimulan ko ng lantakan ang mga pagkain. 

"Hinay hinay lang baka mabulunan ka." I glared at him. Inubos ko na lahat, hindi ako makagalaw sa kabusugan. Burp! 

"Thanks." mahinang sabi ko. 

"Sus wag ka mahiya, ako lang to." nakangisi nyang sabi. 

"Ewan ko sayo gago ka." tinawanan lang ako ng loko. Tss.

I smiled. 

--------------------------

Vote and comment naman kayo guys 😁
Lovelots 💕

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Reader's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon