Nagising ako sa ring ng cellphone ko, si Rina tumatawag.....
"Hello, Jeri?" Mumukat mukat pa si Jeri nang sagutin ang cellphone nito.
"Oh Rina, ang aga pa para gisingin mo ko, 9am pa pasok ko sa coffee shop".
"E kasi di ako makatulog, di ko alam kung pano to. Anong gagawin. Nalilito ako."
"Ano nga yun Rina?"
"Jeri, sabi ni clarise mag pregnancy test daw ako para hindi ako mag isip.. E kasi 2 lines yung result. Positive. Buntis ako".
"Ha? E.. baka nagkamali lang yung PT mo, ulitin mo ulit".
"Jeri, inulit ko na to. Dalawang beses na."
"E ano pa bang magagawa, andyan na yan, ginusto naman natin yan. E di panindigan nalang natin. Sige na babangon na ako, mag usap tayo mamaya pagka out ko sa trabaho".
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, siguro masaya ako na kinakabahan kung papano ko sasabihin sa parents namin ito. 18 palang si Rina, ako 21, kahit hindi ako nakatapos ng kolehiyo may matino naman akong trabaho sa coffee shop bilang bar tender. Di man ganon kalaki ang sahod, alam ko na kaya ko naman silang suportahan. Nangingibabaw ang takot ko kesa sa kaligayahan, papano ako magiging mabuting ama sa anak ko? Ni mag palit ng diaper hindi ko alam kung papano. Ewan? Basta, gumising nalang ako isang umaga na Ama na pala ako.
....."ang tagal naman ni Jeri, nagugutom na ako"
Di napansin ni Rina na nasa likod na nya si Jeri may dalang special ensaymada na best seller ng coffee shop kung san sya nagtatrabaho.
"Rina!" Tinusok ni Jeri ng daliri si Rina sa bewang.
"Ut......in". Yan ang salita na nalabas sa bibig ni Rina kapag lagi syang ginugulat ni Jeri.
"Ayan, kaya ka nabuntis hilig mo kasi" Sabay tawa ng malakas si Jeri.
"Hay nako Jeri, di ako nakikipag biroan sayo. Lika nga sa tabi ko, mag usap tayo about dito".
"Pag kakain mo nyang ensaymada, pupunta tayo sa bahay namin. Papaalam na natin ito, tapos sasama ko si Mama sa bahay nyo para ipaalam na rin ito sa magulang mo."
Wala ng ama si Jeri, iniwan sila nito nung walong taong gulang pa lamang siya dahil sumama sa ibang babae ito. Pinangako nya sa sarili nya na hindi sya magiging kagaya ng kanyang ama.
BINABASA MO ANG
Ama na pala ako
RomanceUltimo diaper hindi ko kayang magpalit. Kahit nga magbuhat ng baby takot ako. Basta. Gumising nalang ako isang umaga, ama na pala ako.