"Bye anak.. ingat ka don ha. Hayaan mo't aalagaan ko ang apo kong si Raijen". Sambit ng ina ni Rina sakanya
"Pasensya na kayo Ma, kailangan nyo pang tumigil sa trabaho para lang alagaan ang apo nio. Kung ito ba namang si Jeri ay marunong lang ho sa bata sya na ang patitigilin ko".
"Okay lang nak, kayang kaya ito ng mama mo. Ako naman kapag day off ay kahalili nya kay Raijen". Sagot ng ama nito
"Osige na po, kayo na bahala. Si Jeri po kasi may trabaho kaya hindi na ako maihatid at alam nyo naman pong against yun sa pag aabroad ko".
Nag iwan ito ng halik sa mga magulang at anak nito bago umalis.
Sumakay na ito sa taxi at binaba ang wind shield "Mag iingat po ako don ma, pa. Don't worry :)" sabay tango ang magulang nito sakanya habang papalayo ang taxi ay kumakaway sila sa isa't isa.
"Bwisit pare! Wala akong nagawa! Hindi ko sya hinatid kahit hindi ako pumasok sa trabaho ngayon dahil ayoko syang umalis. Ako ang lalaki, ako dapat ang nandun at hindi sya. Kaya lang, ayaw nya. Natatakot syang magloloko ako don. Atleast daw dito nakikita ako ng magulang nya at magulang ko." sabay hithit ng sigarilyo at lagok ng beer. Wika ni Jeri sa ninong ng anak nya.
"Pre, okay lang yan. Yung nanay ko nga dati sya ang nag abroad para samin, habang ang tatay ko namamasada ng jeep dito. Okay naman kami ngayon, masipag kasi sila pareho. Pero pre, pano ka makakasiguro na hindi sya magloloko don?" sagot nito
"Tiwala at pagmamahal lang pinang hahawakan ko sa ngayon pare". sabay malalim na buntong hininga si Jeri.
"Ma, ako na po kay Raijen.Pinag resign po kasi ako ni Rina sa trabaho ko para matutukan po si Raijen. Wala na nga raw po sya, wala parin ako sa tabi ng anak namin." Sambit ni Jeri sa ina ni Rina
"Buti naman naka adjust ka na. Hayaan mo at aalalayan kita sa pag aalaga kay Raijen". sagot ng ina ni Rina dito
Laging katabi ni Jeri ang anak nyang si Raijen, hindi pa nya masyadog gamay ang mga dapat gawin sa bahay at sa anak nito. Minsan nga pag pinaliliguan nya si Raijen ay may naiiwan pang sabon sa katawan nito. Nalilito pa sya sa pagtitimpla ng gatas at lagi din syang puyat kapag busisi ito sa madaling araw. Ngunit natutunan at nakasanayan na rin nya ang mga gawaing ito. Nililinisan at inehele bago matulog at pinapainom ng vitamins araw araw.
BINABASA MO ANG
Ama na pala ako
RomanceUltimo diaper hindi ko kayang magpalit. Kahit nga magbuhat ng baby takot ako. Basta. Gumising nalang ako isang umaga, ama na pala ako.