Chapter 2
"Dito nalang kayo sa bahay natin Jeri, tutal naman tayong dalawa lang ang andito saka lagi rin naman ako nasa trabaho.. Yung kwarto mo ayusin mo, linisin mo.. di na pwedeng burara ka kasi magkaka-pamilya ka na ngayon". payo ng ina ni Jeri
"Alam ko po Ma.. Thank you po kasi naintindihan nyo sitwasyon namin"
"Basta Rina, Jeri, ayoko ng away ha. Pagod ako lagi s trabaho kaya gusto ko pag uuwi ako tahimik lang"
"Yes po tita".
"Anong tita, mama narin.." sambit ni Jeri ke Rina (Sabay ngiti ni Jeri sa kanyang mama)
"Oh sya halina kayo sa bahay nyo Rina ng mapaalam agad ito sa magulang mo."
(Tumango si Rina at sabay ngiti ito)
Habang naka sakay sa Jeep patungo sa bahay nila Rina...
"Jeri, kinakabahan ako. Baka hindi nila to matanggap".
"Ano ka ba Rina, apo nila yan, saka pananagutan naman kita di ba?"
(sabay pisil ni Jeri sa nanlalamig na kamay ni Rina, maging sya ay natatakot din pero hindi nya lang ito pinapahalata dito)
"Halika, pasok po.." anyaya ni Rina kay Jeri at sa mama nito.
(Tumango ang dalawa)
"Oh! Rina, andito ka na pala, hinahanap ka ng mama mo, samahan mo daw sya sa complex at mag su-zumba kayo.. Ay teka, kasama mo rin pala si Jeri, maupo kayo.." sambit ng ama nito
"Ah papa, hindi na po ako pwedeng magturo ng zumba kasi po......"
"Ah, e.. Good morning po! Ako nga po pala ang mama ni Jeri." Bati ng mama ni Jeri sa ama ni Rina
"Parang mamamanhikan ah! Kasama mo pa mama mo Jeri! (sabay tawa) Ano po bang aten?" pabirong sagot ng ama nito
"Ay ganon na nga po, mamamanhikan po." (kinakabahan na sagot ng mama ni Jeri sabay tingin kin Rina at Jeri)
"Puuuut... buntis ka ba Rina?! Gumaya ka pa sa kapatid mo! Baka sabay kayong manganak nyan! Rina naman!!" sabay tayo ng ama ni Rina at nagtungo sa kwarto kung saan nagbibihis ang asawa ngunit nakasalubong na nya ito pagbaba ng hagdan.
"Narinig ko pinag uusapan nyo". sambit ng ina ni Rina "Hindi na ako nagtaka at laging magkasama yang dalawang yan, lagi kong pinagsasabihan si Rina at Jeri, pasaway na mga bata!" dag dag pa nito sabay upo sa tabi ni Rina.
"Tess naman, 18 lang si Rina." sagot ng ama na nakatayo sa likod ni Rina.
"E ano kung 18? may 13 nga dyan nabubuntis! Mapusok talaga ang mga kabataan. Anjan na yan, may magagawa pa ba tayo Fredddy?" sagot nito sa asawa.
"Kaya nga po kami andito ni mama kasi po pinananagutan ko po ang dinadala ni Rina. Mahal ko po ang anak nyo, di man po malaki ang sinasahod ko sa coffee shop bilang bar tender, kakayanin ko pong buhayin ang mag ina ko, alam ko po mahirap sa una pero kakayanin po naming dalawa".
Napakasat lang ang ama ni Rina at sabay tango "Sige pakasalan mo anak ko, kahit sa 'wes lang". tugon ng ama ni Rina ke Jeri
"Papa, ayoko pa po magpakasal, saka nalang po kapag lumabas na ang baby at nakapag ipon si Jeri". Nagmamaka awang sambit ni Rina sa ama.
"Pangako ko po, pag may sapat na ipon na po ako, papakasalan ko po si Rina kahit sa simbahan po." sabay tabi kay Rina ni Jeri
..at sa huli ay nagkasundo sila at nag pasyang kina Jeri nalang titira ang anak na si Rina.
BINABASA MO ANG
Ama na pala ako
RomanceUltimo diaper hindi ko kayang magpalit. Kahit nga magbuhat ng baby takot ako. Basta. Gumising nalang ako isang umaga, ama na pala ako.