23

1.9K 96 29
                                    

Ganoon ang ginawa ko. Tuwing wala akong pasok ay pinagdadalhan ko siya ng pagkain sa hacienda, doon na rin ako kumakain para sabayan siya.  After lunch he'd take a nap by the hammock while I do my assignments and listen to classic songs on the radio. Mapayapa ang ganoon. I wish I could spend all my afternoon like that.

Bitbit ang aking maleta at ang kanya ay sumunod ako sa likuran ni Trevelyan. We are on the airport to Manila, para puntahan ang aking ina. Sa tulong ni Trevelyan ay natunton siya ng P.A na hinire nito.

It will be my first time in Manila. Most of the time during our check in, Trevelyan did all the talking and processing, habang ako ay nasa gilid niya at nakamasid.
Mabilis lang naman ang flight papuntang manila, naupo ako sa window kaya't naaliw ako sa nakikita ko mula himpapawid. I am finally seeing my mother and I get to travel for the first time! Well, aside sa bachelorette party ni Tori sa Amanpulo.

I wonder how things turned out if I wasn't married to him. Siguro ay walang pagbabago sa buhay ko. I'd pretty much be working on the farm and not studying, siguro ay hanggang ngayon pinag hihirapan ko pa ring mapansin ni papa. And Henry, who had ulterior motives on me would still be by my side.

“How's the flight?” we stopped over for a coffee. Nakaupo ngayon sa harapan ko si Trevelyan matapos naming iwan ang bagahe sa aming hotel room. He looked so fresh today, with his new haircut and clean shaved face.

“Maayos naman. Nag enjoy ako sa views, tsaka, kagaya ng papuntang Amanpulo, noong nagti take off. Pakiramdam ko, parang nabingi ako panandalian

He chuckled sexily and bit his bottom lip. “Masasanay ka rin, I promise Manila wouldn't be the only place you'd go to.” he smiled. When he's in a good mood like this, talagang nakakahawa.

“Ready ka na bang makita ang Mama mo?”

Tumango ako. “Kinakabahan, pero nangingibabaw ang pananabik.”

“It will be just fine. I'm here.” inabot niya ang aking kamay at pinisil iyon.

Nakipagkita kami kay Uno sa labas ng coffeeshop. Hihiramin pala ni Trevelyan ang kotse nito papuntang Makati, kung saan daw naninirahan ang aking Ina.

Tutulak agad kami. I just want to see her right away, para mawala na itong kaba sa dibdib ko. Nanlalamig ako sa kaba, sa totoo lang. I just put extra effort so he wouldn't notice how ecstatic and anxious I was about this.

Uno handed him the keys. “Doon na kayo mag dinner sa condo, ipagluluto kayo namin ni Estelle.”

Sumama ang tingin ng asawa ko kay Uno. “She's staying at your place?”

Uno sighed, “Come on, Treb. You already know that. Anyway, aalis na ako at babalik pa sa shop. Kita nalang tayo mamayang gabi.”

“Thanks for this, Uno. Full tank ba to?”

“Oo naman.” Uno chuckled a bit. “Mag ingat kayo, Xerxes.”

“Thank you, Uno.”

I noticed since Uno has been there in hacienda, him and Trevelyan has a special bond together, iyong imahe na naiisip ko tuwing iniisip na paano kaya kung nabubuhay si Paul ngayon. I'm glad Trevelyan has found a friend in his future brother in law, kahit mabilis na naiinis tuwing naiisip na ito ang boyfriend ng kapatid niya.

Uno's two-seater car was comfy. Pula ang kotse na may tatak ng kabayo sa harap. This just looks like the cars in the magazine. Magara. I didn't know Uno's that rich.

“I'm not really into sports car. Do you like something like this, Xerxes?” he asked, habang tahimik ang pagmamaneho niya papuntang Makati.

“Okay naman sa akin kahit ano.” sabi ko. “H-hindi naman ako marunong mag maneho.”

The betrothed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon