30| The Truce

106K 1.8K 66
                                    

CHAPTER 30: THE TRUCE
11.06.14 – raw version

 

↫↫↫↫↫

     “BAKIT kaya ang tagal nila mommy?” Tanong ng isang batang babae habang naglalaro ng teddy bear sa playroom nito, hinihintay ang pagdating ng kaniyang mga magulang. “Tanungin ko kaya si Lolo?” Maya ay wika nito, tumayo at tinungo ang silid ng kanyang lolo.

Nakaawang ang pinto ng silid pagdating niya kaya sinilip niya kung naroon ang kaniyang lolo. Naroon nga ito, nakatalikod sa kaniya at mukhang may kausap ito sa cellphone nito.

     “Paanong nangyari iyon?!” Galit na sigaw nito sa kausap. “Bakit hinayaan niyo na mangyari ito?! How about my wife?!” Tumigil muna ito at pinakinggan ang sinasabi sa kabilang linya. “Pa-patay na silang lahat? Si Gio... si Kim... even my wife?” nanghihinang napaupo ito sa swivel chair at malakas na itinapon ang cellphone nito sa pader. “F*ck! Ahhh!” He screamed loudly, in frustration, anger and sadness. “I’m going to find these bastards and make them pay—” Hindi na nito naituloy pa ang sunod na sasabihin na makita nito ang batang babae na nakatayo sa pintuan ng silid nito.

Nabitawan naman nito ang teddy bear na dala dala. At her young age, she knows what she heard. A tear fell from her eyes, “That’s not true… ‘Diba Lolo? Hindi ako naniniwala. Buhay pa sila, diba po? Diba po? Makikita ko pa sila, mom and dad promised me we were going to the beach…

The old man can’t find words to say, the kid heard him. Hindi siya pwedeng magsinungaling, matalino ang apo niya. She cannot be fooled.

He stood up at nilapitan ang apo. Hinawakan niya ang isang kamay nito, “Eve, listen to me… I know you’re smart and I know it’s hard for the both of us to hear this sad news.” He paused, trying his voice not to be shaky. “A-ang lola mo, kasama ang daddy at mommy mo… Eve, I’m s-sorry.” Hindi na nito napigilan ang mapaiyak sa bugso ng halo halong nararamdaman. “I’m sorry, Eve. I failed to protect the family. Eve, they… they’re gone.”

Eve screamed. “No! No!”

 

      “NO!” Napabalikwas ng bangon si Eve mula sa isang masamang panaginip. No, it wasn’t a dream at all because it was a memory of the past. Isang masamang nangyari sa buong buhay niya maliban rin sa pagkamatay ng lolo niya.

She took a deep sigh and covered her face with her hands. A dark memory resurfaced again, bumabalik ang masasamang panaginip when she was stressed and burned out. Hinawakan niya ang balikat ng maramdaman ang pagkirot ng sugat doon that maybe because of her sudden movements. Napansin rin niyang nasa sarili na siyang silid.

She recalled what happened last night before she blackout. She still could not believe Empress came to save her, well, she really does not look like the one na may pakialam sa ibang tao maliban sa negosyo at teritoryo nito. She doesn’t even like her.

She glanced at the clock as she went down from her bed, it’s almost four in the morning. How long was she asleep? Si Flynn at Queen ba ang nagbihis at gumamot sa kaniya? Kamusta rin kaya ang mga ito? And her friends… hindi niya alam kung paano siya magpapaliwanag sa mga ito. Maiintindihan kaya nila ang mga bagay na inilihim niya? Of what and who she really is.

The Mafia Heir Book 1 (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon