Chapter Thirty Three

3.3K 74 16
                                    

Chapter Thirty Three

"Akin na?" Nilahad agad ni Iara ang kamay nya sa harapan ni Shinubo.

"Chill babe. Kakadating mo lang." Relax na sabi ni Shinubo na prenteng nakaupo sa sofa ko.

"Bilis na kasi! Nagpromise ka diba?!"

Natawa si Shinubo sa ginawang paghila ni Iara sa sando nya. Tinaas nito ang dalawang kamay at kinuha sa bulsa ang hinihingi ni Iara.

"Ayan! Ang bait mo talaga, Shin." Hinarap ako ni Iara at winagayway ang dalawang gift check na free getaway sa Unisan sands daw. "Tayong dalawa ang gagamit nito para magrelax, Mayami!"

"Wala man lang thank you? Ibang klase ka talaga." Iiling iling na sabi ni Shinubo.

"Ay thank you, Shin." Ngisi ni Iara. Nilapitan sya ni Shinubo para pasadahan ng daliri ang ilong nya.

"Labas sa butas ng ilong." Iling nya pa. "Anyway, may iba-blind date ako sayo, Yami."

"Hep! Hindi pwede!" Suway agad ni Iara kaso tinabing sya ni Shinubo.

"Hindi kita kausap." Bumalik ang tingin nya sa akin. "Game ka?"

"Sino naman yan?"

"Gwapo to. Pinsan ko, kaso masungit lang. Tingin ko kulang sa sex yun."

"Awan ko sayo, Shinubo."

"De nga. Seryoso. Kung gusto mo, text mo lang ako." Pinasak nya ang kamay sa magkabilang butas ng pantalon. "Uwi na ko. Enjoy kayo jan."

"Alis na!" Taboy pa ni Iara bago nya ako hinarap. "Next week na to. Mag-file ka ng leave ha. Sayang at bayad to, gagamitin nalang natin."

"Para saan ba yan?"

"Pang tanggal ng stress! Naku, kung ako sayo igagrab ko na ito at alam kong stress ka buong week."

Mabilis dumating ang araw ng alis namin ni Iara. Hinatid pa nga kami ni Shinubo dahil uuwi daw ito ng probinsya nila. Sa tagal kong kilala si Shinubo, wala akong alam sa buhay nya. Pangalan nya lang na Shinubo at ang trabaho nya bilang tattoo artist.

Nga pala, binigay na ni Heaury sakin iyong maleta na dala ko sa boracay noon. Sabi nya, remembrance daw. Nakita ni Iara iyon kaya sya na mismo ang nag ayos ng dadalhin kong damit para sa trip namin.

"Thank you, Shinubo. Mag iingat ka."

"Yeah, enjoy you two."

"Mag eenjoy talaga kami. Bye Shin." Kumaway si Iara kay Shinubo.

Yumakap naman sa braso ko si Iara at hinila na ako sa reception table. Wala namang tinanong sa amin, nasabi na daw ni Shinubo ang pag dating namin. Pinakita lang ni Iara ang dalawang gift check.

"Ito na po ang susi ng cottage nyo, Ma'am. Ipapahatid nalang din po kayo doon ng aming boy."

"Great! Thank you!" Excited na sabi ni Iara.

Sumakay kaming dalawa sa golf car na maghahatid sa amin sa aming cottage. Panay lang akong nakamasid sa paligid.

Unisan sands. Nakikinig ko na to dati, pero siguro hindi pa gaanong sikat ito. May kalaban syang resort ngayon. Monte Vista daw na nakabase sa Lucena.

"Enjoy Ma'am." ani noong lalaking naghatid sa amin.

Tumango at nagpasalamat ako sa kanya. Paano naman, nakapasok na sa loob ng cottage si Iara. Hinubad na nga nya iyong flower polo at revealing na ang orange bikini top nya.

"I so love this cottage. Ganda ng ambiance." Bakas ang kasiyahan sa kanya. "Picturan mo ko be dito sa kama. Lakas maka-sosyal."

Ginawa ko naman ang gusto nya. At pagkatapos, inaya na ako ni Iara sa labas para kumain ng lunch. Hinihimas nya ang tiyan nya dahil gutom na daw talaga sya. Tanghalian na din kasi.

Hate That I Love You (Lausingco Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon