Chapter Thirty Seven

3.4K 64 19
                                    

Chapter Thirty Seven

Gising na ko pero ayoko pang magmulat. Ramdam ko ang paninitig ni Zild sa akin ngayon. Dama ko ang higpit ng pagkakayakap nya sakin. Ano bang ginawa mo kagabi, Mayami? Jusko, ikaw pa talaga gumawa ng first move, malandi ka din no?

Hindi ko nga alam kung anong oras na, basta alam ko maganda ang pwesto ko ngayon. Bakit ang unfair, ang bango bango pa din ni Zild kahit bagong gising?

My phone rang kaya namulat agad ako. Shit. Nakita tuloy ni Zild na gising na gising na ko.

Humiwalay ako sa kanya at pumihit patalikod para silipin ang cellphone ko. Nagkanda laglag pa nga iyon dahil sa pagkataranta ko. I swallowed as I read Iara's name.

"Hindi mo sasagutin?" Zild hugged me from behind and buried his face on my neck. "Si Iara, baka importante."

"Sasagutin ko lang." Sabi ko sabay kalas sa braso nyang nasa baywag ko. Kinipkip ko ang kumot sa katawan ko.

[Ano wala kang balak sagutin?] Iyon ang bungad ni Iara.

"Umagang umaga, Iara."

[Hoy tanghali na. Asan ka ba? Di ka nagtext na hindi ka papasok. Inintay ka pa naman ni Mr. Montecalvo.]

"Si Heaury?" Napalingon sa akin si Zild matapos nyang suotin ang shorts nya.

[Oo no. Bakit daw hindi ka nya nakikita sa bachelor's club.]

Umayos ako ng pagkakaupo ko.

"Hindi naman ako ang pinunta jan ni Heaury, ikaw."

[Ikaw nga eh. Ikaw agad ang tinanong. Nasan ka ba?]

Naputol ang pagsagot ko ng halikan ako ni Zild sa labi, iyong may tunog pa.

"I'll cook our breakfast." Aniya na halatang pinarinig kay Iara. Tinakpan ko ang bibig nya.

"Huwag kang maingay." Suway ko.

[Hoy, babae ka. Sino iyang kasama mo? Boses lalaki yan ah!]

Pumikit ako at nang magmulat ay titig na titig si Zild.

"Sa baba lang ako." Paalam nya pa.

[Mayami! Huy!]

"Nasa bahay lang ako."

[Sino iyong kasama mo?]

"Wala yun." Sabi ko pa.

[Wala bagang. Saglit ha, pupuntahan kita jan sa bahay mo.]

"Iara!" Mabilis nyang pinutol ang tawag.

Taranta ako sa pagtayo at paghahanap ng susuotin ko. At nang makapagbihis ay tumakbo ako palabas ng kwarto sakto ang ginawang pagkatok ni Iara sa pinto. Binuksan ko iyon at sumalubong ang nakataas nyang kilay sakin.

"Sinong kasama mo jan?" Pilit nyang sinusungaw iyong ulo nya para silipin iyong loob.

"Wala nga. Mamaya na tayo mag usap."

Humalukiphip sya. "Alam mo, hindi na ako naniniwala sayo. May kasama ka jan. Ayun oh, may motor doon."

"Good Morning Iara." Nasapo ko ang noo ko ng magsalita si Zild.

Nanlalaki ang mata ni Iara na tinuro si Zild at tinabing ako. Shit.

"Aha! Mr. Lausingco, what a surprise?" Bumaba ang tingin ni Iara sa katawan ni Zild.

"Join us for breakfast."

"Ay hindi. Kakatapos ko lang. Chineck ko lang talaga kung sino tong kasama ni Mayami." Sabi ni Iara na may pagkurot pa sa gilid ko.

Hate That I Love You (Lausingco Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon