Chapter Thirty

3.3K 80 13
                                    

Chapter Thirty

Bumilis ang tibok ng puso ko dala ng kaba. Pero nang magharap na kami, napagtanto kong hindi sya ito. Oo nga't magkasing tangkad at aura pero hindi sya to.

Inalalayan ako noong driver sumakay. It was awkward really. Lalo na noong magsimula na kaming umadar. Tinikom ko nalang ang bibig ko at sumulyap sa bintana.

"Mayami," his husky voice caught me off guard. "I know your rules and regulations. Don't worry, I won't force you or something. I just need some company for this stupid party."

I nodded. "Anong pangalan mo? Real name not your code name."

Umangat ang isa nyang kilay at tumitig sa akin. Pinilig kong muli ang ulo ko para maisip na hindi sya ito. Hindi.

"Heaury Montecalvo."

"Age?" He chuckle.

"25."

"Oh. One year lang ang agwat natin?"

"Alright. We'll head straight to the airport. Nasa likod ang mga damit mo."

"Pero may dala na akong damit."

May halong insulto ang ginawa nyang pagpasada sa kabuuan ko. Suot ko ang isang tshirt at maong short, plus naka-sandals lang ako. Iyon kasi ang pinasuot ni Iara sa akin since pupunta naman daw kami sa Boracay.

"Sa beach tayo pupunta. Might as well, wear something fits on the beach."

"Okay." sagot ko nalang.

Hindi nagtagal ay nakarating kami agad sa airport. Inabot nya sa akin ang maleta ko at pinaiwan ang duffle bag na dala ko. Tinuro nya din ang cr para makapagpalit ako. Hindi ko halos maisip kung bakit puro crop top, bikini at mga tube ang nanditong damit. Eh kasi hindi naman ako nagsusuot ng ganito!

Pinili ko ang isang white and black tube top. Hindi ko na pinalitan ang short ko. Nilugay ko ang buhok ko na medyo naging wavey pa at naglagay ng bulaklak sa tenga ko. Paglabas ko sa banyo ay nakaabang na si Heaury sa akin.

Tumingin sya bago sinenyasan iyong attendant para sa gamit namin. Sinakbit ko ang sling bag ko at lumapit sa kanya.

"Come here." Aniya sabay pulupot ng braso sa baywang ko.

Did we have to act sweet? Kasi escort nya ako diba? Meaning malungkot sya sa ganitong party dahil single daw ito sabi ni Iara, dahil minsan na din syang napili nitong maging escort.

"Oh! That's Heaury!" Isang babaeng naka-sun dress ang lumapit sa amin. Kulot ang buhok at mamula mula ang pisngi. "Hoy. Kanina ka pa hinihintay. Aalis na ang plane."

"I'm sorry for being late, Jay Ann." Hinila nya ako palapit sa kanya. "Sinundo ko pa ang date ko."

Tumaas ang kilay ni Jay Ann sa akin at pinasadahan din ako ng tingin bago ngumiti.

"Hi, I'm Jay Ann Buendia."

"Mayami Ramirez, nice to meet you."

Sa loob ng plane ay puro kilalang mga modelo at business tycoon ang nandoon. Binati si Heaury ng iba bago napasulyap sa akin. Kumibit balikat nalang ako at inaliw ang sarili sa pagtingin sa mga ulap. I also took a selfie and send it to Iara.

Hindi nagtagal nang makarating kami sa daungan. Tahimik lang si Heaury sa gilid ko. Mukhang hindi nya talaga gusto ang party na dadaluhan nya. Tikom ang bibig ko at hindi na nang usisa pa sa kanya.

"You can enjoy your stay here."

"Di ba dapat I'll accompany you?"

Humalukiphip sya. "So your doing your job?"

Hate That I Love You (Lausingco Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon