Chapter Twenty Nine

3K 64 12
                                    

Chapter Twenty Nine

Hila hila ako ni Iara sa loob ng Bachelor's Club na halatang mayayamang tao ang dumadayo. Kilalang kilala nga sya dahil hindi man lang sya sinita ng mga bouncer.

"Dito ako nagwewaitress. Laki ng kita, dahil sa tips." Kumindat pa sya.

May kinawayan syang isang babaeng balingkinitan.

"Beverly!"

"Finally, Iara. Ano, nakahanap ka na ba?"

"Di pa. Pero may ipapasok akong waitress." Nilahad nya ako. "Friend ko, si Mayami. Be, si Beverly."

"Oo. Pasok na iyan, maraming tao ngayon kaya kailangan ko ng tao."

Pumalakpak si Iara. "Magstart na sya?"

"Madam Maricel, may waitress bago."

Isang matandang babae na puno ng make up ang lumapit sa amin. Pinasadahan nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Waitress? Akala ko pang escort."

"Wis Madam, hindi sya pwede doon." sagot ni Iara. "Masyado tong mabait."

"Maganda tong kaibigan mo, Iara." Hinarap ako noong Madam Maricel. "Sure kang waitress ka nalang? Ayaw mo ng escort or call girl namin? Mas malaki nakikita nila doon."

"Madam ha. Friend ko ito."

Natawa iyong Madam. "Sige na. Start ka na hija. Kayo na bahala jan, marami akong kausap ngayon."

Kumindat uli sakin si Iara bago kami giniya ni Beverly sa staff room.

So far so good, maayos naman ang pagiging waitress ko doon. Nawitness ko din ang minsan ay pagiging call girl ni Iara o di kaya'y escort daw. Sabi ni Beverly, iyong escort daw ay rerentahan ka ng isa o kahit ilang araw para isama sa mga social event or parties ng mga elites. May extra service daw depende kung papayag iyong babaeng eescort. Kapag ganun daw, mas malaking kita.

Tumagal ako ng isang buwan doon. Maayos naman ang Bachelor's club kaya nagpasya akong magstay nalang doon pansamantala. Tyaka nalang din muna ako hahanap ng bagong trabaho.

"Gora na kami. Ayos ka lang ba dito? Nandyan naman sina Juliet in case na may itatanong ka."

I nodded. "Mag iingat ka, Iara."

"Sanay na ako dito. Ikaw mag ingat kasi may mga manyak na costumer dito."

Ginawa ko naman ang trabaho ko. Aliw dahil may mga tips akong nakukuha.

"Oy Yami, may nagpapabigay sayo ng drinks oh." Kinikilig na sabi ni Bandeng.

"Kanino daw galing?"

"Doon oh." Sinundan ko iyong tinuro nya.

Nakita kong isang amerikano iyon. Tumango sya at pinakita ang shot glass.

"Tanggapin mo na, mukhang harmless naman. Tyaka iyan ang pinakamahal na alak dito."

Iniwan ako ni Bandeng doon para asikasuhin ang costumer. Wala namang masama kung itatry kong inumin diba? Madaming bouncer jan para kung may hindi magandang mangyari sa akin ay safe ako.

Lumalim ang gabi, mas dumami ang nag aabot ng alak sa akin. Tinatanggap ko iyon at nagpapasalamat. Hindi ako sanay uminom pero kinaya ko naman. Iyon nga lang, mas tumaas ang energy ko.

Pasado alas tres ng umaga ng matapos ang shift ko. Hilo na ako pero kinakaya ko pa ding tumayo. Nagpaalam na ako kina Juliet.

"Sure kang ayos ka lang? Ba't kasi tanggap ka ng tanggap ng drinks."

Hate That I Love You (Lausingco Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon