"Ano? Gusto mo bang magkasubukan tayo, ha!?" sigaw ni tito kay mama. "Kapag sinumbong mo ako sa pulis, isasama kita sa kulungan."
"Napakababoy mo! Sarili mong pamangkin, pinagsamantalahan mo!" iyak ni mama habang hinahampas ang braso ni tito. "Manyakis ka! Bastos! Baboy!"
Hindi na ako umimik sa mga napapanood ko. Gustuhin ko man ay hindi ako makasingit sa bangayan nilang dalawa. Nagpatuloy pa ang pagtatalo nila nang sobrang tagal. Ilang oras pa ang lumipas ay may dumating na mga pulis.
"Ano'ng kaguluhan 'to?" tanong ng isang pulis kay mama.
Natahimik si mama at hindi agad nakasagot. Halata sa kaniyang mukha ang matinding pagkabigla sa nakita. Nagsumbong pala ang kapit-bahay namin sa mga pulis dahil na rin siguro sa tagal ng pagtatalo nilang dalawa.
"A-Ah sir, wala po ito," tugon niya sa mga pulis na sinabayan pa ng kaniyang pekeng ngiti sa labi. "Ito po kasing bayaw ko, sinabi sa magulang ko na nakulong yung asawa ko. 'Yan po tuloy, gusto na kaming pauwiin sa probinsya."
"P'wede niyo naman 'yang pag-usapan nang maayos. Hindi yung nang-iistorbo pa kayo ng kapit-bahay," sabi ng pulis.
"Pasensya na po, sir. Okay na po kami," sagot ni mama na sinabayan ng biglang pagtahimik ng paligid.
"Ah misis, kailangan mo rin palang sumama sa'min. May dapat kang malaman tungkol sa asawa mo." pag-iimbita naman ng isa pang pulis na nasa likuran ng kinausap ni mama kanina.
"Bakit po, sir?" tanong ni mama.
"Basta sumama ka na lang. Doon mo malalaman ang lahat," dagdag pa ng pulis.
Nag-aalangan si mama kung sasama ba siya o hindi nang bigla namang sumapaw si tito sa usapan nila.
"Sumama ka na! Ako na bahala sa anak mo rito. Babantayan ko siya nang maigi," sambit ni tito habang nakangiti na tila ba nagagalak sa mga nangyayari.
Alam ko na.
Mukhang maglalaro nanaman kaming dalawa ni tito.

BINABASA MO ANG
PUTANG INA
Mystery / ThrillerWARNING: SPG | Explicit Content Inside | R-18 | Trigger Warning Sa estado ng buhay kung saa'y isang kahig at isang tuka ang araw-araw na tagpo, hanggang saan ang kayang gawin ng isang ina? Mananatili bang silang kakapit sa patalim na tanging sa kani...